"Kuya paki-ayos po nung sign!"
Kailan nga lang magkaka-restaurant baliko pa yung pangalan. Halos 5 taon ko pinag-ipunan tong ktv bar ko. Maganda man pakinggan, nakakapagod maging chef sa barko. Animoy mga tao nakikikain na lang nga sa luto mo, nagrereklamo pa. Ang kapal!
"Hoi Kaira! Dumating na yung delivery para sa beer. San ko ba ilalagay to?"
Makapag-sigaw naman tong gagang to.
"Diyan lang sa gilid. Kakadating mo lang, sumisigaw ka na kaagad."
"Of course! It's me, the only Kathy you will ever know!"
"Ang feeling mo ate, di lang naman ikaw ang nag-iisang Kathy sa mundo."
Kakauwi lang ni ate Kathy galing sa trabaho, laging nasa ibang bansa, ang sosyal naman kasi ng flight attendant na yan. Nag bigay rin siya ng investment para sa business ko, actually di naman investment, kusang nag-bigay siya ng pagdagdag sa expenses dahil ang mahal narin magkabusiness sa panahon ngayon.
"Ate, malapit mabuo pangarap ko. Ako na yung boss!"
Sabay pakita ng susi ng restaurant. Ang tagal kong hinintay to. Sampung taon, laging nadadagdagan ang responsibilidad ko. Sa pamilya, sa bahay, alam mo na, adult things.
"Oh ano, magbukas ka na kaya ngayon? Nothing is ever too early to try something new."
Ang enthusiastic talaga ni ate kahit kailan pero why not diba, totoo naman sinabi niya. Nilapitan ko ang pintuan, at binuksan ito. Papalakad nako paalis nang marinig kong bumukas ang pinto. Hala! May customer kaagad ako!
"Welcome to PP!..g bar"
Parang may pumipisil sa lalamunan ko't nahihirapan akong magsalita. Nandito siya sa harap ko. Ang nag-iisang lalaki na nagmamay-ari ng puso ko. Ang lalaking nag pangakong di ako sasaktan. Bakit, bakit ngayon pa, kung kailan masaya't kuntento na ako.
"Kaira..."
Di ko na namalayan at biglang tumulo ang mga-luha ko. Ramdam ko pa rin ang sakit na idinulot mo, bat ka bumalik, hayop ka.
![](https://img.wattpad.com/cover/339914337-288-k682e9d.jpg)