Chapter 2
"Sino ka sabi?" Ulit niya pa. Hindi ko naman inaasahang ganito ang bubungad sakin. Ano ba naman iyan! Diretso lang akong nakatingin sa mga mata niya. Wag mong ibababa ang tingin mo, Jae! Wag!
"A-ako-- Aba!" Nagulat ako nang bigla nalang niyang isinarado yung pinto ng unit niya. Napaka-walang galang talaga ng lalaking 'yon!
Napatingin ako sa tabi ko nang sumulpot bigla ang broomstick ko. Hindi ito nakikita ng ibang tao o kahit na welsh. Iyon ay dahil sa ako ang leader ng mga witch. I have the power to make my broomstick invisible to someone's naked eyes. Napabuntong hininga ako. Mukhang kailangan ko talagang gumamit ng kapangyarihan. Napansin kong may maliit na bagay na nakasabit sa dingding sa dulo ng corridor.
Hindi ko alam kung ano yun pero parang mapapahamak ako ng dahil do'n. Tinignan ko ang broomstick ko at saka iyon kinontrol gamit ang isip. Tumapat ito sa maliit na bagay na nakasabit na 'yon. "Destroy it." Bulong ko na agad naman nitong sinunod. Nakarinig ako ng mahinang pagsabog dahil do'n. Hinawakan ko ito pagkatapos at saka itinutok sa door knob ng unit ni Syfer. "Ohera!" I casted and it clicked. Tanda na bukas na ito.
Pumasok ako agad sa unit ng walang modong lalaki at agad na isinara yung pinto pagkatapos. Sala niya ang bumungad sa'kin. Combination ng white at black ang buong paligid. Kulay white yung pintura ng bawat dingding habang black naman yung mga gamit. Ang linis tuloy tignan. Inilibot ko ang tingin ko sa sala pero wala siya do'n. Naglakad ako at nakakita ng dalawang pinto. Sa tingin ko, kwarto yung isa at yung isa ay hindi ko alam.
Nakita kong medyo naka-awang yung nasa kanan na pinto at may ilaw na nanggagaling mula do'n kaya dun ako pumasok. Nakita ko agad ang mga nagkalat na bote ng alak sa lamesa pero wala namang tao dun. Bukas rin yung sink at may mga nagkalat ring bote sa sahig. Katabi ng mga boteng yun ang isang mukhang nakakaawang lalaki. Nakayuko ito at parang tulog na. Napailing ako nang gumalaw ito at tinungga ang laman ng hawak niyang bote.
Naglakad ako papunta sa harap niya. Nung una, hindi niya pa ako napapansin pero bigla siyang nag-angat ng tingin. Halos pikit na ang dalawa niyang mata sa sobrang lasing pero hindi pa rin siya tumitigil? Ano naman kayang problema ng isang ito?
"Shino ka?" Naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Talaga bang hindi siya marunong umalala ng mga kasalanan niya? Siguro, napakaraming atraso ng taong 'to. Pero limot na niya lahat yun!
"Tumayo ka nga." Walang ganang sabi ko sa kanya. Oo, mabait ako sa mga kaibigan ko. Hindi sa mga taong katulad ng isang 'to.
"Ano? Shino ka para utushan ako?" sobrang garalgal ng ang boses niya. Nakakainis tuloy sa tainga.
"Sabi ko tumayo ka." Agad kong hinawakan ang broomstick ko at itinuro sa kanya ang pinaka-ulo nito. Unti-unti ko siyang binuhat gamit yon para mapatayo.
"Ah, shit! Anong ginagawa mo sakin?! Bakit hindi ako makagalaw!" Medyo umayos na ang boses niya pero lasing pa rin. Ang ingay pa. Daig pa niya ang babae kung makasigaw. "Shit! Nananaginip ba ako? Damn!" lumulutang na siya sa ere ngayon. Buti lang 'yan. Para naman magising siya kahit kaunti. At mukhang effective naman.
"Hindi mo ba naaalala ang kasalanang ginawa mo sa kaibigan ko?" Tanong ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin.
"Ano'ng ginagawa mo sakin?" Tanong niya pa rin habang nakatingin sa'kin.
"Alam mo, ang ingay mo. Matulog ka na nga lang." Inirapan ko siya and casted a sleeping spell. Gusto ko siyang gisingin para makausap ko siya pero mukha namang hindi siya makakausap ng matino kahit ano'ng gawin ko kaya mas mainam nalang na matulog na muna siya.
Lumabas ako sa kusina habang nakalutang sa ere si Syfer na nakasunod sa'kin. Pumasok ako sa pintong katabi nung kusina at hindi nga ako nagkakamali. Kwarto nga 'yun. Agad kong ibinaba si Syfer sa kama niya habang tulog na tulog at saka ko inilibot ang tingin sa kwarto niya. Katulad ng sala niya, black and white din ang kulay dito. Pwera sa kama niya na plain white. Yung ibang gamit kasi, black talaga.