Clio's POV
"Mag-o-audition ako." Determinadong wika ko.
"Saan?" Tanong ni Quinn.
Nasa classroom kami, naghihintay ng professor para sa next subject. Isang linggo ang nakaraan simula ng first day of class. Wala namang bago, bukod sa hanggang ngayon ay hindi ko parin nakukumpirma kung si ma'am ba talaga yung babaeng 'yon o hindi.
She haven't told us her first name yet. Kaya nga habang tumatagal ay nabubuo ang curiosity namin sa kanya. Yung pagiging misteryoso niya ay iba ang impact sa amin. Guys and girls are curious about her. Yung iba, may crush na.
"Nagpapa-audution yung Ravenhood. Dance troupe ng school." Sabi ko. Nakita ko lang na nakapaskil sa announcement board kanina. Gusto kong mag-try.
"Waste of time." Bored na kumento ni Briar.
"Palibhasa parehong kaliwa ang paa mo." Nang-aasar na utas ko. Pinakyuhan niya lang ako kaya tinawanan ko s'ya.
Gusto kong sumali para may mapagkaabalahan ako tuwing weekends. Marami kasing nawala sa member ng dance troupe dahil grumaduate na yung iba kaya kailangan ulit ng mga bagong member. Maraming competition na sinasalihan ang school. Isa na do'n ang dance competition. And I think I'll enjoy that too.
Dumating na ang panot naming professor. First period namin kanina si ma'am, vacant ang sumunod at break, tapos itong si Mr. Panot. Nakakadismaya talaga ang schedule namin.
"Group yourself into four." Ayan ang bungad n'ya.
The three of us looked at each other. Nagkibit-balikat kami. Matic. Magkakagrupo kami.
Ang ibang babae naming kaklase ay nag-unahan na lumapit sa amin. Gusto yatang maging pang-apat na member. Pinili naming maging ka-grupo yung pinakamaganda.
The professor explained what will happen with the groupings. Reporting lang pala. As usual, tungkol parin sa business. Business Ad course namin e, alangan tungkol sports.
Si Briar at Ashley lang ang nag-uusap tungkol sa reporting. Pinili kong huwag nang sumabat dahil gusto kong mapag-isa. Tumunganga lang ako habang iniisip kung anong ulam mamaya sa bahay.
Nang sa wakas ay natapos na lahat ng klase, agad akong pumunta sa gym. Doon daw gaganapin yung audition. Pagdating ay medyo maraming tao. I know maraming gustong mag-audition dahil bukod sa makakapunta ka sa ibang lugar para ilaban ang school ay magiging sikat ka rin sa buong campus. Bonus pa yung extra points sa grades.
May mahabang table sa stage. May mga papel do'n at inumin. Doon siguro uupo yung mga member ng dance troupe mamaya.
May namimigay ng form kaya kumuha rin ako at nag fill out.
"Hey,"
Tuloy lang ako sa pag fill out. Baka hindi naman ako ang tinatawag.
"Hey," tawag ulit kaya nag-angat ako ng tingin. A girl is looking at me. She smiled. "May extra pen ka?" Tanong n'ya.
Maganda s'ya, mukhang jolly, balingkinitan ang katawan at medyo matangkad din.
"Wala e." Sagot ko. Actually may extra pen ako pero tinatamad lang ako halungkatin sa bag ko.
"Can I borrow your pen after mo mag fill out?" Tanong n'ya. Umupo s'ya sa tabi ko. Nakaupo kami sa bleachers.
"Sige. Tapusin ko lang." Sabi ko saka tinapos ang mga dapat sagutin sa form.
"Cleopatra." Basa n'ya sa name ko. Humagikgik s'ya.
"Shh.." I silenced her. Inabot ko sa kanya ang ballpen ko. Tumawa lang ulit s'ya. "Clio lang." Pag-correct ko. Baka magkasalubong kami sa daan at tawagin akong Cleopatra.
BINABASA MO ANG
Caged [RWS #1]
RomanceProf x Student | Girl x Girl | Intersex Vianca and Clio. Started: April 16, 2023 Finished: December 8, 2023 Highest rank achieved: #3 girlxgirl and #2 gxg
![Caged [RWS #1]](https://img.wattpad.com/cover/339537267-64-k406855.jpg)