Chapter Twenty Three

1K 14 0
                                    


     PATULOY pa din ang cold treatment ng dalaga sa kanya na kasalukuyan niyang pino-problema. Keila doesn't want to leave his penthouse and every time he'll try to make her leave, the woman cries and threatens to kill herself.

Gusto niya nang maayos ito at hindi niya na alam kung ano gagawin. Naiipit na siya sa sitwasyon na ginawa niya at pati ang mga kaibigan ni Keila na sina Mika at Fatima ay pinagtatabuyan din nito.

He misses Rayanne so much. Kahit pa magkatabi sila sa iisang kama ay hindi siya nito kinakausap at tuwing nilalambing niya ito ay iritado siyang tinataboy ng dalaga. Nag-patong patong na ang problema niya at hindi niya alam kung ano bang dapat unahin.

"Why don't you just leave your penthouse and take Rayanne with you?" tanong ni Saturn. Nakipagkita siya sa mga pinsan dahil sobrang nai-stress na siya sa buhay niya.

"Ayaw mo kasing makinig sa akin," saad naman ni Edryl. "If you just listened to what I told you, you're not in this situation."

"I know, man. Hindi mo na kailangan sabihin sa'kin 'yan," he sighed. "I tried leaving Keila but she threatened me that she'll kill herself. Ayaw ko namang gawin niya iyon sa sarili niya, p're."

"Kaibigan ka Xyrus at hindi caregiver. Bakit mo ba siya iniintindi? Kaibigan din naman namin si Keila pero bakit sa'yo niya lang binabanta 'yan?"

"I think she's out of her mind," Saturn said. "Sa sobrang obsessed niya sa'yo tinamaan na yung utak niya."

"Papaalisin ko na talaga siya at hindi na ko matatakot sa pagbabanta niya," puno ng determinasyong sagot niya. Pagod na siyang intindihin ang dalaga dahil parang mas lumala ang pagiging cliny nito sa kanya. He thought that maybe his girlfriend is right that Keila is just pretending to be depressed to ruin their relationship. "Damn it. Bakit ko ba kasi na-realize 'to ngayon?"

"That's because you're stupid," asik ni Saturn. Sinamaan niya naman ng tingin ang lalaki. "Bakit? Totoo naman eh. Kung ako ang nasa sitwasyon mo hindi ko dadalhin sa bahay ko 'yan kung alam kong ayaw ng babaeng mahal ko, bobo."

"Gago. Sinabi ko naman sa'yong nakonsensya ako sa mga sinabi ko sa kanya 'di ba? Tinawag ko siyang puta, Saturn."

Tumawa ang pinsan. "You're savage."

"That's why my conscience ate me. I regret it and I thought maybe helping her with depression can amend my mistakes," he sighed again. "I guess I'm wrong."

"You're an asshole," saad pa ni Saturn.

"I know."

"Jerk."

"Yes, I am."

"Wanker."

"Gago ka ah," nagtawanan sila.

"My best advice to you is to fix your relationship with Rayanne first. Tol, alam ko ugali ng mga babae at alam kong nasasaktan na iyang girlfriend mo ngayon. Tinitiis niyang hindi ka kausapin para marealize mong hindi niya na kaya intindihin yung problemang ginawa mo. Don't wait until she gave up on you, okay?"

"I know that, Ed. Pero pa'no ko aayusin kung hindi naman niya ko kinakausap?"

"Iyan ang kailangan mong isipin," ngumiti ito.

"Ayusin mo na iyan tapos mag-asawa ka na," sabat ni Saturn. "Magsi-layas na nga kayo sa opisina ko. May meeting pa ko eh."

Napahinga siya ng malalim bago tumayo. "I'll visit again."

"Kahit 'wag na."

Nang makaalis si Xyrus ay dumiretso siya sa opisina ni Rayanne para ayain na mananghalian ang dalaga. Pinapasok din naman siya ng guard dahil kilala na siya nito dahil sa palagiang pagsundo niya sa kasintahan. Padiretso na sana siya sa elevator nang tawagin siya ng kaibigan ni Rayanne.

COITUS AGENCYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon