Ilang araw pa lang si Keila sa penthouse ni Xyrus pero hindi niya na maatim na makita ang paguusap nito at ng nobyo niya. Palagi din itong umaacting na umiiyak para lang aluhin ng binata na mas kinakainis niya. She keeps on telling Xyrus that Keila is a fake but he will just tell her to understand Keila. Hindi niya alam kung paano ba niya mapapakita sa lalaki na hindi totoo ang inaarte ni Keila pero wala siyang makuhang ebidensya na nagpapanggap lang ito.
Kasalukuyan siyang nasa penthouse ni Xyrus at hindi pumasok ng trabaho niya. Kahit sabihin ni Xyrus na pagkatiwalaan ito ay hindi pa din niya maiwasan na hindi maparanoid. Tulad ngayon ay aalis ang binata kasama si Keila dahil may appointment daw ito sa psychologist.
"Napapadalas ata iyang pagsama-sama mo sa babaeng iyan," anas niya kay Xyrus habang nagbibihis.
"I'm just taking her to her doctor. Payo kasi ng doctor niya ay huwag muna siyang paghawakin ng sasakyan dahil baka kung anong suicide attempt ang maisip niya."
"Xyrus," she sighed and keep her tears at bay. Bakit ba siya naluluha? Kahit hindi niya sabihin ay nasasaktan na siya. She wants to make her man stay beside her. Bakit parang ito na kusa ang lumalayo? "Bakit ba ang bait mo sa kanya?"
"Babe, she needs me."
"I need you too!" sigaw niya sa lalaki na natigilan. "Hindi mo iyon maintindihan Xyrus? Girlfriend mo ko pero parang ako ata ang istorbo sa bahay na'to!"
"I thought we already talked about this Rayanne? Akala ko naiintindihan mo na?"
"She's a liar! Can't you see that she's faking her depression just to get you from me?!"
"Babe, doctor na ang nagsabi ng kondisyon niya at ikaw mismo narinig mo iyon. What makes you say that she's lying?" kalmado pa ding sagot ni Xyrus. Hindi na napigilan ni Rayanne ang luhang lumandas sa pisngi niya at nagulat ang binata sa nakita. "W-why are you crying?"
"Ganyan ka ba ka-tanga Xyrus? Pinaniniwalaan mo ang babaeng iyon? After the shits she told me about you? After she tried to break us?"
"I'm sorry," anas nito at pinunasan ang mga luha niya. "Alright, I'll talk to her. Kung ayaw mo na siya dito, iyon ang susundin ko."
"Don't leave. Kahit ngayon lang Xyrus Montenegro pakinggan mo ko," madiing sagot niya.
Napatango naman ang lalaki at niyakap siya. "I'm sorry, I'm sorry. Hindi ko naisip ang nararamdaman mo. I'm sorry, Rayanne."
Ilang saglit silang nasa ganoong posisyon bago sila lumabas ng kwarto. Nakita niyang nagaantay na si Keila sa salas at automatic na tumaas ang kilay niya nang makita ang suot nitong hapit na club dress na pinapakita ang cleavage niya.
"Pupunta ka ba sa hospital para maghanap ng kakamot sa'yo?" mataray niyang tanong dito.
Hindi naman siya pinansin ng babae. "Xyrus, tara na?"
"Sorry Kei, ipapahatid na lang kita kay Edryl. May biglaang lakad kasi kami ni Rayanne."
"What?" bumalatay ang inis sa mukha ni Keila. "Let me come with you then. I don't like to be alone, Xy...please?"
Akmang hahawakan nito ang braso ng lalaki nang tampalin ni Rayanne ang kamay nito. "Stay away from Xyrus."
"Rayanne," pigil sa kanya ni Xyrus.
"Hindi ka bata para samahan ng boyfriend ko sa ospital at kung gusto mo ng kasama humanap ka ng iba."
"Xyrus..." painaawa nito ang mukha sa lalaki. Gustong sampalin ni Rayanne ang babaeng kaharap dahil sa inis. She can't take her pretending scheme anymore. Sa sobrang inis niya pati tuloy ang nobyo ay napagbubuntunan niya ng galit niya.
BINABASA MO ANG
COITUS AGENCY
General Fictioncoitus (noun) : physical union of male and female genitalia accompanied by rhythmic movements:sexual intercourse- Original story by greeeeeen Published under LIB Bare (2019)