PART 8

124 2 0
                                    


Kalilipat lang noon sina Tita Eli sa narenovate na apartment malapit sa Data Center. Kaya naman dumuon muna ako habang nagpapasign ng clearance namin dahil hindi na ako sa dorm namin naglalagi. Bakasyon na kasi kaya twice a week lang akong pumupunta sa University.

Nangyari ito nung unang gabi pa lang namin sa naturang apartment. Nakaupo ako sa huling baitang ng hagdanan sa baba at abala sa pagtetxt. Mag-isa lang ako sa baba noon dahil pinapatulog ni Tita yung apo niya tapos nasa trabaho naman ang mga pinsan ko. Actually may isa pa akong pinsan rin na makikitulog din sa gabing iyon dahil kinabukasan ay babyahe na patungong Maynila. So ayon habang nagtetxt ako may naririnig akong yapak ng batang nakapaa na patakbo sa hagdan pababa. Kaya sinilip ko dahil akala yung pamangkin ko at hindi napansin ni Tita na lumabas. Tumingala ako sa taas pero wala akong nakita kaya tumayo ako at sinilip sila sa kwarto pero mahimbing naman silang natutulog. Bumababa ulit ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko ng may marinig na naman ako at sigurado akong hindi lang siya iisa kungdi parang dalawa o tatlo sila kasi patuloy sila sa pagtakbo pababa at pataas sa may hagdanan. Na parang naglalaro sila at may narinig ako na mahinang tawa. Iyon bang parang tunog na nililipad ng hangin basta ang soft ng pagtawa kaya medyo kinilabutan lang ako saka ipinagpatuloy lang yung ginagawa ko. Umakyat na rin ako ng nakaramdam ako ng antok. Pagdating ko sa taas wala naman akong maramdaman na kakaiba so ipinagkibit balikat ko na lang.

Then kinaumagahan habang kumakain kami ng almusal, tinanung nung pinsan kong lalake kung may naramdaman ba akong kakaiba kagabi, so sabi ko naman oo may mga bata sa may hagdanan. Tapos talagang natakot ako ng sobra ng sinabi niya na pagsilip niya kagabi sa kwarto namin may nakita daw siya na batang katabi ko habang natutulog. Mga sampung taon daw yung bata tapos nakahilata lang daw habang nakatingin sakin at magkatapat daw yung mukha namin tapos babae din siya. Hindi ko alam na may katabi pala ako dahil sobrang himbing ng tulog ko as in parang pumikit lang ako then boom umaga na.Then simula nun mas lalo akong naging aware sa paligid ko kapag pumupunta ako kina Tita. Minsan parang may sumisilip sa bintana at palagi pa rin yung mga batang nagpaparamdam sa may hagdanan.

Pinabless naman daw yung bahay. Pero sabi ni Tita before pa daw narenovate yung apartment eh may nagpaparamdam na daw talaga. Minsan matanda raw minsan mga bata pero lucky me dahil hindi ko pa nakita iyong matandang sinasabi niya.


THE THIRD EYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon