messenger
Elina Corpuz
• active nowDecember 9, 2020 at 21:20
Terrence
ikaw iyong babaeng
iyakin at laging kinakabahan,
takot at hindi kumportable sa
mga tao. tahimik at palagi
lang nakamasid sa paligidmahilig ka sa color pink,
paborito mo ang mga halaman,
mahilig ka sa mga pusa at aso
at paborito mo ang potchiayaw mo sa math dahil
hindi mo gaanong naiintindihan
ang bawat proseso sa pags-solve,
magaling ka sa science at
madaling magkabisa ng mga termino
na mahirap bigkasin at tandaanayaw mo sa sipnayan pero
paborito mo ang aghamgusto mong makipagkaibigan
sa iba pero hindi mo alam kung
paano makisalamuhakung akala mo'y hindi kita
napapansin, mali ka. sa araw-
araw na pagpasok sa eskwela'y
ikaw agad ang hinahanap ng matatititigan ka saglit, panonoorin
kung may pagkakataon, hindi
ko alam kung bakit pero panatag
ako sa t'wing nakikitang ayos kamasaya ako sa tuwing kausap
ka, kumportable ako sa mga tingin
mo at tawasayo ko napatunayan na
hindi kailangan ng kahit
anong relasyon para maging
kumportable sa isa't isamagkakaklase lamang tayo,
ikaw 'yong babaeng tinulungan
at hinatid kowalang kahit akong namamagitan
sa atin kaya naman kampante
ako na palaging kumportable
at maayos tayopero nagbago 'yon noong
malaman kong gusto mo akoayokong magkaroon ng
gulo sa pagitan natin dahil
takot akong mawala iyong
kapayapaan na nararamdaman
ko sa tuwing tatama ang tingin
mo sa akinayokong magkaroon ng ibang
kahulugan ang pag-uusap at mga
ngiti mo sa akingusto kita bilang kaibigan,
hanggang doon langeli sa ating dalawa, ikaw
yata 'yong manhidaraw-araw mong pinakikita
sa akin na gusto mo akoaraw-araw ko ring pinakikita
sa'yo ang sagot koeli, ibabalik ko ang tanong
sa'yobakit di mo maramdaman
na 'yong tingin ko sayo
ay hanggang kaibigan lang?
YOU ARE READING
Bakit 'Di Maramdaman?
Teen Fictionepistolary | completed 𝗿𝗲𝗻𝗰𝗲 & 𝗲𝗹𝗶'𝘀 Bakit naman kasi sa lahat ng maaaring magustuhan, doon pa sa taong hindi makaramdam? bakit hindi series - one © seathernae, 2023 R13+