EPILOGUE

1.7K 20 8
                                    


  IT'S THEIR son's seventeenth birthday today. Simpleng handaan lang ang ginawa nila sa bahay nila kung saan inimbitahan nito ang mga kaklase at kaibigan nito sa school. Nandito din ang ibang Montenegro kasama ang anak nila.

Dalawa ang naging anak ni Rayanne at Xyrus at pareho itong lalaki. Ang panganay nila ay si Sandro na ngayon ang kaarawan at ang bunso niyang si Regan na dose anyos. Parehong nakuha ng mga anak niya ang berdeng mata niya at ang kaguwapuhan naman ng mga ito ay namana nila kay Xyrus.

"Ang bilis ng panahon 'no?" saad ni Fatima. Magkasama silang tatlo nila Mika sa isang table habang pinapanood ang mga binatang anak. Ang panganay ni Fatima ay twenty seven na at may isang anak. Si Mico naman ay twenty two na at nagaaral ng pagdo-doctor. Si Cameron ay nineteen na nasa kolehiyo pa samantalang ang pamangkin naman ni Xyrus na si Sera ay twenty nine na at may sariling pamilya na.

"I can't still believe that our kids are now teenagers. Soon ay bubuo na sila ng sariling mga pamilya nila."

"Huwag naman muna," sagot niya. Hindi niya pa kayang makitang kinakasal ang mga anak niya.

"Ako nga may apo na," natatawang saad ni Fatima. "Kahit ayaw natin dadating din naman tayo sa ganyang punto kung saan isa-isa na tayong iiwan ng mga anak natin. That's why I'm cherishing my moments with Jupiter now. Ang bilis nilang lumaki eh."

"I know," she answered and watched her son Sandro talking with his friends. Ilang saglit pa ay lumapit ito sa kanila kasama ang pinsan na si Jupiter na bunsong anak nila Fatima at Saturn. Silang dalawa lang ang may parehong edad sa magpi-pinsan kaya sila ang palaging mag-kasama.

"I wonder if our classmate likes me," ani Jupiter at ngumisi. "Ang hirap talagang maging guwapo 'no, mommy?"

"Hay nako anak."

"Try stop being a douchebag maybe they'll like you so bad," pangaasar ni Sandro sa pinsan na agad kina-simangot ni Jupiter. Close ang dalawa pero palagi din silang nagaasaran. Ika nga nila Edryl ay parang Saturn at Xyrus ang dalawang ito.

"You're just jealous because no one likes a cold ass like you."

"Hah! Baka gusto mong ipakita ko sa'yo ang panty ni Camie na regalo niya sa'kin. There's even a note that says she already use that underwear."

"Fuck! You mean that cheerleader?"

Ngumisi ang anak niya. "Yeah."

"Kayo talaga. Manang-mana kayo sa mga tatay niyo," puna ni Mika sa kanila.

"Pogi ko 'no tita?" sagot ni Jupiter na may kasamang pogi sign.

"Nasaan ba ang daddy mo Sandro?" tanong niya sa anak. Kanina pa kasi niya hinahanap ang asawa at hindi niya makita.

"Oo nga. Pati si Saturn at Edryl nawawala," saad ni Fatima at napalingon-lingon.

"I don't know. Kanina lang ay nandoon sila sa living room at umiinom ng beer," nag-kibit balikat si Sandro.

"Where's your little brother too?"

"He's playing games in my room. I told him to fuck off because he's pissing off my mates."

Malakas na tumawa si Jupiter. "Buti na lang close kami ni Regan."

"Okay. Pupuntahan ko muna siya," paalam niya at tumayo sa kinauupuan. Matigas kasi ang ulo ng bunso niya. Kung si Sandro ay matigas na ang ulo ay triple niyon ang bunsong anak. Nakikinig naman ito sa kanya pero madalas nitong inisin ang mga tao sa paligid niya. Regan likes to talk back to his brother and older cousins. Mapang-asar din ito at tanging si Jupiter lang ang nakakasakay sa ugali niya.

Kumatok muna siya sa kwarto ni Sandro bago iyon binuksan. Her twelve year old son turn to look at her with his cold eyes. Nagtataka pa din si Rayanne kung bakit naging ganito ang bunsong anak. Isang araw ay umuwi itong puro galos at hindi makausap. Sandro told her that Regan has been into fights but she feels that something is wrong. Tuwing tinatanong naman niya ang anak ay hindi ito sumasagot.

"Anak, don't you want to join us downstairs?"

"No."

"Why? Aren't you hungry?" tanong niya at tanging iling ang sinagot nito. "Nakita mo ba ang daddy mo?" muli itong umiling kaya napa-kunot ang noo niya. "Is everything okay, son? You can tell it to mommy."

"I'm fine, mom."

"Are you sure?"

"Yeah."

"Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako, Regan," saad niya pero hindi na muling sumagot ang anak. Muli niya itong sinulyapan bago siya lumabas ng kwarto. She sighed and walked downstairs.

"Rayanne, there you are!" nagulat siya nang biglang sumulpot si Edryl sa kung saan. "Kanina pa kita hinahanap."

"Bakit? Kanina ka pa hinahanap ni Mika. Kasama mo ba si Xyrus?"

"Tara, may papakita ako sa'yo."

Bago pa siya makapagsalita ay hinila siya ni Edryl paakyat hanggang rooftop. Ngumiti muna sa kanya ang lalaki kaya nagtatakang tinignan niya 'to. "Bakit tayo nandito?"

"Just enter the rooftop. Maiwan na kita diyan. Ako na bahala sa birthday ni Sandro."

"Okay?"

Mabilis na bumaba si Edryl at nang mawala ito sa paningin niya ay binuksan niya ang pinto ng rooftop at sumalubong sa kanya ay ang iba't-ibang klase ng bulaklak na nasa paligid. Her eyes widened as she look around the place full of flowers.

Bumaling ang tingin niya sa lalaking nakatayo sa gitna ng rooftop at lumaki ang ngiti niya nang makita si Xyrus. She immediately walked towards her husband and hugged him tight. "D-did you make these?"

"Yes," he said and kissed her forehead. "Hindi mo na naalala dahil naging busy ka mag-ready sa birthday ni Sandro nitong mga nakaraang araw. That's why I did this for you to tell you happy seventeenth anniversary, wife."

"Xyrus..." maiyak-iyak niyang tinignan ang asawa.

"Seventeen years na tayong magkasama, asawa ko at dadagdagan pa natin iyon ng madaming taon. We'll get old and wrinkly but my love for you will never fade. From the day that you got my attention in Coitus Agency up to this day that you carry my surname in your name, I will never stop telling you that I am so lucky to have you in my life. Mahal na mahal kita Rayanne at walang magbabago kahit ano pang mangyari."

Sunod-sunod na tumulo ang luha ni Rayanne bago niyakap si Xyrus. "I love you Xyrus, I love you. Thank you for this, for everything, for coming to my life and loving me. Napaka-swerte ko dahil nakilala kita at ikaw ang kasama ko hanggang sa pagtanda," ngumiti siya sa asawa at humalik sa labi nito. "And more sex to come for us babe."

"Oh, you don't need to tell me that Rayanne. I'm surrending my body to you for the rest of our lives," he chuckled and kissed her passionately.

Kung ano man ang mga susunod pang dadating sa buhay ng mag-asawang Rayanne at Xyrus ay kakayanin nilang harapin 'to ng mag-kasama. Hindi man nagkakilala sa magandang umpisa ay nagtatapos naman sila sa isang masayang pagsasama.

Rayanne and Xyrus learned that in love there's always that one person who came to their lives to give them a lesson. They learned that in love there's someone out there that's meant for you. Hindi hinahanap ang tunay na pag-ibig dahil kusa iyon dadating nang hindi mo inaasahan. And once that person came to your life, all you need is to pray to God and let Him handle the rest.

COITUS AGENCYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon