Chapter 4 - Didn't like girls

23 0 0
                                    


Daryl POV

"Ihahatid kita after natin kumain. Baka kasi mapagalitan ka sa inyo." Salita ni Amis na tinanguan ko lang.
"Pero seriously...pwede ka bang ligawan?" Seryosong tanong nito.

Gusto kong maubo sa sinabi niya. Pero pinigilan ko, at napatitig lang ako sa kanya. Tinitignan ko kung seryoso ba siya.

"Sorry kung medyo presko ang dating ko. Na love at first sight kasi ako sayo." Duon na ako tuluyang naubo, at halos mailuwa ang burger na kinakain ko.
"Are you okay?"

"K-kung ano ano k-kasi sinasabi mo dyan." Tuluyan na akong naging kumportable sa kanya. Natatawa naman siyang hinagod hagod ang likod ko, saka ako pina inom ng tubig.

Kwela kasi ito at makwento. Mula ng iwan kami ni Mariel kanina hindi kami nagkaron ng dull moment.

"Seryoso naman kasi talaga ako, liligawan kita." Sabi pa niya. Pulang pula na ang mukha ko sa sinasabi niya. Unang beses palang namin ng pagkikita, heto at panay pambobola na sinasabi niya. Ibang-iba siya kay....ay basta. Kakalimutan ko na yung lalaking yun.

"Daryl, okay lang ba ikwento mo sa akin kung anong nangyari sa inyo ni Agon? Grabe kasi yung reaction mo kanina. First time na nangyari sa akin yun. Nagpanic kaya ako." Salita nito.

Bumuntong hininga ako saka nagkwento ng nangyari sa basketball court noon. Pangalawa na siya sa kinwentuhan ko. Hindi ko kasi magawang ikwento kayla Ate at Mommy kasi mag aalala sila. Lalo naman kay Kuya baka bigla na lang niyang sugurin si Ocampo sa basketball court.

Kinwento ko lahat ng nangyari pwera lang yung part na nagkadikit ang mga labi namin ng kakambal niya.

Pagkatapos ko naman magkwento ay nagkuyom siya ng kamay niya. Nakita ko din na nainis siya.

"Kahit kailan talaga yung gunggong na yun." Salita pa nito.
"Pasensya ka na talaga sa mga sinabi niya."

"Okay na yun, huwag mo ng isipin. Pinipilit ko na din siyang kalimutan. Sobrang nakaka trauma kasi baby ako sa amin. Ingat na ingat yung family ko sa akin kaya hindi ako talaga nakakarinig ng mga ganung klase ng salita. Kaya sensitive ako." Paliwanag ko sa kanya. Tumango tango naman siya.

"Uhmmm...pero seryoso pwede bang manligaw?" Pangungulit na naman nito sa akin.

"Ha?eh kakakilala pa nga lang natin. Ligaw na agad?" Sagot ko.

"Ano ba dapat?" Tanong nito.

"H-hindi ko alam. N-ngayon palang kasi may nagka interes manligaw sa akin eh." Medyo naiilang kong sagot.

"What? Seryoso?" Exaggerated na salita nito. Pinalaki pa ang mga mata.

Tumango lang ako.

"Yang ganda mong yan? Hindi ka pa naliligawan?"

"Tigilan mo nga ako sa pambobola mo. Kung makapagsalita ka akala mo babae talaga ako." Sagot ko dito, medyo humaba ang nguso ko. Feeling ko kasi nang aasar na lang siya.

"Hindi ako mahilig sa babae." Biglang seryoso niyang sinabi. Na curious ako sa sinabi niya.

"Bakit?"

Nagkibit balikat siya.

"Nung nagka girlfriend ako, hindi ako naging masaya sa relationship namin." Kwento nito.
"Nakipagbreak ako sa kanya, kasi ayoko din na pareho kaming masaktan kasi hindi na kami masaya. Since bata pa ako nun, hindi ko pa talaga naiintindihan yung sarili ko. I get attracted to...gays. Hindi yung maarteng gay ha, yung simple lang. Tulad mo, simple pero maganda."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"In denial ako nung una, kasi pareho kami ni Agon na brusko. Until tinanggap ko na kung anong gusto ko. Na hindi matanggap ni Agon kaya siguro naging homophobic siya." Malungkot na pagtatapos nito sa kwento niya.

"Okay lang yan, matatanggap niya din yun bandang huli. Kaya wag ka na masyado mag isip dyan." Pang aalo ko dito. "Eh...how about your parents? Do they know that you like...gays?"

"Yes." Diretsong sagot niya. "Surprisingly, they dont mind kung gay or girls ang gusto namin. As long as happy daw kami at mabuting tao." Nangingiting sagot niya.

Na amazed naman ako sa parents nila, same ng parents namin. Supportive sa gender preference namin basta hindi kami masamang tao.

"Anyway, tapos ka na ba kumain? Ihahatid na kita, baka hanapin ka na sa inyo. Ayoko ma badshot sa family mo." Salita pa nito.

Tumango lang ako.

Natutuwa ako sa kanya. May ganitong klase pala ng lalaki. Gentleman sa katulad ko. Inalalayan niya ako sa pagsakay sa kotse niya. At kahit pwede naman ako mag jeep pauwi sa amin hindi siya pumayag. Taga Northfields lang pala sila. Yun yung subdivision na katabi ng sa amin. Kaya pala nakakapunta sa court namin si Agon malapit lang sila sa amin.

Napapasulyap ako kay Amis. Gwapo talaga ito, medyo singkit ang mata, manipis ang labi, matangos ang ilong. Kahawig niya si Jackson Wang na isa sa crush kong kpop idol. Actually yun nga yung dahilan kung bakit ako nagkacrush kay Agon, dahil kahawig niya si Jackson Wang. Naglalakad kami ng aso kong si MiMi ng makita ko si Agon na naglalakad papunta ng court. Hanggang sa naging routine ko na tumambay sa court pag weekend.

Napabuntong hininga ako sa naisip ko. Si Agon na naman kasi ang laman ng isip ko.

"Ang lalim naman nun." Salita ni Amis.

"Ha? Ah eh wala, may naisip lang ako." Sagot ko.

"Sana hindi si Agon at yung traumang nangyari sayo ang iniisip mo. Magseselos na ako dahil ibang lalaki iniisip mo." Pagbibiro pa nito. Napa irap ako sa sinabi niya, kaya natawa siya.

"Ang korni mo..." Natatawa kong komento sa kanya.

"Gusto ko lang maging kumportable ka sa akin. Its been a long time since I felt this way, and I really want to court you. Sana payagan mo ako, pati na ng parents mo." Salita pa niya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa huli niyang sinabi.

"Hoy, anong ibig mong sabihin?" Nabigla akong tapikin siya sa braso.

"Magpapaalam ako sa Mommy mo na liligawan kita. Nasabi kasi sa akin ni Mariel na family oriented ka, alaga ka sa inyo. And I want them to trust me, I want to gain your trust too. Kaya magpapaalam ako sa kanila na liligawan kita."

"Kakakilala palang natin. Talaga bang manliligaw ka?"

"Bakit? Pwede naman na habang nanliligaw ako sayo kilalanin mo ako ng lubusan. Or we can be friends while Im courting you. I mean, Im a kind of guy na naniniwalang lahat dapat pinaghihirapan bago makuha. At syempre before kita maging boyfriend, kailangan ko muna mag exert ng effort." Mahabang litanya nito.

"Bahala ka na nga. Pero sa totoo lang, first time ko maligawan."

"Edi mas okay, first manliligaw, pag sinagot mo ako, first boyfriend, first hug, first....kiss." May halong pang aasar na yata yung sinasabi niya.

(Pero paano ko ba sasabihin na si Agon ang first kiss ko?)

Natahimik ako.

"Ayaw mo ba?" Tanong nito ng ihinto niya ang kotse sa tapat ng gate namin.

"Na?"

"Na maging first mo ako."

"H-hindi ko alam." Napayuko ako, nakakatunaw kasi ang ngiti at tingin niya.

"Aray naman, mukhang ayaw mo ah..." Eksaheradong hinawakan pa nito ang dibdib niya.

"Loko ka, tara na nga pasok ka na muna para kahit tubig maka inom ka. Nang mahimasmasan ka." Natatawa kong sabi.

Mabilis naman itong bumaba ng kotse niya at pinagbukas ako ng pinto saka inalalayan na bumaba.

Kambal Karibal kay DarylTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon