Chapter 16 - threat

17 0 0
                                    


Agon POV

"You are taking what?!" Malakas na salita ng Mommy namin. Tuluyan ng pumasok si Mommy sa kuwarto ni Amis. Nakita kong agad na nabasa ang mga mata niya.

"M-mommy..." Salita ni Amis.

"At pati ang inosenteng si Daryl nabiktima mo? Why Amis? He is such a sweet boy. Tinanggap namin kung anuman ang sexual preference mo and yet nagawa mo ito?" Tuluyan ng humikbi si Mommy.

Hindi naman ako makasagot. Pakiramdam ko kasi kasalanan ko kung bakit nasasaktan si Mommy ngayon.

"I... Im s-sorry Mommy." Salita ni Amis. Sinubukan niyang lumapit kay Mommy pero agad na gumalaw ang kamay ni Mommy senyales na ayaw siyang palapitin.

"I thought you've changed Aramis. Hindi ko sinabi sa Daddy mo kalokohan mo noon dahil ayoko din na mawala ka sa piling ko ng matagal na panahon. Pero Aramis, you ruined someone's life. Kawawa naman si Daryl dahil nakita kong mahal ka niya." Salita pa ni Mommy.

"M-mommy...w-wala p-pong nangyari sa amin ni Daryl." Agad na depensa ni Amis.

"Should I be happy about it?" Nagulat kami pareho ni Amis ng bigla siyang sinampal ni Mommy.

"That does not changed the fact that you are taking drugs Aramis!" Sigaw na ni Mommy. Napa iyak na din si Amis.

"I-Im sorry Mommy."

"What is this all about?" Pare pareho kaming nagulat ng parang kulog na dumadagundong ang boses ni Daddy.

"Aramis Ocampo? Did I heard it right? Are you taking drugs?" Malakas na tanong nito kay Amis. Napaluhod naman si Amis at humagulgol.

"Im sorry Daddy." Diretsong salita nito sa Daddy namin.

"Anong pagkukulang namin sa inyong magkapatid ha?!" Tanong ni Daddy na pati ako tinitignan na. "Are taking drugs too, Aragon?" Tanong nito sa akin.

Kalmado lang akong umiling. Kilala ko si Daddy, mentras na ipapakita kong kinakabahan ako sumagot sa mga tanong niya mas lalo niya akong tatanungin.

Lumapit akokay Mommy na panay na din ang hagulgol. Agad namang yumakap sa akin ito.

"Do you like what you're doing Aramis? Do you like seeing your mother getting hurt and devastated because of your selfishness?"

Hindi sumagot si Amis.

"Talaga bang wala kang katiting na malasakit man lang sa amin ng Mommy mo? Ganun ba kami kasamang magulang?" Muling tanong ni Daddy.

"N-No Daddy. I-Im r-really sorry." Salita ni Amis sa kabila ng paghagulgol niya.

"If you are really sorry, and if you really care about your family, you will have yourself clean. I will organize a rehab for you." Salita ni Daddy sabay labas ng kuwarto ni Amis.

"Dad..." Gustong tumutol nito pero alam namin pare pareho na hindi na mababali ang desisyon ni Daddy.

Kaya wala na lang siyang nagawa kundi humagulgol.

-----------------------------------

Kinabukasan din dinala namin si Amis sa isang rehabilitation center sa Amadeo, Cavite. Im sure hindi naman maiinip si Amis dito dahil marami silang recreational activities at amenities. May wifi pa nga pero mukhang disiplinado sila. Pero dahil kapatid ko si Amis pati ako nadamay sa drug testing. Para daw sabay na kaming magpa rehab kung positive din ako.

(Buti na lang good boy ako.)

Hindi naman ako masaya na malalayo sa amin si Amis. Kahit naman maloko itong si Amis at alam kong mahilig sa virgin gay, hindi pa din ako sanay na hindi siya nakaka inisan sa bahay.

"I hope your happy, pagbalik ko sisiguraduhin kong akin si Daryl. Kaya dont feel confident about getting rid of me." Mahinang salita ni Amis ng kami na lang dalawa. Busy kasi sila Mommy at Daddy sa pakikipag usap sa director ng rehab center.

"Anong sinasabi mo dyan?" Medyo naiinis kong sagot sa kanya.

"C'mon dear brother. Alam naman nating dalawa na ako ang mahal ni Daryl. And you, you were just a crush who crushed his heart, dahil ininsulto mo siya at binigyan ng trauma." Ngumisi siya.

"I was supposed to let him go, dahil sabi mo gusto mo siya noon pa. Pero dahil sayo itinapon ako sa rehab na'to. Kaya sorry na lang bro' because I will be your pain in the ass when I come back."

"Oh! Wait. Bakit ko pa ba hihintayin na bumalik ako when I can ask my friends to make his life a living hell...even when Im here?" Humalakhak pa siya ng nakakatulig.

"Wag mong idamay si Daryl sa kalokohan mo." Madiin kong salita sa kanya.

"Hah! Sure brother. But you will stay away from him." Dinuro pa niya ako sa dibdib. "Pag nalaman ko na nakikipagkita at nakikipag usap ka sa kanya...well, lets say... few of my friends can have a taste of him. Afterall type din nila si Daryl."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasuntok ko siya sa sikmura. Pero lalo lang siyang tumawa.

"Gago ka!" Sigaw ko sa kanya. "Yan ba ang plano mo? Ang ipasa siya sa mga kaibigan mong adik?"

"You got it right! So long brother. See you in a few months." Yun lang at naglakad na ito palayo.

Hindi naman ako mapakali sa nalaman ko.

(Bakit si Daryl pa?)

Tahimik kami nila Mommy at Daddy ng bumyahe pabalik sa bahay namin. 

Alam kong nalulungkot sila sa pansamantalang pagkakahiwalay sa amin ni Amis. Habang ako, nag aalala sa sinabi nito.

Paano kung totohanin niya ang banta niya kanina?

Anong gagawin ko?

Kaya ko bang pakawalan si Daryl, lalo pa ngayon na sigurado ako sa sarili ko na mahal ko siya at hindi ko kakayanin na mawala siya.

Kambal Karibal kay DarylTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon