Chapter 24 - The Space

13 0 0
                                    

CHAPTER 24

Agon POV

Agad dumating ang parents namin nang tawagan ko sila. Halos madurog ang puso ni Mommy ng malaman kung anong ginawa ni Amis.

"Oh my God." Salita pa ni Mommy. "What happened to you, Amis? What have you done?"

"I really apologize for what he did. I will make sure that this will never happen again." Paghingi ng apology ni Daddy kay Daryl at sa pamilya nila.

"Mabuti na lang dumating kami ni Mommy at Agon, kung hindi baka hindi lang halayin ng taong yan ang kapatid ko." Salita ni Derek.

Lalo namang napaiyak si Mommy habang nakatingin sa bugbog saradong si Amis.

"Ara, tama lang yang nangyari sa anak mo, mabuti nga hindi siya napatay dito. He's trespassing and tried to rape Daryl." Salita ni Daddy. "I dont think rehab lang ang kailangan niya, I think he needs to see a psychiatrist."

Napatingin kaming lahat kay Daddy dahil sa sinabi niya.

"Im so sorry, Daryl, Mrs. Mariano. Hindi ko din alam kung saan pa ako nagkulang sa batang ito." Malungkot na salita ni Mommy.

"H-he did this to me." Biglang salita ni Amis sabay turo sa akin. "Kung hindi mo inagaw sa akin si Daryl I will not do this to him."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Akala mo hindi ko alam na may nangyari sa inyo sa reunion natin sa Batangas? Fuck you, Agon. Pati ako kinatalo mo. Alam mong boyfriend ko si Daryl and you know that Im serious with him dahil mahal na mahal ko siya." Sigaw pa nito sa akin.

Narinig kong napa singhap sina Tita Dariah at Mommy habang si Derek at Daddy naman ay napakunot ang noo.

Pero lahat kami ay nagulat nang malakas siyang sampalin ni Daryl.

"M-may nangyari sa amin d-dahil sa kagagawan mo. Pinainom mo ako ng wine na may drugs. A-at...h-hindi ko pinagsisisihan na kay Agon ako bumigay ng gabing iyon." Salita pa nito.

Nanlaki naman ang mata ni Amis dahil sa ginawa at sinabi ni Daryl.

"L-love...n-nagawa ko l-lang yun dahil gusto n-na kitang m-maangkin. Mahal na mahal kita." Depensa naman ni Amis.

Isang malakas na hampas sa ulo ang binigay ni Daddy sa kanya.

"Hindi ko alam kung hanggang kailan mo iisipin na tanga kaming lahat, Aramis. Pero pinalagpas na kita ng isang beses sa kalokohan mo. This is enough." Makahulugang salita ni Daddy.

(May alam siya?)

Tanong ko sa sarili ko.

Ilang saglit pa ay dumating ang mga pulis na tinawagan mismo ni Daddy. Dinala nila si Amis.

"Okay ka na ba, Mahal?" Tanong ko paglapit ko kay Daryl. Tuluyan ng dinampot ng mga pulis si Amis, sumunod naman sina Mommy at Daddy.

Tuluyan namang napahagulgol si Daryl habang nakasubsob sa dibdib ko.

"Thank you for saving me." Salita niya sa akin.

"Hey...its my responsibility to protect you. I love you and I will take care of you." Assurance ko sa kanya.

Nakatingin lang sa amin sina Tita Dariah at mga kapatid niya.

----------------------------------

Pagdating sa presinto ay kinuwento lahat ni Daryl ang ginawa ni Amis sa kanya. Nagngingitngit ang loob ko sa naririnig ko, hindi ko akalain na magagawa ni Amis iyon.

Pero bandang huli, napagdesisyunan ni Daryl na hindi na magsampa ng kaso laban kay Amis. Pina blotter na lang niya ito at sa susunod daw na lumapit ito sa kanya ay tuluyan na siyang magsasampa ng kaso.

Tahimik lang si Amis, habang nagpasalamat naman ang parents namin sa kanila.

Pero nagdesisyon si Daddy na ipasok sa mas secured at strict na rehabilitation center si Amis. Parang kulungan na nga ang dating niya para sa akin. Pero siguro okay na iyon para kay Amis.

Bawal ang celphone, bawal din ang bisita lalo na kung hindi alam nila Mommy at Daddy.

"Please anak, tapusin mo ang treatment. Para sayo din yan at para sa future mo." Bilin pa ni Mommy bago namin iwan si Amis sa rehab center. Pero tahimik lang ito at hindi man lang kami tinitignan.

Tahimik kaming tatlo habang nasa byahe. Panay lang ang buntong hininga ni Daddy, habang si Mommy naman ay tahimik na umiiyak. Pero may naalala ako...

"Dad, did you know about Joshy?" Tanong ko. Lalong natahimik si Daddy.

"Joshy? Yung nanloko sa kapatid mo?" Tanong ni Mommy. Mukhang walang alam ito.

"Hindi niya niloko ang anak mo, Ara. Ang anak mo ang nanloko at naglaro sa kawawang batang yon." Malungkot na salita ni Dad. Napatingin naman si Mommy kay Dad at sa akin.

"How did you know about him?" Balik na tanong ni Dad.

"He...he mistook me for Amis nung nagpunta siya sa bahay last year..." Kinuwento ko ang nangyari, pati na ang pagkikita at pag uusap namin ni Joshy nung nakaraang buwan.

"Amis did that?" Hindi makapaniwalang salita ni Mommy.

"We failed as parents Ara, aminin man natin o hindi. We failed to guide our son properly." Malungkot na salita ni Daddy.

"Dont say that Dad, you did not fail as our parents. Matigas lang talaga ulo ni Amis." Pag aalo ko naman sa kanila. Alam kong pareho silang nasasaktan sa nangyayari.

"Okay nga yung ginawa ninyo kay Amis, you protected him and saved him at the same time. Mas okay na sana siya sa bagong rehab center na pinasukan niya." Salita ko.

Lalo namang napaiyak si Mommy sa pag uusap namin.

----------------------------------------

Many days passed by, Amis stayed at the new rehab center. Mukha namang may improvement sa kanya, pero gusto ni Dad na masiguradong magtitino talaga siya hanggang sa lumabas siya.

We never missed a week sa pagdalaw sa kanya. Kahit gaano ka busy si Dad he always find time para makasama namin sa pagpunta sa Laguna kung nasaan ang bagong rehab center na pinagdalhan kay Amis.

Parang bumabawi na din siya dahil feeling niya nagkulang siya ng guidance sa amin ni Amis dahil lumaki kaming lagi siyang kulang ng panahon sa amin. Kahit kay Mommy ay bumabawi din siya, madalas silang may date night.

(Buti pa sila.)

Samantalang ako, miss na miss ko na ang Mahal ko.

The last time we talked he asked for space. According to him, hindi siya nakikipag break pero kelangan niya ng time to think things through.

Inamin niya naman sa akin na I reminded him of his traumatic experience. Naiintindihan ko naman yun, kamukha ko si Amis kaya alam kong everytime na titignan niya ako maaalala at maaalala niya ang ginawa nito sa kanya.

At pinagbigyan ko siya.

Honestly, masakit. Sobrang affected ako, to the point na nawawalan ako ng gana sa maraming bagay. Pero alam ko din na higit sa akin, mas kelangan niyang maka get over sa trauma niya.

Kambal Karibal kay DarylTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon