Clio's POV
Nagsimula ang practice. Ramdam ko ang tingin ng mga kasama ko kay Miss Fabroa. They look at her like they're judging her. At parang hindi ko matagalan na gano'n ang tingin nila sa kanya.
Noong nagbreak ay nilapitan ko agad si Maddie.
"Maddie, saan naka-upload yung video?" I asked her. Alam kong alam n'ya ang tinutukoy ko.
"Sa Ravenwood Secret Files, private group page." Sagot n'ya.
"Sinong nag upload?" Tanong ko ulit.
"I dunno. Usually mga dummy account lang ang kasali do'n e." Kibit-balikat n'ya. "Why? Anong balak mo?" She asked while sipping on her tumbler.
"How can I take that video down?" I asked while staring at the wind.
"You can't." She chuckled. "Maraming gusto ireport yung group page na 'yon pero wala e."
"Anong gagawin natin? Hayaan nalang masira image ng professor ng school?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"As I've said, hindi 'yon gano'n kadali. Yung group page na 'yon, madalas mga professor ang binabangga. Magaganda at sikat na professor to be exact. Hindi mo sila mapipigilan. The best thing to do is let them be." Mahabang litanya n'ya.
Parang hindi ko kayang maupo nalang dito at walang gawin para pigilan ang pagkalat ng video na 'yon. Kay Maddie na mismo nanggaling, marami ng kumakalat na issue tungkol kay Miss Fabroa, tapos madadagdagan pa?
Nahagip ng paningin kong paalis si Miss Fabroa ng gym.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Maddie nang tumayo ako.
"Bibili lang ng pagkain." Pagsisinungaling ko.
"Sama!" Sabi niya.
"Bilhan nalang kita. Libre ko." Nakangising saad ko.
"Wow bait! Sige!" Umalis na agad ako. Wala talagang nakakatanggi sa libre.
Palihim akong sumunod kay Miss Fabroa. Patay malisya ako, kunyari ay ginagamit ang phone habang nakasunod sa kanya.
Hindi ko alam kung saan s'ya papunta. Hindi naman ito ang daan papunta ng canteen, o ng faculty. Gayumpaman ay sumunod parin ako.
Sa library. Pumasok s'ya sa library, dumiretso sa hagdan. Anong gagawin n'ya dito? May librarian, kaunti ang students. Pagpasok namin ay walang pake ang mga estudyante. Mabuti naman.
Hinintay ko s'yang makaakyat ng hagdan bago ako tumuloy pero nang makita ko s'yang nasa second floor, nakahalukipkip at masama ang tingin sa'kin ay napahinto ako.
"Why are you following me?" Tanong n'ya sa malamig na tono.
"Ma'am, hindi ah. May kukunin lang akong libro dito." Sagot ko saka kunwaring tumitingin sa bookshelves.
"Oh really?" She asked sarcastically. "Tss.." she hissed before turning her back. Naglakad s'ya kaya sumunod na ako.
"Ma'am, kasi.." 'di ko alam ang sasabihin. Ni hindi ko nga alam ang pakay ko. I just wanna comfort her, maybe. But I don't know how and why.
"The video?" Tumawa s'ya. "It's not the first time. Lilipas din 'yan." Wika n'ya na parang wala lang sa kanya 'yon.
She's walking on the aisle between the shelves, tracing her fingers on the books.
"I'm sorry about what happened that night." Wika ko sa malumanay na tono.
"Was it your fault?" Lumingon s'ya sa'kin na may sarkastikong ekspresyon.
BINABASA MO ANG
Caged [RWS #1]
RomansProf x Student | Girl x Girl | Intersex Vianca and Clio. Started: April 16, 2023 Finished: December 8, 2023 Highest rank achieved: #3 girlxgirl and #2 gxg