Chapter 5
Syfer's POVSinusulyap-sulyapan ko lang yung witch habang umiinom dito sa tabi ko. Kanina pa kasi siya binibigyan ng inumin nitong gagong si Austin. Hindi tuloy ako makainom ng marami dahil baka malasing 'tong babaeng 'to. Hindi ko siya maiuuwi ng maayos at baka madisgrasya pa kami. Pero bakit ko ba inaalala ang witch na 'to? Tss. Damn you, mind.
I quickly diverted my gaze when she looked at me. Maagap kong kinuha ang beer na nasa harap ko at ininom.
"So kelan pa naging kayo?" Biglang tanong ni Shai. Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko dahil sa biglaang tanong niya. Kaya biglang natawa yung dalawang gago.
"Relax dude." Napatingin ako ng masama kay Densel pagkasabi niya nun. Alam naman nitong siraulong 'to na si Shai ang mahal ko pero sinabi pa rin niyang girlfriend ko itong magician na nasa tabi ko.
"Ayos ka lang ba, love?" The witch asked. Napatingin ako sa kanya. Ayos ah. Ang galing ring umarte ng isang 'to. Akala mo naman hindi masama ang ugali. Tumango lang ako sa kanya at pilit na ngumiti kaya ganun rin ang ginawa niya. Nabaling ang atensyon niya sa mga kasama namin dito sa VIP room. "Actually, recently lang naging kami. But we've known each other for almost a year." She said casually.
Kapag tinitignan ko talaga ang babaeng ito, nababadtrip ako. Naaalala ko kasi yung nangyari kanina. Damn. Hindi naman ako naiinis dahil nakita ko silang nagkayakap. For sure, naiinis ako kasi hindi ko alam kung bakit kilala ako nung siraulong kayakap nito. Tama. Yun lang talaga yun.
"Really? Hindi ka kasi naku-kwento ng isang ito samin." Natatawang sabi ni Shai at saka tumuro sa'kin. Natawa nalang ako kunyare kahit gusto ko nang tapyasin yung braso ni Austin dahil kanina pa siya nakalambitin dun.
"Syfer is Syfer." Napansin kong nakatingin sa'kin si Jae Kyline pero hindi ko siya nilingon. "He's secretive as ever." She then chuckled. Kung sabihin niya 'yon parang kilalang kilala niya ako. Sa bagay, hindi na ako magtataka dahil witch naman ang isang 'to.
Natawa si Shai. "That's true! Lagi namang ganyan yang lalaking 'yan. Sa totoo lang, sobrang natuwa talaga ako nung nalaman ko kay Densel na may girlfriend na siya. Simula kasi nung magkakilala kami nung college, wala naman akong nakitang kasama niyang babae. He's always so snobbishsnobbish kaya hindi siya malapitan ng ibang girls."
Natawa rin ako sa kwento niya. "Hindi naman."
"Dude, totoo 'yun. Hwag ka nang magkaila. Akala ko nga dati, ako ang type mo e. Sakin ka kasi laging nakabuntot. Pfft." Sabi naman ni Densel kaya natawa rin si Austin.
"Mga gago." Inis na sabi ko. Napansin ko ring tumatawa yung katabi ko kaya tinignan ko rin siya ng masama. But she just stick her tongue out. What the?
Jae Kyline's POVNatatawa lang kami ni Shai habang inaasar nila Austin at Densel si Syfer. Si Syfer naman, mukhang pikon na pikon rin. Napakapikunin talaga ng isang 'to. Parang kahit yata ngitian mo lang siya, mapipikon pa rin.
Nabaling ang atensyon ko sa cocktail na nasa harap ni Shai. Kanina ko pang napapansin na hindi niya 'yon iniinom samantalang ako, kanina pa nila binibigyan ng beer at cocktails. Medyo nararamdaman ko na nga yung epekto ng alak sa sistema ko.
"Bakit hindi mo iniinom yung sa'yo, Shai?" Takang tanong ko kay Shai. Nabaling naman ang atensyon ng lahat saming dalawa. Ngumiti si Shai at mas lalong pumulupot sa asawa niya. Mahal talaga nila ang isa't isa. At hindi ko magets, kung bakit kailangang sirain ni Syfer 'yun.
"We're actually planning to have a baby as soon as possible and in-advice ng OB ko na umiwas muna ako sa mga alcohol beverages." She said happily.
