Clio's POV
Friday night. Dinner time. Nakahain ang dinner namin ni Riss sa mesa. Naka-plating ang pagkain. It's like we're in a cozy restaurant. Namiss ko tuloy pumunta sa restaurant namin.
Madalas kaming bumisita ni Riss before sa mga restaurant namin. Natigil lang ngayon dahil parents lang naman ang pinupunta namin sa restaurant. Wala kasi sila dito. They are abroad dahil mag-oopen sila ng branch sa Singapore.
"Kumain na kayo, Riss at Clio." Sabi ni manang. Isa sa mga kasambahay namin.
"Opo." Sagot namin.
First bite palang ng pagkain ay napatigil ako. I looked at Riss and we have the same reaction.
"Luto ni daddy!" Sabay naming sigaw. Chef si daddy kaya alam namin ang signature niya sa mga lutuin at hindi kami nagkakamali. Daddy is here.
Nag-unahan kaming tumayo ni Riss at pumunta sa kusina. And there he is! Nakasandal sa sink at nakangisi sa amin. Mukhang alam n'yang pupunta kami rito.
"Daddy!" Sigaw namin pareho ni Riss saka yumakap kay daddy. He hugged us back. Tumatawa siya habang magkakayakap kami.
"Namiss n'yo ako?" Tanong ni daddy kaya sabay kaming tumango.
"Si mommy?!" Excited na tanong ko then daddy looked behind us. "Mommy!" Nandoon si mommy kaya yumakap din kami sa kanya.
"Mommy, we missed you!" Halos naiiyak na si Riss.
"We missed you too, so much." She said softly and gave us forehead kisses.
Nandito na kami ngayon sa hapag. We're eating as a complete family.
"Kailan pa kayo dito, mommy, daddy?" Tanong ko habang kumakain.
"Kanina lang, sweetheart." Sagot ni mommy. "Dito muna kami habang in-process pa yung papers para sa business natin."
"Sana nandito kayo hanggang next month, my." Sabi ko.
"Hm, why?" Tanong ni daddy.
"Nakapasok po kasi ako sa dance troupe ng school and may competition kami next month, interschool po s'ya. Pwede kayong manood." I said the good news.
"Wow. That's a really good news, baby." Nagtinginan ang parents namin. "Pipilitin naming makapunta, okay?"
"Dapat lang, my." Nagsusungit kunyaring sabi ko.
"Ate, can I watch too?" Tanong ni Riss.
"'Wag ka na. Panira ka do'n." Pang-aasar ko sa kapatid.
Pagkatapos naming magdinner ay umakyat na kami sa kanya-kanyang kwarto.
"Clio," boses ni manang.
"Po?" Tanong ko.
"Nandyan ang mga kaibigan mo." Sagot nito.
Bumaba ako sa living room. Nandoon si Quinn at Briar kausap si daddy.
"Opo, tito, group study po kami sa bahay." Sabi ni Briar. Napailing agad ako. Hindi ako naniniwala sa group study. Panigurado may plano ang mga 'to.
"May group study bang nakaporma?" Tanong ni daddy habang sinusuri ang dalawa.
"May bibilhin pa kasi kaming school supply, tito."
"Si tito naman e."
"Hindi ba pwedeng ipagpabukas 'yan?" Tanong ulit ni daddy.
My friends looked at me for help.
"Dad, may practice po kasi ako bukas para sa dance troupe. Hindi rin naman pwedeng sunday kasi family day." Sabi ko kay daddy.
"Sige, susunduin kita nang maaga bukas."
BINABASA MO ANG
Caged [RWS #1]
RomanceProf x Student | Girl x Girl | Intersex Vianca and Clio. Started: April 16, 2023 Finished: December 8, 2023 Highest rank achieved: #3 girlxgirl and #2 gxg