Umuwi akong may baong ngiting di ko maalis sa aking mga labi. EHEHEHE LALIM
Pero duh. Kung crush mo kaya uminom sa ininuman mong tubig, di ka ba magpa-party?
Pagadating ko sa bahay nagmano ako kina mama at papa at dumiretso sa kwarto ko at nagpalit.
"Xiela! Kain na!" tawag ni mama sa akin.
"Opo! Ayan na." kaya dali-dali na akong bumaba at mabilis na tinapos ang aking hapunan.
Syempre, wala akong takas sa mga pinggan kaya dali-dali ko ding hinugasan at pagkatapos ay dumiretso na sa kwarto ko.
"Huy Xie, nagmamadali ka?" tanong ni ate ng maabutan niya ako sa may pinto ng kwarto ko.
"Hehe inaantok na ako ate. Bye. Goodnight." dali-dali akong pumasok at sinubukan ko siyang sarahan ng pintuan pero naisingit niya pa rin yung ulo niya. Tsk.
"Ulul. Wag mo nga akong gaguhin. Inaantok kang sobrang hyper mo pa? Hah!"
Pinipilit niya pa ring pumasok sa kwarto ko at pilit ko din isara ang pinto.
"Pake mo ba ate? Bago yun ngayon. Kaya chupi ka na wag kang makulit UGHHHH"
Tangina ha ang kulit din ng ate ko jusko.
"Hmm? May tinatago ka ba?? MAAAAA! PA--"
Walang awang hinigit ko si Ate Kee papasok sa kwarto ko at sinara ang pinto.
"HEHEHEHEHE"
"Tsk. Now, what do you want?"
"Now. Tell me."
"Ha? Tell you what? Gaaah"
"May tinatago ka eh."
"Wala akong tinatago kaya wala akong sasabihin. Wala ka ring kailangan malaman. As if may pake. Pwe."
*tok tok tok*
Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si mama na may hinihintay na sabihin mula sa amin.
"Bakit ma?" tanong ko at nilingon si ate na nakangiting-aso.
"Tinatawag niyo ko diba?"
Bago magsalita si ate, pinandilatan ko siya. Aish. Pakialamera talaga. Nakakainis.
"Uhm, wala ma. Kinukulit ko lang 'tong si Xiela."
"Gabi na ha. Umayos kayo."
"Opo." sagot naming pareho ni Ate Kee.
Pagkaalis ni mama pinalabas ko na din si ate. Pinipilit niya pa na may tinatago ako. Err, wala na man eh.
Nahiga ako agad sa kama at kinapa ko yung cellphone kong iniwan ko dito sa kama.
Bago kami lumabas ni Bianca sa gym kanina, sumigaw pa si Ashen ng "Text-text nalang maya Xiela! Haha! Bye!"
May HAHA pa ano ba yun? lol Di ko alam kung inaasar niya ba ako o ano. Bahala na nga.
(TEXT CONVO)
X: Hi Ashen! Congrats nga pala!
Naghintay pa akong ng mga 5 min. bago ako nakatanggap ng reply sa kanya.
A: Uy Xie. Thankyou nga pala sa panonood kanina :)
X: Ok lang. Natuwa naman ako eh.
A: Hehe. Thankyou din sa tubig. Lol
X: Bilis mo ah! Hahaha! Oo nga pala, bakit mo 'ko inimbitahan?
And again, another 5 minutes...
A: Kasi new friend kita? Haha bakit ayaw mo ba? :(
X: Drama mo! Sinabi ko na ngang natuwa ako sa game diba? Ay nice meeting you new friend! Lol
Nagtagal pa ang convo namin ni Ashen umabot na nga kame ng 12am ng di ko namamalayan. Enjoy naman siyang kausap. Masyadong mabilis mabago ang mga topic na pinag-uusapan namin at isa yon sa mga nagustuhan ko kasi di ako nabored katext siya. Hehe. From hobbies namin to ano ang una naming ginagawa pagkagising sa umaga.
Habang naghihintay sa reply niya biglang tumunog yung phone ko
Ashen calling...
SASAGUTIN KO BA O ANO? BOBO MO NAMAN XIELA. BAKA MAGISING KO SINA MAMA? EEEEHHH~
"Uhm...hello?" hininaan ko lang boses ko tinakpan ko pa nga ng unan yung mukha ko habang kausap ko si Ashen sa kabilang linya.
"Inaantok ka na? Haha!"
"Ah medyo? Napatawag ka? Pwede ko na bang ibaba? Kung okay lang? Hehehehehehe"
"Ha? Bakit Xiela" mukhang naghihinayang naman yung boses niya.
"Eeeh baka magising ko sila mama."
"Hahaha! Sige na. Gusto ko lang marinig boses mo sa madaling araw."
"What the-- ge na. Goodnight. Nangungulit ka lang eh."
"Hahaha di ah. Ge goodnight."
Naghihintayan ata kami kung sino unang mage-end ng call kaya naman ako nalang ang gumawa.
"Di pa ibaba eh. Goodnight na. BYE." tsaka ko pinindot ang end call.
Itatabi ko na sana ang cellphone ko pero umilaw pa ito ulit at nakita ko ang pangalan ni Ashen.
Thankyou sa time. Saya mong kausap Xiela. Goodnight! :)
Why do late night convos felt so good? Iba siya sa ibang time ng pagtetext. Mas nakaka-lighten up ng mood. Isa na rin siguro dun na mismong crush mo, katext mo.
All i know right now is, i like how it feels. Not to mention what kind of feelings i had.
May mawawala ba kapag ako unang nagsabi sa kanya na gusto ko siya?
After all, i don't know if he also feels the same way. Maybe he felt nothing?
---------
Sorry nga pala if may mga typos sa last chapters. Hehe
vote xx comment
thankyou!
- Jae
BINABASA MO ANG
I exist..
RomanceI'm so tired, that i just wanna give up on everything...Hi crush, i exist.