Prolouge

105 3 2
                                    

Ako si Ella sa murang edad tumatak na sa aking isipan na tulongan ang aking mga magulang para maka ahon sa kahirapan.

Parehong magsasaka ang aking magulang sa hacienda na pagmamay-ari ng isang Don Agustos. Labing dalawa kaming magkakapatid kaya kahit kayod ng kayod ang aking mga magulang ay hindi parin ito sapat sa pangangailangan naming lahat.

Mabuti na lamang at napasok kaming 4 na magkakapatid sa schoolarship program ng aming bayan. Ako na panganay at pangalawa sa akin na si Erla ang nag-aaral sa koliheyo. Samantalang 4 naman ang nag-aaral sa sekondarya na nasa magkasunod na taon.

Si Erin na fourth year high school, si Eva na third year high school kapwa naka pasok sa schoolarship. Ang natirang dalawang nasa sekondarya at apat sa elementarya ay si Don Agustos na ang nagbabayad ng matrikula.

Lagi kong natanong sa aking ina bakit napakarami naming magkakapatid? Hindi naman kami mayaman para matustosan niya ang aming pangangailan. Pero sagot niya lang palagi ay "ayaw mo ba noon 'nak? The more the merrier?. Kaya wala nalang akong nagawa kundi pagbutihin pa ang pag-aaral kaya napasok ako sa schoolarship ng aming paaralan. Binibigyan ako ng tig dalawang libo kada buwan pang allowance ko. Pero imbes na pang allowance ko ay binibili ko na lamang ito ng pagkain sa bahay.

Pumapasok ako ng walang baon. Naglalakad lang ako ng eight kilometer's araw araw para hindi ko na kelangan magbayad ng pamasahe. Maaga palang ay umaalis na ako ng bahay para hindi malate at magkaroon pa ng maraming oras sa school. Pag dating sa school, naghahanap ako ng mga kaklase ko, oh di kaya schoolmate na my ipapagawa saking assignment oh project. Babayaran nalang nila ako sa pamamagitan ng pag libre ng tanghalian. Pero pag masyadong marami ay binibigyan nila ako ng pera.

Hindi ko naman sinisisi ang aking magulang o kong sino man kong bakit kami naghihirap. Bagkus ito ang ginawa kong inspirasiyon para mas maging matatag para makamit ko ang pangarap na mae-ahon sa kahirapan ang aking mga magulang at kapatid.

To be continue. . .

A/n:  sinubukan ko lang po magsulat ng ganitong genre kung kaya ko rin ba. Hehe i hope magustohan ninyo. Sorry sa typing error.

Published : May 29, 2015

Sa aking paglayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon