XYRUS woke up the next day with his head hurting. Naalala niyang umalis si Rayanne kahapon kaya uminom siya ng alak sa mini bar niya at sinamahan siya ni Keila uminom. He doesn't remember anything after that. His memories of last night were hazy and blurry.
What the fuck happened?
Pagtayo niya ay doon lang niya napansin na hubo't hubad siya. Wala siyang saplot ni isa at paglingon niya sa kama ay nanlaki ang mata niya nang makita si Keila na natutulog sa tabi niya at walang damit. Ilang saglit siyang napatulala sa nakita bago pinulot ang mga damit niya at sinuot iyon.
"Fuck," bulong niya at mabilis na lumabas ng kwarto. "Anong nangyari? Tangina Xyrus, anong nangyari?!"
Kung ano-anong scenario ang pumasok sa utak niya habang pilit inaalala ang ginawa niya kagabi. Lalong nanakit ang ulo niya sa kakaisip kaya dumiretso siya sa salas at pinanood ang CCTV na meron siya sa buong penthouse niya. Nakita niya ang sarili na umiinom ng alak nang lapitan siya ni Keila at sinaluhan sa pag-inom tapos ay tumayo ang dalaga bago may kinuhang alak sa liquor rack at naglagay sa isang bago. Nakita niyang may nilagay ito sa inuming binigay sa kanya bago siya nawalan ng malay.
He saw her carried him to his bedroom and after a while Rayanne came to the video. Nakita niya ang pagsilip nito sa kwarto hanggang sa umalis na lang ito ng bahay niya. Kusang tumulo ang mga luha niya habang nakatitig sa video. He was shocked and he couldn't take his eyes off the television.
"No...no, no, no Rayanne..." he run towards the bedroom to changed his clothes. Balak niyang hanapin ang dalaga kahit na hindi niya alam kung saan na ito nagpunta.
"Hey Xy! Good morning," nag-pantig ang tenga niya nang marinig ang boses na iyon. His teeth was gritting in anger when he walked towards Keila and pulled her away from his bed. "Ouch! What's your problem?"
"Leave!" sigaw niya at pinagtulakan palabas ng kwarto niya ang dalaga kahit na wala itong saplot. Gulat naman ang bumakas sa mukha ni Keila habang nakatitig sa kanya.
"W-why are you making me leave?" she asked innocently making him angier.
"Just leave! Leave my fucking house!"
"G-gusto mo bang magpakamatay ako? I don't want to leave you Xy..."
"Go on, bitch! Kill yourself for all I care!" he shouted in anger. Halos lumitaw na ang litid niya sa sobrang lakas ng sigaw niya. "Masaya ka na ba?! Sinira mo na kami ni Rayanne! Masaya ka na bang iniwan niya na ko?!"
"X-Xy..."
"Umalis ka na Keila! Umalis ka na!" bulyaw niya at hinila ito papasok sa guest room kung saan ito natutulog. Pinaghahagis niya ang mga gamit nito sa kanya bago niya muling hinila palabas ng kwarto ang babae. "Just fucking leave my house!"
"Pagtapos ng ginawa mo sa'kin kagabi papaalisin mo ko?!"
"Walang nangyari sa'tin, gago ka ba?! You fucking lunatic bitch! Hindi na sana ko nakonsensya sa ginawa ko sayo at sana pinabayaan na lang kita patayin ang sarili mo! I'm regretting everything I did for you Keila! You're a hopeless manipulative whore!"
Umigkis ang palad ng babae sa pisngi niya. "I will never forget this Xyrus! Hindi ko papatahimikin ang buhay niyo!"
"Go on! Do whatever the fuck you want! Hindi ako natatakot sa'yo!"
Galit na nag-martya palabas ng penthouse niya ang dalaga matapos makapagsuot ng damit. Agad naman siyang lumabas ng penthouse niya para hanapin si Rayanne. Una niyang pinuntahan ang opisina nito at nanlumo siya sa narinig na nag-resign ito via e-mail.
BINABASA MO ANG
COITUS AGENCY
General Fictioncoitus (noun) : physical union of male and female genitalia accompanied by rhythmic movements:sexual intercourse- Original story by greeeeeen Published under LIB Bare (2019)