****
ALY'S POV
****Nagoffer si Fille na maghatid sa akin sa condo para daw makapag sorry siya ulit kay Rachel.
Ano nga ba kasing nangyare dun at natamaan ng bola. Tiyak may problema siya dahil halatang wala siya sa sarili, kailangan niya ng tulong.
"Bye guys. Este bye champions" - GRETCHEN
"Sana nga Gretch. Sana nga!!" - Ate Tina
"Let's go Aly" aya na sa akin ni Fille papunta sa sasakyan nila ni Gretchen, oo sila pa rin ang nagkatuluyan. Plano na nga ilang magpakasal eh.
"Sama kami" sabay namang sabi nila Dzi, Abby, Mika, Cha at Dindin.
"Okay. May magagawa pa ba ako?" Alam ko namang nagaalala din sila eh.
"Ui guys ikumusta niyo na lang kami kay Rachel ha" sabi naman ng Army teammates namin.
"Baby Aly, ikumusta mo ko kay Rachel ha. Pasabi text ko na lang siya mamaya." -JOVELYN
"K" walang amor kong sabi sabay pasok sa sakayan nila Fille. Pumuti man mata mo di ko sasabihin.
Nagsipasok na rin ung mga sasama sa mga sariling sasakyan nila.
"OMG!!" Pasigaw na sabi ni GRETCHEN.
"Ano ba Gretch. Bakit ka sumisigaw jan" naiirita kong tanong. Nairita na kasi ako kay Jov eh. Nagpasabi pa sa akin eh pwede naman niyang itext, eh diba text mate sila??
"Hoy Aly, magkwento ka" -GRETCHEN
"huh?" Anong ikukwento ko
"Aly, hindi naman sa pinangungunahan ka namin. Pero sure ka na ba sa feelings mo?" -FILLE
O.O
"Paano nyo nalaman?" Natataranta kong tanong.
"Halata ka kasi masyado" - FILLE
"Sino pang nakakaalam?"
"Sila" sagot naman ni Gretchen sabay nguso sa mga katabi naming sasakyan. Un ung mga sasakyan nung mga kasama namin pag uwi sa condo.
"Kelan nyo pa nalaman?"
"Matagal na naming nahahalata. Pero feeling namin di pa clear sa iyo masyado. Kaaamin mo lang sa sarili mo noh?" -GRETCHEN
"Yes. Kagabi lang" so matagal na pala akong may gusto sa kanya at talagang nahalata pa nila.
"Kasi dati akala namin sisterly affection lang meron ka para sa kanya, kaso habang tumatagal, nagiiba ka." -Fille
"Tama. Lalo naming naconfirm ung nakikita namin nung nagbreak kayo ni Denden." -GRETCHEN
"Nung nagbreak kayo ilang araw lang ok kana. Tumatawa ka na agad, tapos the way you look at Rachel nag iba din. May halong longing." -FILLE
"In short, may pagnanasa nang kasama pag tumingin ka sa kanya. Hahaha. Kaya nahalata namin agad." -GRETCHEN
Nahampas ko naman si Gretchen ng marinig ung sinabi niya. Pagnanasa??? Hmmmm.
"Don't worry your secrets safe with us." pagsusure naman nila sa akin.
Nabigla na may halong kaba ang naramdaman ko sa mga sinabi nila. Kung sila ngang close friends namin nahalata na, si Rachel pa kaya na lagi kong kasama.
"Wag kang magalala. Mukang walang alam si Rachel. Alam mo namang nagmomove on pa yon diba?" -FILLE
"Sure ba kayo?"
"Oo naman. Eh di sana kinwento na niya sa amin"- GRETCHEN
Napahinga naman ako ng maluwag dun. Buti naman na wala pa siyang alam.
BINABASA MO ANG
YOU Will Always Have ME (completed)
FanfictionFriends Lovers Complications Determinations SUCCESS