Chapter 15 - the truth

17 0 0
                                    


Agon POV

Awang awa ako kay Daryl, mugtong mugto na ang mga mata niya sa kakaiyak.

"Babe, tama na yan. Namamaga na mata mo." I told him. I kept wiping his tears with my hands.

"G-Gusto ko m-maka usap si Amis."

(Bakit pa?)

Gusto ko sana itanong sa kanya. Paano kung magka ayos pa sila at magdecide na lang si Daryl na iwan ako?

"Okay Babe, I will try to contact him. Pero I want you to stay calm okay?"

Tumango siya. Kinuha ko ang CP ko at tinawagan si Amis.

{Hello?} Sagot nito. Naka loud speaker ako kaya dinig din nilang dalawa.

"Where are you? We need to talk."

{Ugh! About what? Busy ako.}

"About what you did to Daryl."

Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya.

{Why the fuck do you care?! Look I cant talk right now dahil kasama ko si Nathan.}

"Sinong Nathan?" Takang tanong ko pareho ding nagtataka ang mga mata ng dalawa.

{He's my new found love.}

"You stupid fucker! Paano si Daryl?" Galit kong tanong sa kanya. Napahigpit ang hawak ko sa CP ko.

{Im done with him, masyadong maarte. Pabebeng bakla. Well I know you like him kaya he's yours.} Tumawa pa ito na parang nakakaloko.

"Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw ni Denden, Daryl cried harder.

"You fucker!" I said.

{Kasama mo ba sila? Fuck! Why did you even call me. You stupid asshole.}

Singhal nito sakin, there he goes. The real Amis only me knows. Agad niyang pinatay ang tawag.

"Sabihin mo dyan sa kapatid mo huwag na huwag magpakita sa amin. Kung ayaw niyang bangasan ko mukha niya." Galit na galit na salita ng ate ni Daryl.

Nagulat ako kasi mahinhin si Daryl, matapang pala ang Ate Denden niya.

"Ate tama na yan. Umuwi na lang tayo." Ramdam ko ang lungkot ni Daryl, I know he's really hurt. Pero hindi ko maiwasang matuwa sa nangyari.

(Sorry Babe.)

Buti na lang naisip kong kotse ang dalhin ko ng sumunod ako sa kanila sa ospital. Pinilit ko na ihatid sila, kesa mah commute pa sila pauwi.

Habang sakay ko sila awang awa ako kay Daryl na panay lang iyak.

"Tama na." Pag aalo naman ng Ate Denden niya. "Hindi dapat iniiyakan ang mga ganung klase ng lalaki. Walanghiya, bastos, walang kwenta." Salita pa nito.

Tahimik lang ako habang nagmamaneho. Wala din akong alam na sabihin lalo na dahil kapatid ko ang gumawa ng kalokohan.

"Wala ka ng ibang gagawin kundi mag move on na lang sa kanya, Bunso. Dahil hindi na ako papayag na makipagbalikan ka pa sa kanya. If you're gonna grow old single, so be it." Dagdag pa ng Ate niya.

Tanging hikbi lang ang sagot ni Daryl. Napaka cry baby. Hindi ko man lang siya naringgan na pinagsalitaan ng masama si Amis. Kahit na alam kong sobrang sakit ng ginawa ng kakambal ko sa kanya. First boyfriend niya si Amis, pero ilang buwan palang sila gumawa ng hindi maganda si Amis. Tulad ng mga ginagawa niya sa mga nagiging boyfriend niya.

Knowing Amis, mas nati thrill siya kapag alam niyang first time siya ng naging boyfriend niya. At gumagawa siya ng paraan para pagbigyan siya ng mga naging boyfriend niya. Sa kaso nga ni Daryl, sex drug ang binigay niya para si Daryl na mismo ang magyaya sa kanya na magsex. Mabuti na lang sa kuwarto ko nakatulog si Daryl ng gabing iyon.

