Finding Natsume

77 4 2
                                    

THIRD PERSON POV:

Natuloy nga ang planong paglipad nina Diana patungong Japan.

Di sila nag- aksaya ng panahon upang mahanap si Natsume.

Pagkalapag palang ng eroplano, tinawagan na ni Diana ang kaibigan ng manager niya dito sa Japan para magpatulong sa pagpasok sa White Tiger University.

Wala mang kasiguraduhan kung nandoon si Natsume, buong loob na tinungo niya ito kasama si Emily.

Si Denise, ano pa nga ba?

“You guys, iwan you nalang me dito. I will punta nalang sa mall kasi me will not be a big help naman sa inyo. Me will antay for your tawag nalang, or if it’s midnight na and you’re wala pa din, I will punta dun sa friend ni manager ni Diana. Kate is her name diba? I know her name na so it’s okay. Me is kakilala na siya. No worries, I know what to gawa na. I’m no bata na here. You shooo shooo na! Good luck!”

Nagpaiwan nga si Denise. Hindi na rin siya pinilit pa nang dalawa na sumama dahil gabi na at kailangan na nilang magmadali.

After several turns, nahanap na din nila ang daan papuntang West gate ng White Tiger. Medyo madilim sa daan pero nakatulong naman ang maliwanag na checkpoint mga isang kilometro pa bago ang mismong gate.

“Shikibetsu kado wa, onegaishimasu.”  Hiningian sila ng ID cards ng mga nagbabantay. Inabot naman ni Diana ang ID cards nila ni Emily.

“Ugh! Hindi ba nila ako namumukhaan?!” Iritang bulong ni Emily na nagpakunot sa noo ni Diana.

“Have you been here? Bakit ka nila mamumukhaan?”

“It’s a… family thing. My mom and dad is a good friend of Japan’s prime minister. They m-met sa isang convention sa China.”  Emily stammers as she explains to Diana.

Of course, dapat kilala si Emily bilang kaisa isang anak na babae ng Lockharts sa henerasyon ngayon.

At hindi nga nagkamali si Emily, “Our apologies, Lady Emily, Do you want us to escort you and your friend?”

“No need. Arigato.” She replied, while looking smug.

Nang makalayo na sila sa checkpoint nagtanong sa kanya si Diana na ikinatawa nalang ni Emily.

“What’s with the face, LADY Emily.” Diana emphasized the word Lady. Miminsan nalang kasi may tumawag noon kay Emily.

Sa halos isang taong pamamalagi ni Emily sa Pilipinas, nakasanayan niya na ang simpleng pamumuhay. Simpleng mayaman ang dating niya.

“Nothing. Why?”

“Ibang klase ka pala when someone calls you Lady. Bigla bigla kang nagmamature.”

“Diana, what you saw and heard earlier… atin atin lang yon ha?”

“Sure! Oh ano, ready? Andito na tayo.”

“Leave it to me, Di.”

Si Emily na ang kumausap sa security ng West Gate. Mas mapapadali kasi kung gagamitin niya ang impluwensiyang dala ng pagiging Lockhart niya.

Nang tinanong sila kung ano daw ba ang dahilan bakit nagpunta silang White Tiger at that time of the night, idinahilan nalang ni Emily na gusto lang niyang bumisita bilang malapit na rin naman sila sa lugar.

Agad agad naman silang pinapasok. Emily had to separate to Diana to give her more time to look for Natsume while she gives her greetings to the “Head” of the school.

(EMIANISE: Pakipansin na di ko na binibigyan ng masyadong details ang mga bagay bagay haha Straight to the point na kasi…)

Inside that building, Diana saw a familiar guy looking back at her. Pero hindi niya mamukhaan ito dahil sa madilim sa lugar kung saan ito nakatayo at maliwanag naman sa kinatatayuan ni Diana.

The Lost Passion (BB FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon