CHAPTER 8

1.9K 28 0
                                    


****
RACHEL'S POV
****

Paggising ko eh wala na si Aly sa tabi ko.

Weird.....

Eh kasi ako ang laging nauunang bumangon sa kanya kahit na pagod na pagod ako. May mali talaga sa Alyboo ko ngayon. Ano kayang problema niya?

Time check: 5:30am

Mejo maaga pa naman, kaya ang ginawa ko, nag online muna ako. Ayun trending pa rin kami ni Chris, #ChrisChelTogetherAgain #TiuDaquisThirdTimeAround at marami pang hastags ung iba ang sakit lang para sa akin, grabe lang talaga. Normal naman kaming naghahangout ni Chris, with friends or without, pero ngayon lang kasi kami lumabas ng kami lang dalawa tapos nasa public area pa, kaya siguro ganito ang impact sa tao, nagulat sila. Maraming comments sa libo libong pictures na nakatag sa akin, positive and of course negative, eh ano pa nga bang magagawa mo, di naman nila alam ang kung anong meron kami ni Chris kaya lahat puro pagaasume lang.

.
.
.
.

Dadaan pala muna akong resto bago pumuntang praktis. Ang bukas kasi ng resto namin ay 7am, oo ang aga, kasi iniisip namin ung mga taong gustong magbreakfast bago pumasok sa office, sayang din sa kita yun, tapos ang praktis naman namin 9am pa, so may time pa akong icheck ang mga kailangan sa resto at magbilin na rin.

Naligo at toothbrush na ako bago lumabas, ready to go na ang get up ko, kaso hahanapin ko muna si Ly.

"Good morning ate" masayang bati niya sa akin pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto.

"Coffee oh, ako nagtimpla." sabay abot ng kape sa akin. Hmmmm, sarap ng amoy, kapeng barako eh.

"Anong meron sa iyo at ang aga mo atang nagising?"

Nakakagulat talaga ang mga nangyayare sa kanya. Hindi naman sa hindi ko gusto iyon, pabor nga sa akin, atleast mababawasan na rin ang pagaalala ko sa kanya, nakikita ko kasing mukang nagiging responsable na siya. Nagiging mature na ang pagiisip niya sa bagay bagay. And that's a good thing right?

"Wala naman. Naisip ko kasing magjogging muna kaya napaaga gising ko. Sama ka? "

"May praktis naman tayo mamaya baka nakakalimutan mo" paalala ko naman sa kanya at baka nalilimutan niya.

"Alam ko, pero syempre maganda na ung maaga palang nakapag stretching na tayo. Fresh air. Sama ka na. Please, pretty please" at nagpuppy eyes pa talaga siya.

Ang cute talaga ng Alyboo ko.

"Fine. Hintayin mo ko, magbibihis lang ako at aayusin na ung gamit ko para sa praktis para di na tayo bumalik dito. You do the same."

"Ok. Pero bago yan. Ubusin mo muna tong kape. Sayang effort ko sa pagtimpla" pahabol niyang sabi sa akin.

At ininom ko na ung kapeng tinimpla niya. Matampuhing bata naman neto. Pero ang sarap naman talaga nung kape, alam ko normal na kapeng barako lang ito pero may ibang lasang ewan eh. Hahaha

"Sarap neto Ly ahhhh." pagamin ko sa kanya.

"I know, gawa ko yan eh." then she smirk, yabang talaga. Well may ipagyayabang naman talaga.

.

.
.
.

*after 10 minutes*

.
.
.
.

"Tara na Ly?"

Aya ko sa kanya pagkatapos kong magbihis. Bitbit ko na din ung bag kong naglalaman ng pampalit, mga knee pads at kung ano ano pa.

Nakita ko naman siyang ready na din, bitbit ung gamit niya. So umalis na kami.

.
.
.
.

YOU Will Always Have ME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon