TOM RAMOS’ POV (Earlier):
Nagbabasa ako ng dyaryo nang may mareceive akong email.
White Tiger ang pangalan ng nagpadala.
Narinig ko na iyon ngunit hindi na ako nag abala pang alalahanin dahil agad agad ko nang binasa ang laman ng email.
“…Tora.”
Yun nalang ang nasabi ko bago ko tunguhin si Diana.
DIANA’S POV (PRESENT):
“He’s in Japan right now with his family.”
Hindi ako nagulat na nasa Japan siya. But I was shocked that he is with his family. Sa lahat ng araw na nagkasama kami, he never mentioned his family to me.
Nahiya na rin akong magtanong at naghintay na lang na siya mismo ang magsabi sakin. Kahit mukhang wala siyang balak sabihin sakin ang tungkol sa pamilya niya, umasa pa rin ako.
Role ko ata ang umasa nang umasa sa mga bagay bagay.
There’s something in him na hindi ko maipaliwanag pero alam kong pwedeng bumago ng mundo ko, mundo namin. O baka praning lang ako?
Kaya nagulat ako na kasama niya ang pamilya niya ngayon. Di kaya naghahanda lang siya to introduce me to them? Baka ipapakilala niya na ako bilang mapapangasawa niya!
“Diana, are you still with me?”
Andito pa pala si Tom. I almost forgot about him.
“Of course. Nagtataka lang ako. He never mentioned his family to me.” I told him na parang tinatanong ko rin ang sarili ko kung bakit nga ba hindi man lang sakin nakwento ni Natto ang about sa family niya.
I’m so curious, it’s killing me inside!
“Yun na nga ang sinasabi ko, kasama niya ang pamilya niya. And according sa email na natanggap ko, hindi Blue ang family name niya. Weird nga eh.”
“WHAAAAT?! You mean, dummy siya? A-ang ibig kong sabihin, posibleng fake ang pagpapakilala niya sakin? Tell me it’s not that way!” Nooo! Hindi ako kayang lokohin ni Natto.
“I’m not saying niloko ka niya. Natsume Blue Saisuke ang full name niya. Hindi niya lang nasabi ang tungkol sa pagiging Saisuke niya, pero totoo ang pagiging Blue niya.” Pagpapaliwanag sa akin ni Tom. Pero hindi naman ako naliwanagan. Mas naguluhan pa ako.
“Saisuke? You mean, the family of the Prime Minister of Japan? Teka teka teka, anong ibig sabihin nito?”
“Walang nasabi sa email, Diana. Pero may nabanggit dun na pangalang Tora. Di ko sigurado kung pangalan yan ng tao o pangalan yan ng lugar, bagay, building. Hindi ko talaga alam. Pero yung nagsend ng email, parang narinig ko na siya,”
Napaisip ako kung anong Tora ang sinasabi niya. Tunog sasakyan siya. Hmmm.
“White Tiger ang sender… Sure ako nadinig ko na yun somewhere.” Pagpapatuloy ni Tom.
“Yun din ang pangalan ng University na pagmamay- ari ng Prime Minister ng Japan. It’s quite famous kaya siguro nadinig mo na. Hindi ka basta bastang makakapasok dun kung wala kang connection sa kahit sino sa mga Saisuke. Famous yet very private.” I remember nabanggit sa akin to ni Natsume when we were talking about Japan for a vacation.
“Siguro nga. Maybe he goes there? Saisuke siya diba. Malamang nandun siya. Kung hahanapin mo man siya—“
“It means I have to go to White Tiger University if I want to see Natsume!” Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Tom.
BINABASA MO ANG
The Lost Passion (BB FanFic)
FanfictionThe Lost Passion is a fanfiction for Rose Sorority's Red Rose the Passion, DIANA SWAYZE and Shinigami's Tora, NATSUME BLUE. That's all. BB Story: http://www.wattpad.com/story/614025