PART 6 WHITE LADY

144 4 0
                                    

Mga around 9:30 na ng gabi ng magyaya ang isa sa mga kadormmate ko na bumili ng hot chocolate. May vending machine kasi malapit sa dorm namin at palagi kaming umiinom non tuwing gabi. Dahil nagrereview kami medyo gabi na kami natutulog. Una na akong lumabas at hinintay ang mga kasama ko sa labas. Sa likod na kami dumaan dahil sa kusina kami nagrereview. Umupo ako sa isang malaking tipak ng bato malapit sa puso negro at nagmasid sa kalangitan. Tinawag ko muna yung mga kasama ko dahil ang tagal nilang lumabas. Then pagtingin ko sa harapan ko, andun yung white lady. Nakatayo mga dalawang metro lang ang layo sakin malapit sa  puno ng bayabas. Hindi ko maaninag ang mukha niya at parang usok lang din siya may pagkatransparent. Then after mga 5 seconds naglaho na. At nakaupo lang ako doon na parang wala lang as in ni katiting na takot wala akong maramdaman kasi sa isip-isip ko hindi naman ako nito sasaktan at isa pa may guardian angel naman ako if ever. Pero minsan talaga nagugulat ako sa kanila eh. Minsan may napicture pa ako sa kusina namin. Sabi ng mga matatanda samin yung school daw na sobrang lapit samin ay dati raw na libingan. Naniniwala naman ako dahil noong bata pa ako kita ko yung sirang simbahan sa eskwelahan at marami talaga silang nakikita na mga ligaw na kalulwa dun. Sabi nga din nung magtatawas almost lahat daw ng bahay na malapit sa eskwelahan ay may mga kalulwa. I believe. Kasi sa bahay namin meron talaga. Sa unang bahay namin dun ang pinakamarami. Naipatayo kasi family house nina papa nung Japanese invasion kaya luma na rin. Kasi minsan lumulutang sila sa ere. Minsan naman naglalaho na parang usok. And luckily hindi ko pa alam na multo na pala iyong nakikita ko noong bata pa ako. Kasi if ever Nanay ko po baka lalaki akong may truma sa multo. hahaha. Sa bahay naman namin ngayon, ayon nga white lady at saka isang lalake. Idagdag pa ang mga kapre at dwende na nagpaparamdam and I am not freakin kidding you guys. Though hindi ko pa naencounter yang mga yan and Im hoping not to. Kasi sabi nung magtatawas evil spirit daw sila at mahirap daw silang palayasin dahil namamahay daw sa sila sa puno ng Mangga na malapit samin. At sira na din pala yung mangga wala ng dahon at sanga at everytime na tinitignan ko there's this heavy feeling inside me na sinasabing may something yang punong iyan parang may bigat sa paligid mo kapag tinitignan ko yun na parang nababalot ng dilim. I am not exaggerating kasi ganun talaga yung nararamdaman ko.

******

Kinuwento ko to sa isang kaibigan and she end up staying away from me kasi daw natatakot siya sa mga ikwinekwento ko. hehehe.

THE THIRD EYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon