Chapter 1: pag-ibig

55 3 5
                                    

Akala ko makakamtan ko na ang aking pangarap dahil sa nalalapit kong graduation. Walang pasidlan ang sayang aking nadarama. Dahil pagkatapos nito ay makakahanap na ako ng trabaho, matutulongan ko na ang aking magulang sa gastosin.

Pero isang buwan bago ang aming graduation ay nawala ang lahat ng pag-asang makamit ko ang aking pangarap.

Nagpahayag ang aming paaralan na magdadaos ng graduation ball.

Lahat kami masayang nagkukwentohan at nag inoman. Isang baso lang naman ng alak ang aking na-inom. Pero hindi ko alam kong bakit bigla nalang akong nahilo at ina-antok. Kaya napag pasyahan kong pumunta ng C.R. para makapag hilamos ng gumaan ang aking pakiramdam. Hindi pa ako nakarating ng C.R. ay bigla nalang ako natumba. Naramdaman ko pa ngang my humawak sakin, pero dahil sa sobrang antok at pag kahilo ay di ko na nagawang tignan kong sino ito.

Nagising nalang akong masakit ang buo kong katawan. Gayon din ang aking ulo. Hindi ko pa naimulat ang aking mata ay ginalaw ko na ang aking katawan para tumayo. Pero ng igalaw ko ang aking balakang ay sobrang sakit nito. Lalo na sa maselang bahagi.

Pinilit kong imulat ang aking mata kahit na gusto ko nalang ipikit ito dahil sa sakit na nararamdaman. Pagka mulat ko ng aking mata ay nabigla ako sa aking nakita. "hindi ito ang aking silid" anas ko sa aking isip. Inilibot ko ang aking paningin at mas ikinabigla ko ang aking nakita. Isang lalaking nakahiga sa aking tabi na hubot hubad. Dali-dali ko rin tinignan ang aking sariling nakabalot ng kumot. Halos hindi ko malaman kong ano ang aking gagawin sa nakita kong hubot hubad din ako at my mantsa ng dugo sa aking kinahihigaan.

Hindi ko namalayang walang humpay na pumapatak ang aking mga luha. Gulong-gulo ang aking isip at hindi malaman ang gagawin.

Lalong napalakas ang pag iyak ko ng maramdaman kong nagising ang aking katabing lalaki.

"hayop ka, bakit mo ginawa sakin to? Bakit ako pa?" garalgal na hiyaw ko sa lalaki. Gusto ko siyang sabunotan, saktan at kong pwede lang patayin ko siya ngayon mismo ay ginawa ko na. Pero wala akong lakas, ni kahit igalaw ang katawan ko ay nahihirapan ako.

"oh bakit ka nagrereklamo? Kulang paba? Sarap na sarap ka naman kagabi ah"nakangisi nitong sabi at maya-maya pay tumawa ito na parang demonyo. Mas lalo akong nagalit. Kung  kaya kahit masakit ang katawan ko ay inubos ko lahat ng lakas ko para saktan siya. Pero hindi pa naka abot ang kamay ko sa kanya ay nahagip na niya ito.

"wag na wag mo kong kalabanin kong ayaw mong patayin kita dito mismo" tumawa ulit ito na parang demonyo.

"demonyo ka,mamatay kana sana" sigaw ko rito pero tumawa lang siya.

"naawa pa nga ako sayo kaya di kita pinatay eh, wag na wag mo lang ipag sasabi ang nangyari dahil alam mo ang kaya kong gawin. Isang sabi ko lang ky papa matatanggalan na ng trabaho ang mga magulang mo at mawawalan ng schoolarship ang mga kapatid mo. Parang pambayad niyo nalang ito sa tulong namin sa inyo" nakangiting aso na sabi nito.

Kahit halos sumabog ako sa galit pinilit ko paring magtimpi alang2x sa pamilya ko. Alang-alang sa mga kapatid ko. Dahil pagmawalan ng trabaho ang magulang ko mamatay kaming lahat sa gutom. Ano ba naman ang laban namin sa anak ng Don Agustos. Ang pinaka mayaman at makapangyarihan sa aming bayan.

Walang humpay parin ang pag agos ng aking luha. Kahit na masakit pa ang aking katawan ay pinilit kong bumangon para makapag suot ng damit at maka-alis na. Dahil baka mapatay ko pa ang demonyong ito na kasama ko sa silid.

"bilisan mo magbihis, ihahatid kita. Para masiguro kong di ka magsusumbong" ani nito at mabilis na pumasok ng banyo.

. . . . . .

"bakit ngayon ka lang na bata ka ha? Alam mo bang nag-alala kami sayo? Saan ka pumunta ha? Bakit ganyan ang hitsura mo? Sumagot ka! L*ntik na bata ka. Halika dito!!!"yan ang bungad sakin ng nanay ko pagkapasok ko palang ng bahay namin.

"Nay tama na po. Araay!! Tama na po nay. A-aray! Aray!" hiyaw ko dahil sa walang tigil na pag hila ng buhok ko at pinapalo ako ng aking ina. Ganyan ang nanay ko. Kahit dalaga na kami ay wala itong pakundangan kong saktan kami pag my kasalanan. Wala narin akong nagawa kundi umiyak na lamang.

"magandang umaga po Aling Evelyn" napalingon kami ni nanay sa lalaking nagsalita sa my pintoan. Ang demonyong to, ang kapal talaga ng mukha. Ngiti ngiti pa itong bumati ky inay.

"naku! senyorito Josh, ano't napasyal ka dito? Halika pasok ka. Pag pasensiyahan mo nalang ang aming tahanan." yakag ng aking ina.

"ah eh, ok lang po Aling Evelyn, hinatid ko lang po si Ella. Pasensiya na kong di ko na siya nahatid dito kagabi. Sobrang lasing na po kasi siya, eh hindi naman po makapasok yong sasakyan ko rito. Kaya sa bahay ko nalang po siya pinatulog" paliwanag nito ky inay.

"naku senyorito, pagpasensiyahan mo na ang ginawa ng anak ko ha. Naabala ka pa tuloy" gustong-gusto ko nang isigaw ang kawalang hiya niya pero nagpipigil lang talaga ako. Kaya matalim na tingin nalang ang pinukol ko sa demonyong yon kahit di man naka tingin sakin.

"wala po yon Aling Evelyn, pamilya narin po ang turing namin sa inyong naglilingkod po sa hacienda" walang hiya talaga. Ang galing niyang magbait-baitan.

" napaka bait mo talaga. Maswerte ang mga taong mamahalin mo... Ella halika dito, si senyorito pala naghatid sayo. Magpasalamat ka manlang" tawag ni inay sakin pero di ko siya kinibo dahil sa sobrang puot na aking naramdaman.

"ano ba Ella,mahiya ka naman ky senyorito. Tinulongan ka na nga eh. Magpasalamat lang di mo magawa?" lalo akong sumidhi ang galit na aking nadarama.

"bakit ko pasasalamatan ang demonyong yan na pinagsamantalahan ako?" sigaw ko na ikinagulat nila. Namilog pa ang mga mata ng demonyo na nakatingin sakin.

Pero nagtaka ako ng tumawa si inay. " hindi kana nahiyang bata ka. At masyado kapang ambisiyosa ha. Ni kahit dulo ng buhok mo hinding-hindi pagsasamantalahan ni senyorito. Umayos kang bata ka, pag di ako nakapag pigil malilintikan ka sakin" naiyak nalang ako sa nangyari. Tumakbo ako kaagad papuntang silid ko na patuloy sa pag-iyak.
Ako na itong na agrabyado bakit ako pa ang ayaw nilang paniwalaan. Diyos ko, kayo na pong bahala sa akin. Nawa makayanan ko pang bumangon sa mga susunod na araw para ipagpatuloy ang buhay.

Itutuloy. . . .

Sa aking paglayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon