Chapter 1

13 2 4
                                        

"HOI LIIT!"

Umaalingawngaw nanaman ang boses ng gagong to. Pwede bang wag niya na akong kausapin. 

"ANO NANAMAN, NAKAKABWISIT KA NA!"

Tumakbo siya papalapit sa table namin. Nungpapalapit na samin, umupo siya sa tabi ko, at kumuha ng lunch ko ng walang paalam.

"Galit ka nanaman, ano ba ginawa ko." Sinabi niya habang ngumunguya.

Sinong hindi magagalit? Lagi nalang siyang ganito. Tatawagin akong maliit, tas kukuha ng pagkain ko. Helloooo???? Gutom rin yung tao. Kapag wala naman sa cafeteria, nasa classroom nanghihingi ng sagot sa mga assignment. Kaso ako rin eh, kaya pinapalusot ko nalang. Matalino siya, tamad ngalang.

"Gutom ako eh, tas bigla kang kukuha ng pagkain ko." Painis kong sinabi para alam niyang di ko nagugustuhan yon.

"Sorry naman, gutom rin ako eh. Kaso di nanaman ako nabigyan ng baon." Sabi niya habang patuloy paring nakikikain.

Pasalamat siya hahayaan ko siya ngayon, of course! Mabait ako eh. Habang kumakain, napansin kong nakatitig nanaman tong si Raine. Tumingin ako sa kanya. Patukso nanaman ang ngiti ng gagang to. Ewan ko ba ano nakikita niya samin at sini-ship kami, eh ang pangit ng Kurt na to. Pati pangalan niya ang asim ew! Sinensayan ko si Raine na itigil niya baka makita ni Kurt pinanggagawa niya. Baka isipin may gusto ako sa kanya, nakakadiri talaga.

"Uy Kaira, bibili lang kami pag-kain in Xav, gutom pako eh hihi." Sinabi niya at hinatak si Xav palayo.

Kami nalang ni Kurt naiwan sa table. Ang quiet kasi di naman kami close nito.

"Magje-jeep ka ba pauwi mamaya?" Sinabi niya.

"Oo, di ako masusundo ni papa today, may trabaho" Sabi ko, hindi parin nakatingin sa kanya.

"Ah..." Sabay hablot ng bag ko. Nagulat ako pero nahawakan ko pa yung bag bago niya mabuksan.

"Ano ba!"

"Ayan, tumingin ka na din" Malawak ang ngiti sa mukha niya.

Ang Beer Na To'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon