CHAPTER 4: BOYFRIEND

33.5K 901 167
                                        

Clio's POV


Maganda talaga naging simula ng araw ko kaya pagdating ng hapon, nang ipatawag kami si gym ay nakangiti parin ako.

Sasabihin na kung sino ang mga tanggap para sa dance troupe. Sinuyod ng mata ko ang gym hanggang matagpuan ko si Maddie na may kinakausap. Naglakad ako palapit sa direksyon nila.

"Maddie," tawag ko sa pangalan n'ya. She looked at my way and smiled.

"Clio!" She exclaimed. "Si Clio, kaibigan ko. Ito si Keysia, Frost, at Shen." Pakilala n'ya sa amin. Bagong kaibigan n'ya rin siguro ang mga ito. Napaka-friendly niya naman.

Medyo pamilyar sila dahil napanood ko lahat ng audition last monday.

"Hi." Ngumiti ako sa kanila. They smiled back.

"I remember you! Ikaw yung sumayaw ng Tomboy. Ang galing ng mga moves mo e." Sabi ni Shen saka ginaya yung body wave. Natawa kami.

"Sakto lang." Kunyari humble ako pero awkward lang talaga sa feeling kapag may pumupuri sa'kin. I appreciate it though.

Naupo kami sa bleachers habang hinihintay ang maga-announce kung sino ang mga tanggap sa dance troupe. Hindi nga namin sigurado kung ilan ang kukunin. Nasa more or less one hundred pa naman ang nag audition. Marami talagang gustong makapasok sa dance troupe.

"Anong year ka na?" Tanong ni Keysia.

"Freshman." I simply said.

"Ang bata mo pa pala." She remarked and smiled.

"Ikaw?" Curious na tanong ko.

"3rd na. Pangatlong audition ko na rin dito." Saka siya tumawa.

"Try and try lang, 'no?" Singit ni Frost.

"Yeah!" Sagot ni Keysia.

Nagtuloy ang usapan. Marami akong nalaman tungkol sa kanila. Marami rin silang tanong sa'kin. Sagot lang ako nang sagot. Para silang si Maddie na madaldal din.

Minsan naa-amaze ako sa mga friendly e. Like how can they be so talkative to someone they barely know? Sa amin kasing tatlo nila Briar at Quinn, si Quinn ang pinaka-friendly. Ako, tingin ko hindi ako friendly, pero hindi rin naman mukhang unapproachable. In between lang gano'n.

"Ayan na!" Sigaw ni Maddie nang makitang lumabas ng stage ang isang member ng dance troupe. Kasama nito si ma'am Vianca na may hawak na papel.

"Good afternoon, everyone." Sabi nung lalaki na member ng dance troupe. "I'm your kuya Lance. And yeah, nandito na sa akin ang result kung sinu-sino ang new member ng Ravenhood."

Medyo nag-ingay ang gym sa sinabi n'ya. Ma'am Vianca put her index finger on her lips, agad natahimik ang lahat. I bit my lip. Tangina, bakit ang hot niya?

"Ganda." Bulong ni Shen kasunod ng malalim na buntong hininga.

Sobra.

"I just wanna say to all of you na you did great. Lahat kayo magaling, pero hindi rin kasi pwede na lahat tayo ay makakapasok sa dance troupe, right? You can still try, next year, next next year. If hindi makuha ngayon, edi practice. Practice lang nang practice." Pagpapagaan ng loob ng member ng dance troupe.

Tagal ng announcement.

"Miss Fabroa, go ahead." Ayan na. Ma'am Vianca stepped forward.

"There are 8 new members of the dance troupe." Panimula n'ya. Maraming feedback ang iba. Lahat na-tense. 8 lang nakuha sa dami ng nag-audition.

Caged [RWS #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon