PART 4 DOPPLEGANGER?

164 4 3
                                    

This happened when I was in first year college doon sa boarding house namin. May pagka old style yung bahay na iyon dahil naipatayo  around 1950's. And noong unang pagpasok ko pa lamang sa bahay na yun naramdaman ko na may mga ibang nakatira pa sa bahay na iyon bukod pa sa may ari because I can feel this strong energy na something dark basta something na hindi mo maipaliwanag at parang may nagtutulak sa akin palayo sa bahay na yun. Pero dahil sa halos lahat ng boarding house na malapit sa University kung saan ako nag-aaral ay wala ng bakante kaya pinagtyagaan ko na lang total ok naman yung kwarto at comfort room nila.

May dalawa akong roommates si Ate Ezel at Janang. Batchmate ko si Janang sa high school kaya naman magkakilala kami. Then it happened. Alas singko na yata noon ng hapong iyon ng pumasok si Janang sa kwarto namin. Naka black t-shirt siya at shorts pero sa pagkakatanda ko ang damit niya bago bumaba ay brown na blouse at minnie skirt kaya medyo nagtaka ako. Liningon ko siya at tinanung kong bakit pinalitan niya damit niya. Pero hindi naman sumasagot at parang may hinahanap sa lagayan ng cosmetics namin. Hindi ko na lang kinausap ulit at nagpatuloy ako sa parereview.

Then after siguro mga 7 minutes pumasok si Janang na bagong paligo at nakatapis lang ng twalya.

" Oy ang bilis mong maligo ah 5 minutes lang? Ew ligo ng uwak." pang-aasar ko sa kanya.

Nabigla naman ito at takang-taka.

" Ano ka halos 30 minutes nga ako sa banyo eh."

" Pero pumasok ka lang kanina ah. Naka itim na t-shirt ka pa nga tapos shorts"

" Niluluko mo ba ako? E eto pa lang iyong damit ko kanina oh" sabay pakita sakin sa brown na blouse niya at minnie skirt.

" E pero ikaw talaga yung nakita kong pumasok kanina"

"Gaga kanina pa ako sa baba kaya imposibleng ako yun"

"Shit may doppleganger ka" malakas kung sigaw.

" Bruha ka huwag mo akong takutin ihahampas ko sayo yang makapal mong libro"

Tinawanan ko lang siya at huwag ng ipinilit pa ang aking nakita. At malamang nga isang espirito lang iyon na mahilig manggaya.

THE THIRD EYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon