Chapter 3

497 25 5
                                    

Chapter 3

Jae Kyline's POV

Tiningnan ko ang bintana sa gilid ng kama ni Syfer na nasa harap ko nang mapansin kong maliwanag na ito. Umaga na pala pero wala pa akong tulog. Pinagmamasdan ko lang kasi itong bastos na lalaki simula kanina. Hindi ko talaga alam kung ano'ng gagawin ko sa kanya. He looks devastated and somehow, I feel like we're sharing the same feelings. Ang nakakatawa lang is hindi ko alam ang reason ko. Pero yung reason ni Syfer, alam ko.

Binaling ko lang ang atensyon ko sa lalaking tulog na tulog pa rin. Napansin kong may luhang tumulo na naman sa kaliwang mata niya. Kalalaking tao, napaka-iyakin. Kung hindi ba naman siya duwag, edi sana hindi siya malungkot ngayon.

Dahil sobrang naiinip na ako sa kahihintay na magising siya, tinignan ko na yung broomstick kong nakalutang sa tabi ko. I can't wait any longer. Buong gabi na akong naghihintay dito. Kailangan ko na siyang makausap. "Wake him up." Utos ko sa broomstick ko. Kusa naman itong umikot para makapagperform ng Light at halos mabingi rin ako nang matapos ito dahil biglang tumunog ang alarmclock na nasa tabing table ng kama niya. Bumukas rin ang tv na napunta sa maximum volume nito. His phone in his pocket started to ring endlessly. Narinig ko rin ang pagbukas ng shower sa cr at ang pagbubukas sara ng lahat ng pinto dito pwera yung main door. Nagsabay sabay ang mga tunog nun na naging dahilan ng pagkagising ni Syfer.

"Tangina! Bakit ang ingay?!" Inis na inis na sabi niya habang nakaupo at nakapikit. Ginulo-gulo pa nga niya ang buhok niya sa sobrang inis. Napailing ako. Kagigising lang, mura agad ang unang lumabas sa bibig! Tanggalan ko kaya siya ng vocal chord? Ghad.

Nang masiguro kong gising na talaga siya ay nagsnap ako ng fingers. Tumahimik naman ang buong unit niya dahil don. Bigla siyang nag-angat ng tingin sa flatscreen tv na nasa harap ng kama niya nang mapansing hindi na nakabukas 'yon. Hindi niya ako pinapansin. Siguro hindi pa niya ako nakikita dahil nasa gilid niya ako.

Humalukipkip ako habang nakatingin sa kanya. Pupungas-pungas naman siyang tumingin sa gilid niya kung saan ako nakapwesto. Akala ko hindi niya ako nakita dahil babalik na sana siya ulit sa pagtulog nang biglang nanlaki ang mga mata niya.

"Sino ka?!" Gulat na gulat na tanong niya na ikinailing ko. Nakakainis naman kasi. Ilang beses niya bang tatanungin kung sino ako? Tinignan ko lang siya na walang emosyon ang mga mata. Bastos na nga, ulyanin pa. Mukhang maangas, akala mo naman hindi siya natakot kagabi dahil sa ginawa kong pagpapalutang sa kanya. "Sino ka sabi? Paano ka nakapasok dito?" Nakakunot na ang noo niya ngayon.

"I'm nobody. Just your conscience. Matulog ka nalang ulit." Walang ganang sagot ko. Alam ko namang hindi niya gagawin pero wala talaga akong ganang makipagkilala sa kanya.

"What? Wag mo nga akong ginagago!" Sabi niya at saka tumayo. Nagulat ako nang lumapit siya sakin at marahas akong hinila patayo. Kinaladkad niya ako palabas ng kwarto niya. What the welsh? Walang manners! Masama ang ugali! Hindi siya nararapat maging tao! "Get the fuck out of my unit!" Sabi niya at saka ako marahas na binitawan. Buti nalang nasalo ako ng broomstick ko kaya hindi ako tuluyang napasalampak sa sahig.

Tinignan ko ng masama si Syfer kaya tinignan niya rin ako ng masama. "Wala ka talagang galang sa babae, 'no?" Naiinis na sabi ko sa kanya.

"Tss. Just get out!" Inis na inis na sabi niya pero umiling ako.

"No." Hindi ako aalis sa unit niya. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko naigaganti si Yana.

"What the?!" Lalapitan pa sana niya ako pero ginamitan ko na siya ng light.

"Ferusi igmos!" I casted. Napatigil naman siya sa paglakad. Biglang nanigas ang buong katawan niya at ang ulo niya lang ang tanging nagagalaw niya. Hindi ko kasi siya makakausap ng matino kung hindi ko siya gagamitan ng Light. Baka saktan pa niya ako kung sakali. Alam kong mali na ginagamit ko sa kanya ang Light ko pero wala naman akong ibang choice.

"A-anong ginawa mo sa'kin? Shit! Bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko? Damn it! Sino ka ba ha?!" Inis na inis sa tanong niya pero wala namn siyang magagawa hangga't hindi ko dinidispell ang Light na inilagay ko sa kanya. Bagay lang sa kanya yan dahil pasaway siya.

Muli akong humalukipkip at tinignan siya ng diretso. "Hindi mo ba ako naaalala?" Tanong ko. Hindi siya kumibo kaya inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Halos ilang inches nalabg yata ng layo ng mga mukha namin sa isa't isa para naman makita niya talaga ng malapitan ang mukha ko. Pero iba ang nangyari, hindi siya tumitingin sa'kin at pulang pula ang mukha niya. Wag niyang sabihing natatakot siya sa'kin? Ang duwag naman.

"T-tangi-na. Lumayo ka nga saking babae ka." Kinakabahan niyang sabi. Duwag!

Ginawa ko naman ang sinabi niya at saka lumayo. Sinimangutan ko siya dahil mukhang hindi naman talaga niya ako naaalala. Mukhang wala na yata akong choice. "Fine. Wala na akong choice."

"Anong pinagsasabi mo?" Mukhang kinakabahan siya dahil sa sinabi ko pero hindi niya pinahahalata. Great pretender.

"Hindi ba, ang sabi mo hindi mo ko kilala? Kilala mo ko! Ayaw mo lang tandaan ang kasalanan mo kaya ipapaalala ko sayo." I said and grabbed my broomstick. Napatingin naman si Syfer dun. He can see my broomstick dahil sinasadya ko talagang ipakita sa kanya.

"M-mangkukulam!" Nanginginig na talaga siya ngayon. "Anong gagawin mo sakin?!" Ramdam ko ang pagpapanic sa boses niya. Kung nakakagalaw nga lang siguro siya, tumakbo na siya palayo.

"Ang ingay mo, Syfer." I rolled my eyes at him. Marahan kong tinap ang ulo niya gamit ang dulo ng broomstick ko na naging dahilan ng pagtahimik niya. Siguro naman, matatandaan na niya yung kagabi.

Hinintay ko lang na maalala niya lahat ng nangyari kagabi bago ako magsalita. "Ano? Kilala mo na ba ako?" tanong ko sa kanya ng mahinahon.

"Ikaw yung kaibigan ng babaeng nakaaway ko kagabi. Tss. Bakit mo ko sinundan dito? At ano ba talagang meron sa'yo? Bakit may kapangyarihan ka? Ano'ng ginagawa mo sa'kin?" Seryosong tanong rin niya.

I shrugged. "I'm just teaching you a lesson."

"Ano?" Medyo napataas na naman ulit ang boses niya. "Teaching me a lesson?! Bakit? Pinatay ko ba yung kaibigan mo?" Alam kong badtrip na badtrip na siya ngayon. It is evident in his expression. Napakadali naman kasi niyang basahin. Hindi ko nga alam kung bakit hindi nalaman ni Shai na may gusto si Syfer sa kanya. Is she really that dumb?

"No! Pero Nagsorry ka manlang sana! But you didn't, right? Actually, I don't even think you deserve to be a human! Mas tao pa kasi yung ibang hayop sayo." Galit na sabi ko.

"What the fuck? Hindi mo ako pwedeng utusan. Sino ka ba sa tingin mo? Wala kang alam sa buhay ko! Ni hindi mo nga alam ang buong pangalan ko. O kung anong mga pinagdadaanan ko!" Maangas na sabi niya.

I gave him the most bored expression look that I could muster. "Ano'ng hindi ko alam? Na iniwan ka ng mga magulang mo dahil mas mahalaga sa kanila ang trabaho? Na mag-isa ka lang at kaya ka ganyan ay dahil akala mo, iiwan ka ng lahat ng tao? O baka naman, yung pagpapakasal ng kaibigan mong si Shai sa kuya ng bestfriend mo?" Mukhang nagulat siya sa mga sinabi ko kaya napangiti ako sa kanya ng sarcastic. "Oh. Wala nga akong alam sa'yo." Mapang-asar na sabi ko. Nag-eexpect akong babarahin niya ako at sasabihan na stalker o kung anu-ano pang masasamang salita pero hindi lang siya kumibo.

Nakayuko lang siya nang bigla siyang natawa. "Sorry ba ang gusto mo? Tangina. Sige, sorry. Pasensya na. Ngayon pwede bang umalis ka na?" He said coldly.

Hindi ako nakagalaw. I felt a pang of guilt in my chest na dapat wala dun. He deserves it! Wala siyang modo tapos kung magpaawa siya ngayon akala mo sobrang nasaktan ko siya.

I sighed. "Dispell." I said. Magsasalita pa sana ako nang bigla niya ulit akong kaladkarin palabas ng unit niya. Hindi na ako kumibo. Hindi rin kasi ako makapag-isip ng matino ngayon.

"Umalis ka na. At pwede ba? Wag na wag ka nang magpapakita sakin kung hindi baka kung anong magawa ko sayo." Asar na sabi niya at saka binuksan ang pinto saka ako pinakawalan.

"Syfer?"

Natulala bigla si Syfer habang nakatingin sa babaeng kanina pa yata nandito sa labas ng unit niya. Mukhang nagtataka pa itong nakatingin saming dalawa. It was that girl, Shai.

"Sh-shai? Anong ginagawa mo rito? Diba, honeymoon niyo ni Austin ngayon?" Syfer asked confused. Iba ang tono ng boses niya. Halatang may gusto siya sa babaeng ito pero hindi naman yun nakikita nitong isa.

Mukhang nakabawi naman si Shai sa pagkagulat at ngumiti sa kanya. "Uh, yes. Pumunta lang naman ako dito para sabihan ka dahil gusto ni Austin na magkaroon tayo ng post-celebration mamaya. Tayong magkakaibigan lang." She said. She looks nice. At mukhang masaya talaga siya sa asawa niya. Bigla naman siyang tumingin sakin. "And who is she? Siya ba yung sinasabi ni Densel na girlfriend mo?"

"What?" Kunot-noong tanong ni Syfer. Dahil sa sinabi ni Shai, may bigla akong naisip. Magsasalita pa sana si Syfer nang ilahad ko ang kamay ko sa harap ni Shai.

"I'm Jae Kyline. Nice meeting you." Nakangiti kong sabi sa kanya. Sinuklian naman niya iyon ng isa ring napakatamis na ngiti.

"Shaileen. But you can call me Shai. Actually, you look familiar. Have we met before?" Casual na tanong niya pero agad rin akong umiling dahil sigurado ko namang never pa kaming nagkita. "Anyways, nice meeting you too. Sumama ka mamaya ha? Tutal girlfriend ka na pala ng mokong na ito. I'm sure, matutuwa ang asawa ko na makilala ka." Hindi ko alam ang isasagot ko kaya tumango nalang ako. Mas okay na rin 'to para hindi ako paalisin ni Syfer dito. Dahil for sure, hahanapin ako ni Shai sa kanya mamaya. Ayaw naman siguro niyang madisappoint ang kaisa-isang mahal niya diba?

Hindi na nagsasalita si Syfer dahil wala naman na siyang magagawa. Naka-oo na ako at hindi naman niya magawang kumontra dahil nandito si Shai.

"O paano? Una na ako a? Naghihintay kasi si Austin sa'kin sa baba." Ngumiti ako sa kanya bilang sagot kaya tumingin siya kay Syfer bigla. "Pumunta kayo ha! Magagalit talaga ako sayo kapag hindi ka umattend. Nawala ka nalang kasi bigla kagabi sa reception." Parang nagtatampong sabi ni Shai.

Ngumiti si Syfer sa kanya. "Pupunta ako." Sabi niya habang tumatango.

Natuwa naman si Shai sa sinabi niya at saka nagpaalam. Tinignan lang namin siya hanggang sa makapasok siya sa elevator. Papasok na sana ako sa unit nitong si mokong nang bigla nalang niyang isarado ang pinto kaya naiwan ako dito sa loob.

I sighed. Napaka walang modo talaga.

Madali ko lang na nabuksan ang pinto ng unit niya kahit nakalock pa yun kaya pumasok ako agad. Narinig kong may mga gamit na gumagalaw sa kanang pinto kung nasaan ang kusina kaya pumunta ako dun. Nagugutom na rin kasi ako. At pagod pa.

Nadatnan kong nagluluto na siya kaya hinila ko yung isang upuan ako umupo dun. Maghihintay nalang muna akong matapos siya sa pagluluto.

"Diba sabi ko sayo, umalis ka na?" Malamig na sabi niya habang naghihiwa ng meat. Madalas, iyon ang niluluto ni Tita Isa kaya alam ko 'yun.

"Oo nga. Pero wala akong sinabing aalis ako." Diretsong sabi ko. Kumunot bigla ang noo niya at napatigil sa paghihiwa. Humarap siya sa'kin.

"Ano bang problema mo? Baliw ka ba?" Inis na tanong niya. I shook my head in response. "Umalis ka na babaeng magician!" Galit na galit na galit na siguro siya. Pero hindi ako nagpaapekto sa sinasabi niya at pumangalumbaba pa sa mesa niya. Lumapit siya sa'kin at saka walang kahirap hirap na hinila ang lamesa palayo kaya muntik na akong masubsob. "Alis!"

Pinipikon niya ba talaga ako? "Bakit ba ang ingay mo?! Magluto ka na nga lang dyan!" Inis na sabi ko.

"Tangina talaga!" Napasabunot siya sa buhok niya dahil sa frustration pero wala rin naman siyang nagawa kung hindi ang magluto. Inusog ko ulit palapit sakin yung lamesa at naupo ng maayos. Tinignan ko ang buong kusina niya. Ang dumi dumi. Paano siya makakapagluto ng ganito kadumi.

Tumayo ako at hinawakan ang broomstick ko. "Celinus." Sabi ko at nag-umpisang gumalaw ng kusa lahat ng mga gamit na nakakalat. Napunta sa basurahan ang lahat ng dapat ay nasa basurahan. At yung ibang mga gamit, napunta sa mga dapat nitong kalagyan. Ilang minuto lang ang itinagal nun tapos luminis na ang buong kusina.

Napangiti ako at nakahinga ng maluwag. Wala ng kalat!

Uupo na sana ako sa kinauupuan ko kanina nang biglang lumapit si Syfer sakin. Hahawakan niya sana ako dapat pero parang biglang nagbago ang isip niya at lumayo ng kaunti. Anong problema nito?

"Sabihin mo nga sa'kin, sino at ano ka ba talaga?" Seryoso pero mahinahon na tanong niya.

Napabuntong hininga ako at tumingin ng diretso sa mga mata niya. Wala na rin namang saysay kung magsisinungaling ako diba? Alam na niyang may kapangyarihan ako. Kaya rin ayokong umalis dito ay dahil naumpisahan ko na siyang gamitan ng Light. Hindi niya pwedeng ipagsabi ang tungkol sa bagay na 'yon kung hindi malalagot ako. Isa pa, hindi ko pwedeng tanggalin ang memory nya tungkol sa'kin dahil siguradong madedetect nila Master Hans ang ginawa ko. Gaya ng sabi ko, labag sa rule ng nature ang paggamit ng kapangyarihan sa mga mortal lalo na kung makakasama sa kanila. At ang pagkuha ng memory niya ang isa sa mga pinakamabigat na kasalanan.

"I'm Jae Kyline and, I'm the Witches' Leader."

Two Hands of a ClockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon