THIRD PERSON:
Pinaghandaan ng Shinigami Gang ang kanilang pagbalik sa Pilipinas.
Alam ni Taki na hindi sasama si Natsume sa pagbalik sa Pilipinas kaya’t idinahilan nito ang isang pekeng kasal ni Diana at Jarvis.
Mahal pa rin ni Natsume si Diana kaya’t nang malaman nito ang tungkol sa engagement ni Jarvis at Diana ay nagmadali itong umuwi ng Pilipinas kahit hindi pa niya sigurado kung ito nga ay totoo.
Pagdating naman sa Pilipinas ay agad siyang nagpatawag ng meeting kasama ang kanyang mga underlings. Humingi siya ng updates tungkol sa mga nangyari sa Pilipinas habang nasa Japan siya. Dito niya napag-alaman na walang katotohanan ang pinagsasabi ni Taki sa kanya. Walang kasalan ang magaganap. Isa lamang itong patibong kay Natsume upang maisakatuparan ni Taki ang mga plano niyang pagsugod sa Black Dragon Gang.
Bakit gusto ni Taki na kasama si Natsume? Papalabasin niyang si Natsume ang bagong leader ng Shinigami. Hindi maaring si Rei dahil iniwan na nga nito ang puwesto. Hindi rin pupwede ang anak ng mafia leader na si Ryuuji dahil may mga nakatakda na itong tungkulin sa labas ng mundo ng gangs.
Maliban kay Taki ay si Natsume nalang ang pupwedeng maging leader ng Shinigami. Dahil si Taki, pinaplano niyang mapaniwala si Jarvis na kaya niyang kumbinsihin si Natsume na pag-isahin ang Black Dragon Gang at Shinigami Gang.
Gagamitin naman ni Taki bilang pain si Diana upang mapasunod si Natsume.
Matagal nang alam ni Natsume ang planong ito ni Taki, na sakupin ang buong Pilipinas sa pamamagitan ng pakikiisa sa Black Dragon. Ngunit mahirap din ito sapagka’t hindi buo ang tiwala ni Jarvis kay Taki, ang dating matalik na pagkakaibigan.
Ang paniniwala kasi ni Jarvis ay sa Shinigami na ang loyalty ni Taki kaya’t nagalit ito kay Taki.
Sa muling pagkikita nilang lahat, sigurado si Taki na magtatagumpay siya sa kanyang balak.
DIANA’S POV:
“What are they doing now?” tanong ko sa sarili ko. Kanina pa ako dito sa likod ng van. “Ang dami namang lamok dito.”
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari. “Paanong andito si Taki at nag-uusap sila ni Natsume sa basement nitong mall?”
Di ko naman namalayan na dumating ang isa pang lalake na matangkad at makalaglag panty at bra ang kagwapuhan.
“Whoever he is, he is so f*ckable!” Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya’t nasambit ko iyon. “Pero loyal pa din ako sa Natto ko.”
Para na akong tanga dito na nagsasalita mag-isa.
I put out my phone and tried to contact Faye, but to my dismay, walang signal sa kinatatayuan ko. Kahit nga itinaas ko na ang cellphone ko ay wala parin akong masagap na signal.
Pero may nasagap ang mga mata ko. Ang paparating na Black Dragon Gang.
BINABASA MO ANG
The Lost Passion (BB FanFic)
FanfictionThe Lost Passion is a fanfiction for Rose Sorority's Red Rose the Passion, DIANA SWAYZE and Shinigami's Tora, NATSUME BLUE. That's all. BB Story: http://www.wattpad.com/story/614025