Akin ka!!

75 3 1
                                    

Second year college, second semester. Lumipat ako ng dorm dahil medyo nasisikipan na ako sa dati kong dorm, at isa pa  napakamanyak kasi yung land lord namin. Imagine my shock ng hawakan niya ang legs ko? That is soooooo eeww talaga. Wala man lang kahiya-hiya eh ke tanda tanda na. Kuuu mapilayan sana.

So eto ako ngayon abala sa pag-aayos ng gamit ko ng pumasok si Rhency. Batchmate ko siya noong high school at siya ang nagyakag sa akin na mag transfer ng dorm. Dahil sa ok naman dito at may sarili pang banyo sa loob ng kwarto kaya ayon napapayag niya ako. At isa pa mora lang kasi ang renta kada buwan. Dagdag tipid din yun.

"Kailangan mo ng tulong?" tanong niya sakin sabay upo sa tabi ko at inilabas pa ang ilang damit ko sa travelling bag ko.

"Sige ba!" saad ko saka ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Nakapag enrol ka na ba?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti ito at umiling. Kuu ito talagang babaeng to. Alam na ngang sobra sa pagka old system ang kalakaran ng enrolment sa University eh ke tamad tamad pa.

"Hay naku!! Kesa sa makigulo ka dito, punta ka na doon sa college department nyo at mag-enrol ka na. Nagyaya si Jena na kakain daw tayo sa labas kaya dapat by five pm eh andito ka na" lintaya ko sa kanya.

Nakasimangot na binitawan nito ang ibang damit ko saka dinampot nito ang bag nito sa mesa na malapit sa akin.

" Sige na nga!! Teka pala, ngayon na din ang dating nung dalawa pa nating roommate. Si Princess at Shaira. Basta kung sino yung papasok dito mamaya sila na yun" sabi nito.

Tumango naman ako saka sumenyas na pwede na itong lumayas. Binelatan niya lang ako kaya napatawa ako.

Pagkaraan ng isang oras, habang abala ako sa pagsasalansan ng mga damit ko sa closet ay nadinig kong bumukas iyong pintuan. Pero dahil patalikod ang pwesto ko sa pintuan ay hindi ko nakita kong sino ang pumasok. Pero naalala ko na darating ngayon iyong dalawa pa naming room mate kaya dali-dali kong iniligpit ang mga damit at tumayo na para humarap sa dalawa at batiin sila.

Pimihit ako paharap at may nakita akong dalawang babae na kapwa nakatayo sa gitna ng kwarto at kapwa rin nakatingin sa akin ng deretso.

Naasiwa ako sa paraan ng tingin nila dahil parang kakainin nila ako ng buhay. Pero pilit akong ngumiti sa kanila at iwinestra ang kanang kamay ko para makipag kamay sa kanila. No ba yan, feeling ko ang natataray ng mga to.

Pero infairness ha, pareho silang maganda pero may kakaiba nga lang sa kanila.

"Hi! Ako nga pala si Gela, yung bagong room mate nyo!" masiglang bati ko sa kanila pero poker face lang ang dalawa kaya alangan kong ibinaba ang kamay ko.

Nagkatinginan ang dalawa at bigla na lang lumabas ng kwarto.

Aba't

"Che!! Mga impakta" sabi ko sabay irap sa nilabasan ng dalawa.

Kaloka!! Hindi man lang isinara ang pintuan.

Kaya lumapit ako sa pintuan at isasara sana yun ng...

Akin siya.....

Ahahahahahaha

Akin siya...

Sumilip ako sa hallway para tignan kong sino iyon para wala naman akong makita na tao. Siguro sa may nag-uusap dun kasi lalaki yung boses eh.

Umatras ako palikod para isara ang pintuan ng may tila bumulong ng

Akin ka...

Medyo kinilabutan ako kaya agad kong isinara ang pintuan at dali-dali kong dinampot ang cellphone ko para tawagan si Rhency.

Agad naman nitong sinagot ang tawag

Napatawag ka? Saad nito sa kabilang linya.

"Pwede ba akong pumunta dyan ngayon? Mag-isa kasi ako dito tapos ang tahimik pa" sagot ko sa kanya.

Ah ok sige hihintayin kita saad naman nito

"Sige pupunta na ako." sabi ko sabay patay ng cellphone.

Kinuha ko iyong sling bag ko at kumuha rin ng pera para gagamitin namin mamaya.

Palabas na ako ng kwarto ng may tila humawak sa buhok ko kaya kumaripas ako ng takbo palabas ng kwarto at medyo napalakas ang pagsara ko dun kaya nakalikha ng malakas na tunog. Napatingin sakin lahat ng mga tao sa hallway kaya nahihiya akong nagbaba ng tingin.

No ba yan.. Nakakahiya bulong ko sa sarili.

Habang naglalakad ako ay napapaisip ako yung kanina. May something ba dito? Naku huwag naman sana. Nag-iisip ako ng malalim ng biglang may babae na lumapit sakin at hinawakan ako sa kamay.

Muntik na akong atakihin sa gulat dahil sa biglang pagsulpot nito kaya napahawak ako sa dibdib ko.

Nakita nito siguro na parang tinakasan ako ng kulay sa mukha kaya himingi ito paumanhin.

Tumango naman ako at sinabing okey lang kahit medyo nainis ako sa kanya.

"Ako nga pala si Carla. Sa susunod nga pala, huwag mong isara ng malakas iyang pintuan dyan sa kwarto nyo ha? Kasi baka magalit sila. Sige una na ako" sabi nito saka ako iniwan na nagugulohan.

Ang weird nun ha? Susulpot tas bigla-biglang aalis? Tas sasabihan ako ng ganoon? Ok that was really weird!

Haixst bago pa ako mabaliw sa kaiisip kong ano itong kaweirduhan na nangyayari sa akin ay napagdesisyonan ko na lang na kalimutan na iyon at puntahan si Rhency.

Nakarating na ako sa University at naglalakad sa kahabaan ng hallway papuntang registrar dahil nandun daw ang bruha.

Bumaling ito ng tingin sakin ng papalapit na ako sa kanya. Nakangiti itong parang timang sa akin at sinundot-sundot pa ako sa tagiliran.

"Oy!! Sino yung gwapong lalake na kasama mo kanina!! Ikaw ha. Ang landi mo" sabi nito at humagikhik na parang baboy.

"Gaga pinagsasabi mo?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"Aba't in denial pa ang gagang to! Ayaw pang aminin ng bruha!!" bunganga nito.

Ay ka gaga talaga to. Ang galing mang trip talaga. Kahit kailan hindi pa rin nagbabago.

"Umayos ka nga!" sabay irap at simangot dito saka ako tumabi sa kanya.

"Tapos ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Hindi pa. Kukunin ko pa iyong clasacard ko then gogora na tayo" sabi nito.

"Nga pala, suplada ba iyong Princess at Shaira?" tanong ko sa kanya pagkaalala nun.

"Ha? Hindi kaya! Kagaya ko rin yung mga yun mabunganga at syaka masayahin. Nga pala next week na daw ang dating nila. Naka enroll na kasi yung dalawang iyon eh kaya sa pasukan na raw sila darating dun sa dorm" sabi nito.

Eh sino yung mga pumasok kanina?

"Pero may pumasok kanina na dalawang babae sa kwarto natin eh!" medyo pasigaw ang pagkakasabi ko.

"Huh!"

"Oo kanina. Dalawang babae. Matangkad at magaganda sila. Kulot din iyong buhok nilang dalawa kaso hindi parang may mali sa kanila tapos bigla na lang silang lumayas." sabi ko sa kanya.

"S-sigurado ka ba dyan?" tanong nito na parang kinabahan. At tila nasa malalim na pag-iisip.

Naku ha!!

Then bigla-bigla.

"Naku yung dalawang yun sasamain talaga sakin!!" gigil na saad nito.

Eh???


(itutuloy)

THE THIRD EYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon