CHAPTER 26 - surprise

14 0 0
                                    


CHAPTER 26

AGON POV

Daryl and I had a smooth relationship. Sobrang blessed namin pareho dahil tanggap kami ng pamilya namin. Lalo na ako, tinanggap ako ng pamilya niya sa kabila ng nangyari sa kanila ni Amis.

Speaking of Amis, kamusta na kaya siya?

After 2 years sa rehab, nagdecide siya na pumunta na lang sa Australia. Mas kampante naman si Mommy dahil makakasama niya duon ang strict naming Tito at mas may pag-asang magtino talaga siya.

Kaya nga mas naging panatag na din si Daryl. Unlike before na lagi siyang takot mag isa kahit sa sarili nyang bahay.

Sa sobrang trauma niya nga nagpapalagay sila ng CCTV sa lahat yata ng sulok ng bahay nila kahit na sa kwarto niya. Pati mga locks nagpalit at nagdagdag sila.

After ng graduation ni Daryl he opened a small dentistry clinic sa subdivision nila. Kaya hindi natuloy ang usapan namin na magsasama kami sa condo unit ko.

Tuwing sabado at linggo na lang ay sinusundo ko siya para duon kami mag stay sa condo at para may intimate time pa din kami sa isa't-isa.

I am very happy with our set up, at alam ko sa sarili ko na hindi na ako hahanap ng iba.

Siya lang.

Naputol ang pag mumuni muni ko ng tumunog ang celphone ko.

Its Mommy.

**Hello Agon, your brother came home. Is it okay if you come home too and have dinner here?**

Biglang nanlamig ang buong katawan ko sa narinig ko. Naisip ko agad si Daryl. Bigla kong inayos lahat ng gamit ko at mabilis na nagpaalam sa boss ko.

Habang nasa daan labis akong nag aalala. Kung bakit kasi kotse ang ginamit ko papasok. Dapat nag motor na lang ako para mas mabilis akong maka byahe. Halos paliparin ko na ang kotse sa sobrang pag aalala ko.

Pag-uwi ko agad kong narinig ang tawa ni Amis.

"Amis?" Nang makita ko si Amis ay nagulat ako. May naka kandong sa kanya na isang batang babae.

"Tol! Kamusta?" Nagulat ako sa kanya, parang ang laki ng pinagbago. Maya-maya pa lumabas na si Mommy may dalang inumin, kasunod naman niya ang isang babae na tingin ko ka edad namin ni Amis.

Napakunot ako ng nuo.

"Hi, you must be Agon?" Salita ng babae na Aussie accent pa nga.

"Y-yeah..." tanging nasagot ko.

Natawa naman si Amis.

"Surprise?" Tatawa tawang salita ni Amis. Saka niya ipinasa sa akin yung batang babae na kandong niya kanina.

"Arabella say hi to your Uncle Agon." Lalo naman nanlaki ang mata ko dahil kahawig namin ni Amis yung batang babae.

"A-anak mo?!" Tanong ko.

"Oh...poor guy. You must be really shocked to know that your brother had a daughter." Salita nung babae.

"Please excuse my brother, Honey. He is indeed really shocked." Sagot naman ng tatawa tawang mokong. "Agon, this is my wife Katerina. And this is our lovely daughter Arabella Kate."

"Bwisit ka! Ang tagal mong nanahimik sa Australia tapos uuwi kang may asawa at anak na?" Palatak ko. Pero hindi ko din napigil ang sarili ko at nayakap ko si Amis.

Aaminin ko hindi man kami ganun ka close nung kabataan namin na miss ko pa din siya.

"Pasensya ka na 'tol sa mga nagawa ko nuon. At salamat dahil naging daan yun para mahanap ko yung totoong saya ng buhay." Umiiyak naman na salita ni Amis.

"Loko ka! Kalimutan na natin yun. Ang importante nagbago ka na at binigyan mo pa ako ng napakagandang pamangkin." Sagot ko naman na naiiyak na din.

Bigla naman umiyak si Arabella. Halos maipit na kasi namin ni Amis sa yakapan namin.

Sa tinagal tagal na panahon ngayon lang ako nakahinga ng maluwag. Naging pasanin at isipin ko kasi yung nangyari kay Amis. Part of me is blaming myself sa nangyari sa kapatid ko.

But now, everything is fine.

"Balita ko going strong kayo ni Daryl." Salita niya habang nagpapahid ng luha.

Napakamot naman ako ng ulo. Hindi ko kasi alam kung anong isasagot ko sa kanya.

Nag set up sila Mommy ng mini celebration. Hindi ko naman alam kung iimbitahin ko ba si Daryl o hayaan ko na lang.

"Tol bat dimo ininvite si Daryl. Para makilala din siya ng mag ina ko." Salita ni Amis.

Hindi naman ako makakibo.

"Para din makahingi ako ng sorry sa lahat ng ginawa ko sa kanya." Dagdag pa nito. Napatingin ako sa kanya, malungkot ang mga mata niya at alam ko sincere naman siya sa sinabi niya.

"Hmmm...sige tatawagan ko at tatanungin ko." Sagot ko naman.

---------------------------

"Mahal may sasabihin sana ako sayo pero hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo." Salita ko kay Daryl. Nasa clinic pa daw siya pero pasara na siya.

"Ano yun, Mahal?" Sagot nito.

"Naka uwi na si Amis...at gusto ka niyang maka usap para makahingi ng sorry sa lahat ng ginawa niya sayo noon." Salita ko, pinakiramdaman ko ng maige ang reaksyon niya.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.

"Mahal, ilan taon na din naman ang lumipas. Kung talagang nagbago na siya at sincere siya sa paghingi niya ng tawad....papayag ako basta kasama kita at huwag na huwag mo kami iiwan na mag-isa."

Nasiyahan ako sa sagot niya.

"Mahal sa tingin ko naman sincere siya. At magugulat ka pag nakita mo siya napakalaki ng pinagbago niya."

"Hmmm...na curious tuloy ako. Sige Mahal gusto ko na din matapos na issue namin ni Amis."

Pagkaraan nga ng isang oras ay sinundo ko siya sa bahay nila. At tulad ko hindi rin siya makapaniwala na nakapag asawa si Amis at nagka anak pa nga.

"Daryl, alam ko sobrang laki ng kasalanan ko sayo noon. Sana mapatawad moko. Hindi ko naman hihilingin na agad patawarin mo ako...pero sana one day...someday mapatawad mo ako." Umiiyak na salita ni Amis.

Hindi naman makapagsalita si Daryl.

"Ang mag-ina ko ang pinaka importanteng mga tao sa buhay ko ngayon, natatakot ako na baka sa laki ng mga kasalanan nagawa ko noon sila ang maging kabayaran. Kaya lahat gagawin ko kahit pa lumuhod sa inyo mapatawad nyo lang ako."

Napahagulgol na din si Daryl.

"I-importante...n-nagbago ka...wag kang mag-alala kasi deserve mo sila. Salamat dahil sa paghingi mo ng sorry pinalaya mo din ako sa nakaraan. At salamat dahil nagsikap kang maging mabuting tao." Mahabang sagot ni Daryl.

"Salamat...salamat ng sobra Daryl."

Kahit sila Mommy at Daddy ay naiiyak sa tagpo ng dalawa.

Salamat sa Diyos tapos na ang madilim na kabanata ng buhay naming lahat.

Kambal Karibal kay DarylTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon