Important Note: Ang timeline po nito ay 2 years before pa man nila mahanap si Zy. :D
Chapter 1
Syfer’s POV
I looked at the shot glass I am holding and tried to focus my gaze on the liquid in it but I can’t. It feels like my damn world is f*cking moving. Medyo tinamaan na yata ako ah.
“Tama na ‘yan, dude.” Narinig kong awat na naman nung siraulong nasa tabi ko pero hindi ko siya pinansin. Kanina ko pa naririning ang salitang ‘tama na yan’ mula sa kanya. I just continued to drink. “Hindi ka ba nagsasawa? Kulang nalang magpakasal ka na sa mga alak dito sa bar. Tss.” I heard him say but I didn’t even bulge. Magpakasal? Sana nga. Kung babae lang ‘tong alak na hawak ko, baka pinakasalan ko na nga.
“Isa pa.” utos ko sa bartender nitong bar. Kumuha naman siya ng maiinom ko. Umiikot na ang paningin ko. Shit. I’m a hard drinker and now that I’m upset? Hell. Hindi ko alam kung anong nangyari sa bahay alak ko.
“That’s enough,” Densel said. “Dude. Stop this nonsense. Iuuwi na kita. Tss,” Naramdaman ko ang hawak niya sa balikat ko pero mabilis akong tumayo at lumayo sa kanya.
Mas lalo akong nababadtrip kapag pinakikielaman ako. “F*ck off.”
“Tss. Bahala ka.”
Lumipat ako ng pwesto para hindi niya na ako kulitin habang hawak ko pa rin ang alak na iniinom ko. Ito nalang ang karamay ko ngayon. Tsk. Bakit kasi pati siya, kailangang iwan ako?
“You may now kiss the bride.”
“I love you, Shai. Always have and always will.”
“I love you even more, Austin.”
Naibato ko ang basong hawak ko nang maalala ko na naman yung kasal nila. Damn it, brain. How many times do you have to play it?
Naramdaman kong may biglang mga bouncer na lumapit sa’kin pero hindi ko sila pinansin.
“Sir, lasing ka na. Kailangan niyo nang umuwi bago pa kayo makagulo rito.” Sabi nung isa.
I smirked at marahang itinulak siya. Lasing? Gago ba siya? Sinong lasing? E kaya ko pa nga siyang ibalibag e. “Umalis kayo sa harap ko.”