Clio's POV
Nagising akong masakit ang ulo at katawan ko. Agad akong nagmulat ng mata. Ang taas ng ceiling. It's not my room. Marahan akong umupo at doon lang narealize na nasa sahig ako. Natulog ako sa sahig?
Humawak ako sa kama para makabangon. Naupo ako do'n. Kahit bagong gising sigurado akong hindi ko 'to kwarto.
Nag-bar kami kagabi. Tapos.. Ano na ngang sumunod na nangyari? Pilit kong inalala. I'm dancing with a schoolmate.. Keysia. And then? I don't remember. I sighed. Mamaya siguro ay maaalala ko rin 'yon.
Kinapa ko ang phone sa bulsa. It's not here so I looked around. It's on the bedside table.
14 missed calls from Quinn.
10 missed calls from Briar.
Tinawagan ko agad si Quinn. Nakailang ring lang ay sinagot n'ya agad.
"Where the heck are you?" Bungad n'ya. Rinig ko pa ang paos nitong boses. Naistorbo ko yata ang tulog.
"I don't know.. But I'm safe here." I said while examining the whole place.
The room is spacious. It looks expensive too. I suppose I'm in a luxury house or something. Hindi naman siguro ako na-kidnap.
"How can you say you're safe kung hindi mo nga alam kung nasa'n ka?" Halos pasigaw na wika ni Quinn mula sa kabilang linya.
"I just know." Asik ko. I feel safe here. Walang kaba.
"Okay, then. Pumunta ka na rito. Dito ka susunduin ng dad mo." Then she ended the call.
Ang isang 'yon, akala mo nanay kung makaasta. Lagi akong binubully pero concerned naman sa'kin. Napangisi ako.
Anong oras na ba? Ang sabi ni dad maaga niya akong susunduin. It's just 6 AM. Maaga pa naman. Shit. May practice pala ngayon. I need to leave now.
Humarap ako sa pinto at halos mapatalon nang makita ko si Miss Fabroa na nakahalukipkip at diretso ang tingin sa'kin.
Then it flashbacks. We bumped into each other at the bar. She was crying. May dumating at sinakay kami.
"M-Miss Fabroa." Naiilang na bati ko. Tumayo ako. Nandito ba ako sa bahay n'ya? Is this her house at the Gracia Villa? Mukha nga dahil mukha itong mamahalin. "Uhm, salamat sa pagpapatuloy sa'kin dito.." nahihiyang wika ko.
I stare at her face. Hindi na bakas ang pag-iyak n'ya. Siguro dahil kagabi pa naman 'yon. And I'm just sure it's because of her boyfriend. Sana hindi ako nalasing para nakasagap ako ng impormasyon tungkol sa nangyari.
"Ihahatid na kita." Sabi n'ya at tinalikuran ako.
Hindi manlang ako aayain ng breakfast? O kahit kape manlang? Hindi siya generous. Pero okay lang, maganda naman s'ya.
Nilingon n'ya ako nang mapansing wala akong balak sumunod sa kanya.
"What?" Nagtataray na tanong n'ya.
"Ma'am, pwedeng maki-toothbrush?" Tanong ko.
Umirap s'ya. Halos padabog na naglakad papunta sa isang pinto which I think is the bathroom.
"Go on." She coldly said. Tumango ako at tipid na ngumiti bago lumapit. Nang madaanan ko s'ya ay amoy ko ang pabangong gamit n'ya. Siguro ay bagong ligo s'ya. Medyo nahiya ako dahil wala pa akong ligo at magsisipilyo palang.
May nakita akong bagong toothbrush at toothpaste. May bagong face wash din kaya naghilamos na rin ako. Nakaramdam ako ng aliwalas. Pero iba parin kapag nakapagshower. Itong suot ko ngayon ay suot ko pa kahapon galing bar. It felt disgusting.
BINABASA MO ANG
Caged [RWS #1]
RomanceProf x Student | Girl x Girl | Intersex Vianca and Clio. Started: April 16, 2023 Finished: December 8, 2023 Highest rank achieved: #3 girlxgirl and #2 gxg
![Caged [RWS #1]](https://img.wattpad.com/cover/339537267-64-k406855.jpg)