Madalas niyang pinapalabas na ako ang dahilan kung bakit nakikipag break sa kanya ang mga nakarelasyon niya. Pero ang totoo, iniiwan niya sila pag alam niyang nababaliw na sa kanya. Or kapag nagsasawa na siya sa sex routine nila.

Kaya ng malaman ko na si Daryl ang bago niyang boyfriend. Pinagsabihan ko si Amis na huwag gagawin dito ang mga kalokohan niya. May ilang beses ko siyang binantayan para protektahan si Daryl. Pero ayokong sabihin kay Daryl ang tungkol kay Amis dahil alam kong hindi siya maniniwala.

I would constantly warn Amis about being seriously committed to Daryl.  And I honestly thought he was serious, and that he do love him. Siguro talagang panay kalokohan na lang laman ng utak ni Amis.

Sinisisi ko din ang sarili ko, if I have been honest to my self. And tried to atleast talkedmto Daryl before, baka hindi na humantong sa ganito. It could have been me from the very beginning.

How do I fix this?

Gusto ko pa sana mag stay sa kanila, para sana damayan siya. Pero sinabihan niya kami na gusto niya lang mag stay mag isa sa kuwarto niya. It was an awkward moment for me and his sister kasi halata kong galit din sa akin si Denden. Kaya pinili ko na lang na magpaalam.

When I get home agad kong tinawagan ulit si Amis, pero naka off ang phone niya, hindi rin siya naka online sa mga account niya sa social media.

***Babe? I hope you're okay. I dont know what to tell you to make you feel better. I can only say sorry for everything.***

PM ko kay Daryl, binasa naman niya agad pero walang reply. Nakatulugan ko na nga pag hihintay sa reply niya pero hanggang kinabukasan hindi talaga siya nagreply. Pero online siya.

(Ano kayang ginagawa niya?)

Pagpunta ako sa dining area inabutan ko si Amis na masayang kumakain ng breakfast niya. Agad na nag init ang ulo ko, pero hindi ko siya magawang sitahin dahil kasabay namin kumain ang parents namin.

Pero pagbalik niya sa kuwarto niya agad ko na siyang sinundan at sinuntok.

"What the fuck Agon?!" Angil nito sa akin, agad kong binalya ang suntok na dapat ibibigay niya sa akin. At tinulak ko siyang pasubsob sa kama niya.

"I told you, do not play with Daryl's feelings. Ginawa mo pa din? Gago ka ba talaga?" Galit kong salita sa kanya. Susuntukin ko pa sana siya pero agad niyang hinarang ang unan niya, at tinulak ako.

"Bakit ba apektado ka? May gusto ka ba talaga sa kanya?" Pang aasar niya.

"Oo!" Sigaw ko. Natigilan naman siya, halatang gulat na gulat sa sagot ko.

"Dude. Seryoso?" Humihingal na tanong niya, umayos siya ng upo sa kama niya.

"Long before you met him." Sagot ko naman, napaupo na din ako sa kama niya habang hagod ang ulo ko.

"W-what?"

"Tol, sana hindi mo na lang siya pinatulan, ginawan mo pa ng kalokohan yung tao, just to have sex? Ganun ka na ba talaga kagago?"

Natahimik siya.

"Akala ko mahal mo siya kaya pinabayaan ko kayo. But I knew, you're into something when I saw that sex drug here. Hindi ka na ba talaga magtitino?"

"I-I dont know what to say, Agon." Salita niya.

Frustrated at disappointed talaga ako sa ugali ng kakambal ko na ito. Pero mahal na mahal ko kaya kahit madami akong alam hindi ako nagsasalita sa parents namin.

"Akala ko ba you'll stop taking them? Paano kung malaman nila Daddy at Mommy yang kalokohan mo? Amis, kilala mo si Dad. Hindi yun magdadalawang isip na iparehab ka pag nalaman nilang you're taking drugs..."

"What?!"

Pareho kaming nagulat ni Amis ng bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok ang parents namin.

Nanlaki ang mga mata ni Amis.

Kambal Karibal kay DarylTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon