Chapter 4
Jae Kyline's POV
"Witch? Ginagago mo ba ako?" Nakakunot na noong tanong niya. Yung totoo? Pagkatapos ng lahat ng pinakita ko sa kanya, hindi pa rin siya naniniwala? E kung itapon ko kaya siya sa ibang planeta nang hindi siya magduda?
I glared at him. "Gusto mo ng patunay? Kaya kong sirain ang buong building na 'to sa isang kumpas lang ng broomstick ko. Gusto mo?" Mukha siyang nagulat kaya hindi siya agad nakapagreact. Itinaas ko naman ang broomstick ko para takutin siya. Hindi ko naman gagawin 'yon dahil labag sa batas namin. Gusto ko lang makitang natatakot siya pero wrong decision yata ang ginawa ko dahil bigla siyang tumakbo palapit sa'kin.
"Teka!" Sigaw niya. Dahil nagulat ako sa ginawa niya, kusa akong napaatras. Kaso, pader na pala ang nasa likod ko kaya nacorner niya ako. Hawak niya ang kanang kamay ko na may hawak na broomstick at dinikit naman niya sa wall ang isa na halos katapat lang ng ulo ko. Sobrang lapit rin ng mukha niya sa mukha ko kaya hindi ako makagalaw dahil magdidikit ang mga mukha namin kapag ginawa ko 'yun. What the welsh? Ano'ng ginagawa ng isang 'to?
"Ano ba?!" Inis na sabi ko dahil hindi pa rin siya umiimik makalipas ang ilang segundo. At kasabay ng pagsigaw ko ang pagtilapon niya palayo sa'kin. Tumama siya sa mismong lamesa kaya muntik nang mabasag yun kung hindi ko siya napalutang. Oh my. Hindi ko rin inaasahan ang nangyari dahil hindi ko naman intensyon na gamitan siya ng Light. Siguro dahil lang rin yun sa mixed emotions na naramdaman ko dahil sa ginawa niya.
"Damn! Are you trying to kill me?!" Inis na inis na sabi niya. Pakiramdam ko, bunalik ako sa realidad nang dahil sa nakakainis na sigaw niya kaya napatingin ako sa kanya. Namumutla siya at parang nabigla rin siya sa nangyari habang nakalutang pa rin sa itaas ng lamesa. Inirapan ko siya nang dahil sa sinabi niya. Buti nga niligtas ko pa siya. Dapat magpasalamat siya sa'kin! "Put me down, woman!"
"Fine. Pelunos!"
"Ouch! Fuck it!" Daing niya.
Dahil sa inis ko, basta ko nalang tinanggal yung spell na nilagay ko sa kanya kaya basta nalang siya bumagsak dun sa table. Buti nalang, matibay yung salamin dun kaya hindi agad nabasag. Medyo malaking tao pa naman siya.
"Ano? Naniniwala ka na bang witch ako?" Tanong ko sa kanya habang bumababa siya sa lamesa at hawak ang likod niya. Tinignan naman niya ako ng masama.
"Oo na. Ngayon," bigla siyang lumapit sa'kin pero hindi na yung katulad kanina. "Pwede ka na bang umalis?" Seryosong tanong niya.
Umiling ako. "Nope. Kailangan kitang bantayan dahil baka ipagsabi mo ang pagkatao ko." Mukhang nafrustrate na naman siya nang dahil sa sinabi ko. "At saka kailangan mo pa ako para sa party mamaya. Remember? I'm your girlfriend." Pagpapaalala ko sa kanta.
Naningkit ang mata niya dahil sa sinabi ko. Pero napabuntong hininga rin siya kalaunan. "Fine." Napangiti ako dahil sa pagpayag niya. "Pero hindi ako naniniwalang babantayan mo lang ako. May iba ka pang motibo kaya ka nandito. Tell me what it is." diretsong sabi niya.
Natahimik ako. Bukod sa gusto ko siyang parusahan, ano pa nga ba ang ginagawa ko rito? Kanina, nasaktan ko na ang damdamin niya. Nasaktan ko na rin siya physically, nagsorry na siya at natakot sa'kin. Pero bakit ko pa nga ba ipinakilala ang sarili ko na girlfriend niya? Ano pa nga bang motibo ko? Simple. Dahil pakiramdam ko, siya ang makakasagot ng mga tanong ko. Yung mga sinasabi ni Yana sa'kin na kinalimutan ko. Hindi ko alam kung bakit ko naisip yun. Maybe, I just really know.
"Bakit hindi ka makapagsalita, babae? Hindi ka pa ba satisfied sa mga ginagawa mo sa'kin ngayon? Tingin ko naman, bayad na ako diba? Pero bakit ka pa ba nandito?" Sobrang seryoso ng mukha niya ngayon. At alam kong wala akong kawala sa mga tanong niya kaya kailangan ko nalang talagang sumagot sa ayaw o gusto ko.