Chapter 3: inaasam

34 1 0
                                    

Nagising nalang ako dahil sa naramdaman kong niyoyogyog ang katawan ko. Pagkamulat ko ng mata ko ay sumalubong sakin ang magang mata ng pangalawa kong kapatid at iba ko pang kapatid na tulog dito sa sahig sa maliit naming sala.

Dito pala kami nakatulog lahat sa kaka-iyak. Dahan-dahan akong bumangon para makapag handa ng agahan naming lahat dahil siguradong gutom din ang mga kapatid ko. Nakalimutan na namin maghapunan kagabi dahil sa balitang wala na ang aming magulang.

Isa-isa na naman pumatak ang aking luha. Pinunasan ko naman agad iyon dahil kailangan kong magpakatatag alang-alang sa mga kapatid ko. Dahil ako nalang ang maasahan nila ngayon.

"ate, wala tayong u-ulamin ngayon. Kaya ok lang na lugaw nalang ihanda natin. Tulongan na kita ha" hilam na luha ang mga mata ng kapatid ko habang sinasabi niya iyon. Alam kong nagpipigil lang siyang umiyak.

"Huwag kanang malungkot Erla, nandito pa si Ate, kakayanin natin to" saad ko. Pero kahit ako gustong-gusto ko nang sumuko. Ni hindi ko alam paano magsisimula. Paano ko bubuhayin ang mga kapatid ko?

"sana nga ate, makaya natin to. Basta ate, ipangako mo na kahit anong mangyari 'wag mo kaming iiwan" umi-iyak na saad ni Erla.

Niyakap ko nalang ito ng mahigpit dahil hindi ko alam ang sasabihin.

Nagluto nalang kami ng lugaw dahil kahit bigas namin ay kunti narin.

Pagkatapos naming magluto ng lugaw ay ginising namin ang iba pa naming mga kapatid para kumain.

"ate hindi pa po ako nagugutom" malungkot na saad ng isa kong kapatid na si Eva.

"pero wala kapang hapunan diba? Baka magkasakit ka. Wala tayong pera pang hospital mo" saad ko naman na malumanay ang boses. Ayaw kong pagalitan sila o kahit taasan ng boses dahil pareho lang kaming nagluluksa.

"sige po ate, pipilitin ko pong kumain"malungkot paring turan nito.

Wala ni isang nagsalita hanggang matapos kaming kumain. Hinayaan ko nalang sila. Niligpit ko ang mga pinagkainan namin at nagpresinta naman ang mga kapatid ko na tumulong at sila na daw maghuhugas. Kaya nagpa-alam ako sa kanila na pupuntang presinto para ipakulong ang demonyong Josh na 'yon.

"ate mag-ingat ka ha. Total wala na kaming pasok ako na bahala sa mga kapatid ko." pahayag ni Erla bago ako umalis ng bahay.

. . . .

Umiiyak akong naglalakad papuntang sakayan ng tricykle papuntang bayan. Dahil nasa bayan pa ang presinto ng pulis.

"Ella iha" nagulat nalang akong my tumapik sa balikat ko. Si Aling Choling pala kaibigan ni Inay.

"kanina pa kita tinatawag pero mukhang wala ka sa katinuan ng isip ngayon" ngumiti lang ako ng mapakla dahil totoo naman ang sinabi niya.

"nakikiramay kami sa inyo. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon sana magpaka-tatag ka. Alang-alang sa mga kapatid mo... Pagpasensiyahan mo na kung wala akong maitutulong sayo. Alam mo naman kong gaano ka makapangyarihan sila. At walang sino man ang pwedeng kumalaban sa kanila" tango lang ang naging tugon ko. Dahil tama si Aling Choling walang kumakalaban sa pamilya ni Don Agustos.

Binalot man ako ng pangamba at takot na baka patayin rin nila ako pag-ipakulong ko si Josh ay hindi parin ako nagpadaig sa naramdaman ko.

Alam kong gagabayan pa ako ng Diyos.

. . . .

"iha! Nagpapatawa kaba? Ipapakulong mo ang anak ni Don Agustos?" saad ng Pulis matapos kong sabihin na ikulong nila ang demonyong Josh nayon.

"pero Sir, pinatay ng demonyong..." hindi ko na naipag patuloy ang sasabihin ko ng takpan ng Pulis ang aking bibig.

"iha... Kung gusto mong magpaka matay, huwag mo na kaming idamay. Lalo na ako, my pamilyang umaasa sa akin" inis na turan ng pulis.

"nawalan ako ng magulang Sir. Gusto ko lang mabigyan ng hustisya ang pagmatay nila. Kahit 'yon lang... k-kahit hindi na ang pananamantala niya sa akin" gusto ko ng maghagulhol sa iyak dahil sa sobrang lungkot.

Kahit hustisya lang para sa magulang ko hindi pa namin pwedeng makamtan.

Nakita kong nag-iba ang aura ng Pulis. Kaninang na-i-inis ay napalitan ng awa.

Sana tulongan niya kaming makamit ang hustisya.

"Iha! Gustohin ko mang tulongan ka, pero hindi maari. Dahil ikakapahamak ko rin. Hayaan mo lang ito lahat sa Diyo. Hayaan mong ang Diyos ang magparusa sa kanya. Pinapahamak mo lang ang sarili mo sa ginagawa mong ito" pahayag ng Pulis.

Wala narin akong nagawa kundi umuwi na lamang. Pero bago ako umuwi ay inabutan niya ako ng isang libo. Abuloy daw niya.

Hindi na ako nagdalawang isip na tanggapin iyon. Dahil kailangan talaga namin ng pera.

Laglag balikat akong umuwi sa bahay. Bakit hindi makatarungan lahat ng nangyari sa amin...sa akin. Kung bakit naging mahirap lang kami. Kung mayaman lang kami eh 'di sana nagawa kong mabigyan ng hustisya ang mga magulang ko.

Pagdating ko sa bahay ang maraming tauhan ni Don Agustos ang nasa palibot ng bahay. Bakit kaya?

Dali-dali naman akong pumasok ng bahay.

A/n: thank u sa pag-aabang

Sa aking paglayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon