Chapter 5: bagong buhay

29 0 0
                                    

Naging maayos naman ang buhay namin, isang buwan na ang nakalipas simula ng lumipat kami. Naging mabait naman ang mga kapitbahay namin na gumabay sa amin sa mga bagay-bagay na hindi namin kabisado sa lugar na ito.

Kahit ang pag-lakad ng papeles ng pinatayo kong karenderya ay tinulongan din ako ng kapitbahay namin.

Lalo na si Moris na ulila sa asawa at my isang anak. Isa siyang manager sa isang restaurant kaya tinuruan niya ako ng mga ilang simpleng putahe na inihain nila sa kanilang restaurant.

Naging malapit na rin sa kanya ang mga kapatid ko kaya lagi itong nasa bahay namin at dala-dala niya ang kanyang anak na tatlong taong gulang palang. Ito lagi ang kalaro ng mga kapatid ko. Kapag papasok si Moris sa trabaho ay iniiwan niya ang anak niya sa kapatid ko dahil nagpresenta ang mga ito na sila ang magbabantay, dahil hindi pa naman pasokan.

Siguro ang mahihiling ko lang ngayon na mapag-tapos ko ang mga kapatid ko sa kanilang pag-aaral.

. . . .

Mabilis lumipas ang mga araw at pasukan na ng mga kapatid ko. Pina-enroll ko ang pangatlo hanggang sa labin isa. Naiwan lang si Erla at ang bunso namin. Para daw maalagaan niya ang bunso at mabantayan narin ang anak ni Moris. Babayaran lang daw ni Moris si Erla ng dalawang libo kada buwan.

Nagpapasalamat talaga ako dahil akala ko maayos na ang lahat. Pero dalawang araw palang naka pasok sa paaralan ang mga kapatid ko ay my pagsubok na namang dumating sa buhay namin.

May tumawag sa akin sa cellphone ko.

"maam kayo po ba si Ella? Kapatid niyo ba sina Emil, Ernesto, Evania, Erina, Esmael, Eden?" bigla nalang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng marinig ang mga pangalan ng kapatid. Lahat ng pangalan ng kapatid ko na binanggit niya ay kapwa nasa elementarya pa lamang. Si Emil lang ang nasa Secondarya.

"opo, bakit po?"kinakabahang tanong ko.

"pumunta ka po sa St. Therese Hospital maam, nalason po kasi sila" bi wala sa sariling umu-o lang ako at tulalang nabitawan ko ang cellphone ko.

"ate bakit?" tanong ni Erla na karga-karga ang bunso namin at hawak-hawak ang anak ni Moris.

"bantayan mo muna ang mga bata ha, pakisara narin ng karenderya pagkatapos kumain ng dalawang natira"mag-alas tres na kasi ng hapon kaya ilan nalang ang kumakain.

Agad akong nagbihis at pumunta ng hospital.

Pagka-pasok ko palang ng hospital ay lumapit agad ako sa information para magtanong.

"Miss dito ba dinala sina Emil, Ernesto, Evania, Erina, Esmael, Eden Dela Cruz?" tanong ko. Tiningnan naman niya agad ang listahan nila.

"Maam Eden Dela Cruz po sa emergency room po" sagot nito at tinalikuran agad ako. Magtatanong pa sana ako sa isa pang nagbabantay sa information pero bigla nalang my tinawagan sa telepono kaya umalis nalang ako para puntahan ang mga kapatid ko.

Nakita ko ang dalawa ko pang kapatid na magkasamang naka-upo sa harap ng emergency room, sa siyam na nag-a-aral silang dalawa lang ang kabilang sa tatlong hindi nabanggit ng tumawag sa akin. Pareho silang nasa secondarya at ang isa ay nasa kolehiyo. Pero hindi ko siya nakikita dito.

"Esay ano ang nangyari? Nasaan na ang iba mo pang kapatid?" lumapit agad silang dalawa sa akin at niyakap ako.

"ate...ate...." iyak lang ng iyak ang mga ito habang yakap ako.

"ano ba, tinatanong ko kayo, nasaan ang mga kapatid niyo?" napataas siguro ang tono ng pananalita ko kaya bumitaw ang mga ito sa pagkakayakap sa akin.

Wala na sila, ate..." halos hindi na ito makapag-salita sa kaka-iyak.

"anong wala ha? Sinong wala? Itigil mo nga 'yang pag-iyak mo dahil hindi kita nai-intindihan" Alam kong hindi ko dapat sila sigawan pero dahil sa kabang naramdaman ko at ayaw kong isipin na tama ang hinala ko.

"a-ate si Eden lang ang nandiyan sa loob ang emergency room. N-nasa kabilang kwarto na ang iba. P-patay na sila ate"hindi ko alam kung tumigil ba talaga ang pag-ikot ng mundo o humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan o sadyang nagimbal lang ang aking isipan sa narinig.

Para pa itong echo na pa-ulit-ulit kong naririnig na "patay na sila ate". Pero hindi kayang tanggapin ng aking isipan, mas lalo na ng aking puso na wala na sila dahil pwedeng mangyari yon. Hindi pwedeng mawala ang mga kapatid ko. Marami pa akong pangarap para sa kanila at sila ang nagbibigay ng lakas sa akin para ipagpatuloy ang buhay. Kaya ako lumalaban dahil nariyan sila.

Pero pa-ulit-ulit na nariring ko ang salitang " patay na sila ate".

Paano ko tatanggapin na wala na ang mga kapatid ko? Paano?

Naramdaman kong niyakap ako ulit ng dalawa kong kapatid pero hindi ko ma-i-galaw ang aking katawan. Para ako nawalan bigla ng lakas na lumulutang sa hangin.

Isa-isang puma-patak ang luha ko nang hindi ko na namamalayan basa narin ang damit ko. Pilit kong pinahiran ang mga luha ko gamit ang mga kamay ko pero patuloy lang ito sa pagdaloy sa aking pisngi.

Sobrang sakit.

Bakit pati sila mawala rin sa akin? Bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko? Bakit pinapahirapan ako ng panginoong Diyos. Bakit ako pa ang nakakaranas ng ganito? Wala naman akong inagrabyadong tao. Wala naman akong ginawan ng masama.

Panginoon bakit pinaparusahan mo ako ng ganito?


A/n: ok wala akong maisip na isulat. Haha nawindang ang kaluluwa ko sa mga nangyari sa mundo. Haha
As I promise. I'm back!!!! E-welcome niyo ako. Dali!!!!! Hahaha

I miss u all. Lalo na ang mga maingay sa comment. I love u todo todo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa aking paglayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon