Mas lalo akong nainis sa sinabi niya. Bat ko naman siya titingnan, nakakasunog ng mata kapangitan niya.
"Pake mo ba? Close tayo?"
"Bakit hindi? I'm chill yk"
Ang cringe niya.
"Kung chill ka, edi dun ka sa ref tumambay. Bwisit!" Padabog akong umalis sa tabi niya, at tumakbo papunta kina Raine.
"Oh ba't nandito ka, baka magiging lonely yung bf mo." Konti nalang masasampal ko na tong gagang to.
"Raine, pwede ba, di ko type yun, ang pangit niya, lagi siyang lumalapit, kumukuha ng pagkain ko, nanghihingi assignments. Sinong magkakagusto sa ganon!?" Sinabi ko sa kanya, halos mawalan ako ng hininga.
"Oa mo teh, nag jojoke lang naman ako." Mabuti sana kung nakakatawa.
"I just think you guys look great together, kaya ko kayo siniship" Ever since nung lumapit si Kurt sa table namin, dun siya nagsimulang tuksuin kami. Feeling close sakin si Kurt, kadiri.
Nung pabalik na kami sa lunch table, nakaalis na si Kurt. Sa wakas, thank you lord. Nandun na siya sa isang friend group niya na ka-close ko rin yung mga tao. That's how we met actually. Kaibigan siya ng mga kaibigan ko. Nung nag-ring na yung bell, naunang umalis si Raine at Xav dahil medyo malayo pa mga classroom nila. Kaya ako nalang natira, ang mag-isa akong naglakad sa klase. Or so I thought, nandito nanaman tong tipaklong na to. Nung naka-habol siya sakin, inakbayan niya ako, tuloy malapit nako ma-outbalance. Nahulog na sana kaming dalawa.
"Nahirapan akong hanapin ka, all i did was to look at the floor, and there you were!" Pang-aasar niya sa height ko.
"Please lang, maliit ka rin" Sabi ko habang nilalapit ang palad ko sa mukha niya. Yung parang stop ganon.
"Pero mas maliit ka lol" natawa pa.
Papasok na kami ng classroom at naupo. Habang nilabas ko ang mga gamit ko, may naramdaman akong tumabi sakin. Akala ko si EJ, kaso si Kurt nanaman pala. Tahimik lang na nagsusulat.
Isang oras na nakalipas at bored na bored parin ako. Activity time na ngayon, kaya nag-aanswer lang kami ng worksheets. Kaso nakakatamad gawin kaya nagtiktok nalang ako. Tahimik parin si Kurt, nagsusulat.
"What are you looking at?" Biglang sabi niya.
Nagulat ako dahil di ko inexpect na mapapansin niya pala.
"Ah, wala lang. Bored ako eh" Excuse ko sa kanya. At bumalik na sa pinapanood kong tiktok.
"Hey, when were you born? I'm tryna know who's older" Sabi niya sakin.
"Feb, ikaw?"
"August. Ate pala kita eh. Wassup ate." Pota ang feeling niya talaga.