Akin ka Part III

34 2 0
                                    

Nasa kusina ako at nagluluto ng bumukas ulit ang pinto.

Utang na loob ayoko na ng multo!

Malakas ang kabog ng dibdib ko. may narinig akong mga yabag palapit sa akin pero kahit mamatay matay na ako sa kaba ay hindi ako lumingon.

Hindi naman pwedeng si Rhency to dahil inutusan ko siyang bumili ng bagoong para sa dinengdeng ng Iloco na linuluto ko.

"Hiiii!!!" Halos napatalon ako sa gulat sa narinig ko.

Lumingon ako at nakita ko ang dalawang babae na nakatayo sa may pintuan malapit sa C.R at sa likuran ng mga ito ay nandoon ang mga gamit nila.

"Waaaa!!" Biglang sigaw naman ni Rhency na bagong dating.

"My gosh girl!! Namiss kita!!" Tili nung isang babae at tumakbo ang mga ito palapit kay Rhency at niyakap.

"Haha girls, girls, I can't breath. Now let go. Namiss ko rin kayo!!" Sabi ni Rhency saka tumawa.

"Nga pala siya si Angela. Kaibigan ko rin. Angela sina Princess at Jessica" sabi ni Rhency.

Ngumiti naman sakin ang dalawa at kumaway.

"O siya siya ayusin niyo ang gamit niyo para makapagpahinga na kayo. Total malapit naman ng maluto tong lunch natin. At syanga pala. Sa inyo yung isang double deck dyan. Bahala na kayong dalawa kong sino sa inyo ang mahihiga sa ibaba at sa itaas. Yung closest nyo naman yung color pink ang pinta. Mamaya ko na sasabihin yung mga ibang bagay na dapat ninyong malaman" mahabang paliwanag ni Rhency.

"Ah sige. Pero mauuna na kayo sigurong kumain. Matutulog lang muna kami ni Jessica kasi nakakapagod magbyahe eh. Ang sakit pa ng pang upo ko" sabi ni Princess.

"Sige kayo ang bahala." Ang sagot ni Rhency.

"Nice meeting you Angela." Nakangiting sabi ni Jessica naman at saka pati rin si Princess bago sila nawala sa paningin namin ni Rhency para ayusin ang mga gamit ng mga ito.

"Mababait yang mga yan kaya huwag kang mailang sa kanila." Kapagkuwan ay sabi ni nito.

"Oo naman. Magaan na ang loob ko agad sa kanila." Sagot ko naman.

"Total nandito rin lang naman sila huwag na tayong matutulog kina Grace ha?" Sabi nito.

"Sige. Tikman mo nga itong niluluto ko kung tama yung lasa?"

Lumapit naman ito at kinuha ang kutsara na hawak ko. Saka kumuha ng sabaw sa dinengdeng saka tinikman.

"Okey yung lasa, nasakto mo. Anong oras na ba?" Tanong nito.

Tinignan ko ang wristwatch ko at eksaktong alas dose.

"Twelve na. Kakain na ba tayo? Luto naman na ang ulam at kanin. Tas matutulog naman daw yung dalawa." Yakag ko.

"Sige gutom na rin ako" sagot naman nito.

Kumain na kami at pagkatapos naming kumain ay naiwan ako sa kusina para maghugas. May pupuntahan kasi si Rhency kaya nasa banyo ito ngayon at naliligo.

Rinig ko ang lagaslas ng tubig at ang mabining pagkanta nito. Napangisi ako dahil sa boses nito.

🔱🔱🔱🔱🔱

Rhency's P.O.V

Abala ako sa pagkuskos ng sabon sa buong katawan ko ng biglang tumigil ang daloy ng tubig sa gripo. Buti na lang at puno yung balde, kung hindi baka wala na akong pangbanlaw.

Tapos na akong maligo ng may narinig akong parang sumisigaw pero parang nanggagaling sa kabilang silid.

"Kasalanan mo!"

"Kasalanan mo!!!!!"

"Kasalanan mo!!!!!"

"Babalikan kita. Hindi ako titigil!!!"

Naalala ko ang mga nangyari nung gabing iyon.

"Rhencey tulongan mo kami please. Please Rhency." Pagmamakaawa nila.

Tahimik akong lumuluha habang umiiling. Nanginginig din ako sa takot at may bumubulong sa akin na tulongan ko sila. Pero hindi pwede. Naipagkasundo ako. At ito ang kabayaran.

"Rhency." Impit na sabi nito sa pangalan ko.

Nakatali ang mga ito sa isang upuan at duguan ang puting blouse ng mga ito na iniregalo ko pa sa kanila para sa gabing ito.

"Isa ka ba sa kanila?" Tanong niya.

Hindi ako nag-salita at nakatitig lang dito.

"Sumagot ka Rhency?" Tanong ulit nito.

Rinig ko ang mga hikbi nila pero binalewala ko ang mga iyon. Ang mga pagmamakaawa nila. Ang paghingi nila ng tulong. Tinalikuran ko sila at tumakbo palayo sa lugar na iyon.

"Malapit ka na Rhencey!!" Sabi ng boses at saka humalakhak. Halakhak na tila galing sa kailaliman ng lupa.

Nahintakutan ako kaya agad akong lumabas sa banyo habang nanginginig sa takot.

Bakit ba ayaw ninyo akong lubayan naiiyak kong tanong sa aking isip.

Hindi ko naman sinasadya ang lahat. Hindi ko gustong mamatay sila. Bakit hindi pa nila ako lubayan. Kinuha na nila ang dalawang kaibigan ko.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang nakatayo sa labas ng banyo.

"Rhency?" Nag-aalalang tawag sa akin ni Angela.

"Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?" Tanong nito.

"Naku hindi! Nalagyan ko lang ng sabon ang mata ko" pagsisinungaling ko sa kanya.

"Ganun ba? Aixst masakit nga yan
Binanlawan mo ba ang mga mata mo?" Tanong nito.

Tumango ako bilang sagot at naglakad na ako papunta sa lagayan ng mga damit namin para makabihis na ako.

Tinapunan ko ng tingin sina Jessica at Princess na tulog na tulog. Napabuntong-hininga ako saka ipinagpatuloy ang pag-bibihis ko.

Natapos na ako sa pagbibihis at naghahanda na para umalis. Nagpaalam ako kay Angela. Sabi nito ay matutulog muna daw ito total ay wala naman kaming pasok.

Umalis na ako at habang naglalakad ako sa hallway nakasalubong ko si Carla.

"Sino sila?!" Sabi nito habang masama ang tingin sa akin.

"Anong sinasabi mo?" Ganting tanong ko rin dito.

"Hindi nila gusto ang dalawang kasam ninyo! Sino sila?!" Sita ulit nito.

"Pwede ba Carla huwag mong painitin ang ulo ko" banta ko dito.

Ngumisi naman ito na tila nang-uuyam. "Matapang ka na ngayon?"

"Huwag na huwag mo akong gagalitin Carla." Banta ko sa kanya.

"At huwag na huwag mo rin akong tatraydorin Rhency. Hindi mo rin alam kung ano ang kaya kong gawin" banta rin nito.

Ngumisi ako para inisin ito. " Hindi ako natatakot sayo at sa kanila. Teka nga muna. Bakit ayaw nila sa dalawang kasama ko? May kinakatakutan ba sila?" Tanong ko dito.

Hindi ito umimik at matalim lang ang tingin nito sakin.

"Ah okey alam ko na. Alam mo Carla may kahinaan din sila at alam mo ba kung ano? Liwanag Carla. Takot sila sa liwanag. Sa katotohanan." Saad ko sa kanya.

"Kaya kong ako sayo pipiliin ko ang maglakad sa liwanag" makahulugang saad ko sa kanya saka ito tinalikuran.

Alam kong malaki ang kasalanan ko at pinagbabayaran ko na iyon ngayon. Pero ipinapangako ko na hindi ko hahayaang saktan at kunin nila ang mga kabaigan ko. Kahit ikamatay ko pa.

🔱🔱🔱🔱🔱🔱

Author's note:

Thank you po sa pagbabasa nito. Siyanga po pala tong Akin ka ay gawa gawa ko na lang po ito. Sana po magustohan ninyo. ☺

THE THIRD EYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon