Chapter 4:

37 1 0
                                    

"Don Agustos!?" gulat na saad ko. Prenting naka-upo ito sa maliit naming sofa. My nakatayong dalawang alagad nito sa magkabilang bahagi ng sofa. Samantalang nakatayo sa harapan niya lahat ng mga kapatid ko.

Napa-tingin naman lahat ng kapatid ko sa akin ng marinig nila ang pag-sambit ko ng pangalan ni Don Agustos.

"anong ginagawa niyo rito?" galit na turan ko. Agad namang lumapit sa'kin isa sa mga kapatid ko at niyakap ako.

"ate, my sasabihin lang daw ang Don sa atin" saad ni Eva na naka-yakap parin sa'kin.

"iha" malumanay na saad ng Don at tumayo ito.

"huwag na po kayong tumayo. Umupo nalang kayo. Anong kailangan niyo?" kahit na alam kong wala siyang kasalanan pero sa tuwing naiisip kong anak niya ang my kagagawan lahat ng miserableng pangyayari sa amin ay hindi ko parin maiwasang hindi magalit sa kanya.

"alam kong sagad hanggang langit ang kasalanan ng anak ko sa inyo, lalo na sayo... pero ako na mismo ang humihingi ng tawad sa ginawa niya sa inyo. Lalo na sayo...alam ko lahat ng nangyari. " sinserong saad nito.

"hindi ganoon kadali Don Agustos. Baka nga hindi ko na siya mapapatawad pa..."unti-unti na namang pumapatak ang aking mga luha dahil sa naalala ko na naman ang pagsamantala sa akin ng walang kamalay-malay at walang kalaban-laban. Ang pagpatay sa mga magulang kong walang kasalanan.

"kahit itong pinagbubuntis ko, hindi ko rin ito mata...tanggap... Hindi ko siya pwedeng patawarin. Kailangan niyang magbayad... Kailangan niyang magbayad..." napahagulhol na ako ng iyak sa sobrang galit at sama ng loob.

Naramdaman ko nalang ang pagyakap ng mga kapatid kong umiiyak narin.

Ilang minuto pa bago ako kumalma at gayon din ang mga kapatid ko na dahandahang natigil din ang pag-iyak ay hinarap kong muli si Don Agustos. Nakikita ko sa mga mata niya ang simpatya dahil sa kabakasan ng lungkot ang mukha nito. Pero hindi ako maaaring magtiwala sa kanya.

"pasensiya na ho kayo Don Agustos, hindi ko ma-i-bibigay ang kahilingan niyo. Buhay ang sinira ng anak niyo at buhay ang kinuha niya. Hindi ko man mabigyan ng hustisya ang mga nangyari sa amin...sa akin. Alam kong nariyan parin ang Diyos para singilin siya sa mga ginawa niya sa amin" nakita ko kung paano mas lalong naging malungkot ang mukha ng Don bago ito nagsalita ulit.

"kung may magagawa lang sana ako iha. Pero walang sinasanto ang anak ko. Kahit ako...hindi ko siya kayang pigilan sa ano mang nais niyang gawin. Dahil sa ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ng kanyang ina at kapatid...hindi ko na nga rin alam kong paano siya babaguhin"pumatak ang ilang butil ng luha sa mga mata ng Don habang sinasabi iyon. Unang beses kong nakita na umiyak ang Don lagi kasi itong nakangiti sa harap ng tao.

Alam ko namang my kabutihang taglay ang Don Agustos.Kabaliktaran kong ano man ang ugali ng kanyang anak. Lahat ng kumakalaban sa kanya ay pinapatay niya. Gusto niya lahat ng tao sa buong bayad namin ay susunod sa lahat ng utos niya. Ang Don lang lagi ang humihingi ng dispensa sa mga naagrabyado ng demonyong Josh nayon.

"iha"nakatulala na pala ako sa pag-iisip. "ito pala para sa iny"my inabot itong sobre. Binuksan ko naman agad iyon. Nanlaki pa ang mga mata ko sa dami ng pera na laman nito.

"p-para po saan ito?" tanong ko kaagad. 

"alam kong hindi sapat iyan sa mga nagawang kasalanan ng anak ko. Pero sana tanggapin mo. Alang-alang sa mga kapatid mo. Kailangan mo iyan. Lalo na sa apo ko... Iha, ito nalang ang hihilingin ko sayo. Maaari bang buhayin mo ang apo ko? Huwag kang mag-alala susustentohan ko ang lahat ng gastosin ng bata. Kahit magpakalayo-layo pa kayo. Ipa-alam mo lang sa akin kong saan kayo naroon padadalhan kita ng pera" salaysay nito na nagmamaka-awa.

Hindi ko alam ang isasagot kaya hindi ako nakapag salita.

"iha, bunga man ng karahasan ang batang dinadala mo. Wala parin siyang kasalanan. Maswerte ka ang biniyayaan ka ng diyos ng isang anghel. Sana 'wag mong ibunton sa bata kong ano man ang nagawang kasalanan ng ama niya... Hindi na ako magtatagal iha. Sana kahit iyon lang mapagbigyan mo ako" lumabas na ng bahay ang Don pero nakatulala lang akong nakatayo at wala sa sariling hinawakan ko ang aking tiyan. Dinama ko ang munting pintig ng puso ng batang nasa sinapupunan ko.
Tama ang Don. Walang kasalanan ang bata sa nangyari sa akin. Pero hinding hindi ko mapapatawad ang ama niya.

Kailangan kong magpakalayo-layo. Dahil baka ako na mismo ang papatay sa demonyong Josh na iyon pag nagkita kaming muli.

Hindi ko alam kong maging sapat itong pera para magsimula kaming muli. Pero dadalhin ko lahat ng kapatid ko saan man ako magpunta.

Wala kasi kaming mga kamag-anak sa lugar na ito. Kapwa ng-iisang anak ang mga magulang namin na nagmula sa ibang lugar at napadpad lang dito sa lugar na pagma-may-ari nina Don agustos.

. . . .

"Erla nakahanda naba lahat ng dadalhin niyo?" tanong ko sa ikalawang kapatid ko. Ngayong araw kasi ang alis namin papuntang Iloilo. May nabili kasi akong murang lupa at bahay doon na mura lang.

Ibinenta ko narin ang mga gamit namin dito sa bahay pandagdag sa natitirang pera na ibinigay ng Don.

"opo ate, ok na lahat. Nandun na lahat sa sasakyan nina aling Choling. Tara na ate." sagot nito at nauna ng lumabas.

Nakakalungkot man iwan ang lugar kong saan kami lumaki at nagka-isip ay kailangan parin naming lisanin ito. Para makapag simula kaming muli.

Hindi na namin nakita kahit mga bangkay nalang ng magulang ko dahil pinasunog daw iyon ng demonyong Josh. Kahit sa huling sandali hindi manlang namin nasilayan ang mga magulang namin. Pinagkait pa ng lalaking iyon. Wala talaga siyang kasing sama.

Ngayon na lilisanin na namin ang lugar na ito. Pipiliting makapag simula ulit. Pipiliting kalimutan ang mga masasamang trahedyang nangyari sa amin.

A/n: please umiyak kayo. Sabayan niyo ako. Hahaha ewan ko, naiiyak talaga ako pag nagsusulat nito. Kaya umiyak din kayo oi. Haha

Anyway. Thank you sa flood comments niyo. Hanggang 7 chapter lang sana ito. Pero dahil pina-iyak niyo ako sa mga comments niyo dinagdagan ko na. Haha

Kaya again. THANK YOU MUCHO. I love you todo todo.

Sa aking paglayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon