Losing Natsume

202 8 3
                                    

Natsume’s POV:

*1 message received*

Hindi ko alam kung bakit masama ang kutob ko sa message na ito. Ganon pa man ay binuksan ko parin ito at binasa. Nagulat na lamang ako sa litratong ipinadala sa text at sa mensaheng kasama nito.

“From: +639*********

*picture*

She’s not as innocent as what you’ve known her.”

I don’t know what to feel. May nagsasabi sa akin na dapat akong magalit pero hindi ko ito magawa.

I need to confirm. And I want her to do it for me.

Tumayo ako at agad na tumungo sa katabing restaurant ng condo naming. Lumabas saglit si Diana kanina kaya sa restaurant ko na rin siya tatagpuin.

Handa na ako sa kung ano man ang katotohanan, basta’t sa kaniya ko mismo ito maririnig.

Diana’s POV:

I’m here at this small grocery store near our condo unit, wearing my disguise. Hindi ko pa nasasabi pero isa akong model and I’m pretty famous in the industry. Kaya kailangan kong magsuot ng cap at jacket ngayon.

Yeah, yeah. I kinda look like a magnanakaw or tanod or something, but my life requires me to do this.

Pero maganda pa rin naman ako. True beauty is found in simplicity of things. Diba?

*1 message received*

“Di, I’ll meet you sa katabing restaurant ng condo natin. Go straight there. Ingat ka.”

“Aww. Ang sweet talaga ni Natto. May pa- date date pang nalalaman in the middle of the day.” Ngiting ngiting sabi ko sa sarili.

Madali kong tinungo ang restaurant na sabi niya. Halos mailipad na nga ang cap na suot ko dahilan sa mabilis kong pagkilos. Bumagal lang ako sa paglakad ng matanaw ko na siya.

Bakit di pa siya pumapasok sa loob?

“Natto, don’t you want to come inside? Gutom na rin—“

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mapansin kong seryoso ang mukha nito.

“Is something wrong?”

“Yes. No.”

“Huh?”

“I need you to be honest with me, Di.”

“I always am.”

Wala siyang imik.

“Is something wrong?”  I asked him again with panic starting to crawl over me.

“That night when I asked you to come over to our condo, to ask you to come back, were you with someone? Were you with a… a guy?” At agad niyang nilihis ang tingin niya sakin.

“No. Are you kidding me?! San mo naman nakuha yan?” Tawa tawa kong sagot sa kaniya.

Ni sila Denise nga hindi alam na nagbar ako that night. So imposibleng may kasama ako non. I did not get that drunk either.

“Someone sent me a picture of you that night… with a guy.”

Hindi ko alam kung anong sinasabi niya. Naguguluhan ako, at maging ako ay di ko na rin alam ang sasabihin ko.

“Wala akong ibang kasama non. I didn’t even bother to call Emily or Denise na kasi wala akong balak magbar talaga that night.”

“Bar. So nasa bar ka? Mag- isa?”

The Lost Passion (BB FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon