Chapter 5

42 2 5
                                    

Nakakasuka. Ugh.

ANG OA KO ANAK NG TOKWA. SAAN KO KAYA NAHUGOT YUNG LAKAS NG LOOB KO PARA MAITEXT SIYA. JUSKO XIELA.

Ilang segundo lang tumunog na ang cellphone ko.

From: Ashen

Sino to?

Ayoko na replayan. Huhu. Sorry Ashen. Gustuhin ko mang makatext ka pero mas gugustuhin kong may mukha pa akong ihaharap sayo.

Eh sa nakakahiya. Huhu :'( pigilan mo sarili mo Xie.

Nakakagago pala yung ganito no? Sa una lang malakas ang loob, pero pagkatapos aatras din. Hayy.

Kinaumagahan, pagpasok ko palang sinalubong na ako agad ni Bianca.

"XIEEEEE! KWENTO NA DALI YES NAMAN LUMALANDI! AHIHI"

Nabatukan ko nga. Aba aga-aga ipagsigawan ba namang lumalandi ako ABA MASAYANG PAMBUNGAD BIANCA PAKYU KA. Pero syempre iba yung mini-mean niya. Bobo lang magseseryoso nun.

"Wow bianca, paupuin mo po muna ako kung okay lang? Kaloka ka."

Kaya naman pagkalagay ko ng mga gamit ko, hinigit na ako ni Bianca at sa labas ng classroom kame nag-chikahan. Ganito kame pag umaga. Hehe

"So ano na?" and a scary smile flashed on her face.

"Anong ano na?"

"Gaga! Yung convo niyo ni Ashen ayeeee"

"Wala."

"Anong wala? Go and spill na. Share din."

"Wala nga. Di ko nireplayan."

"Aba naman. Ikaw pa nang-snob ganon?"

"Di ganon. Oo na ako unang nagtext. Tapos nag-reply siya. Then, di ko na nireplayan. Di ko alam pero parang nahiya na ako eh. Iniisip ko palang na magkikita kame dito sa school."

"O tapos? Bakit pala kung magkita kayo?"

"Basta. Nakakahiya."

"La kang kwenta."

Nasabunutan ko nga. Gaga to. Edi siya nalang magtext!

"Aray naman Xie. Syempre joke lang. Try mo nalang ulit next time kung kaya mo na. Hiya hiya pa kasi eh."

Papasok na sana ako ng room kaso hinigit ulit ako ni Bianca. ANO BA TALAGA PROBLEMA NG BABAENG TO AT AGA-AGA NANGHIHIGIT

"XIE! SI ASHEN OH!"

Napalunok ako nang lingunin ko si Ashen. Gusto kong magtago dahil sa ginawa ni Bianca. Halata na eh. Ugh. Feeling ko tumigil ang oras ng magsalubong ang mga tingin namin. Masyadong mainstream na ang mga moment na ganito. But what can i do? This is so usual but the beat of my heart, just no. Sobrang bilis na parang anytime biglang titigil.

It's like a snap na bigla ako natauhan at kailangan ko ring mag react.

"Uhmm...Uyy! Hello Ashen! Hehe" i even smiled. Pero di ko pa rin mapigilan ang biglang mapalunok.

"Ashen! Si Xiela nga pala yung nagtext sayo kagabi!"

Kung sa ibang storya gusto ko ng magpalamon sa lupa dahil sa hiya, ibahin niyo ako. Si Bianca ang gusto kong ipalamon sa lupa! AYOKO NA TALAGA

Pero mas nagulat ako nang lumapit si Ashen sa amin at naka-ngiti.

"Shit."

Napamura ako dahil sa ngiti niya at dahil sa dimples niya na. Parang nakakalunod dahil sa lalim. Gusto kong matunaw ngayon din.

"Talaga? Mabuti naman kung ganon. Itetext kasi sana kita para imbitahan na manood ng game namin bukas."

And with that, siniko ako ni Bianca. Nakakapagtaka man lang na di niya tinanong kung pano ko nakuha ang number niya.

"Great! Clubbing naman bukas ng hapon since friday, so makakanood kame." masayang sagot ni Bianca.

Nag ring na ang bell dahil time na rin so nagpaalam na sa amin si Ashen.

Kinabukasan bago magsimula ang game, naisipan kong itext si Ashen. You know, a text like "break a leg" mga ganon. Hihi. Pero joke lang baka mamaya mapuruhan pa. Hahahaha

To: Ashen

GO ASHEN! GO ASHEN! Hehe. Goodluck sa game :)

Little did i know, nabasa ng katabi kong gagita ang text ko kay Ashen. Matrip rin ako so may tinayp ako sa phone.

MAMATAY NA MGA CHISMOSA. PAKYU.

"Hala Xie! Sinooooooo?" aba matigas din eh. Akalain niyong di natamaan.

"Check mo phone mo."

Tiningnan niya naman at binuksan ang message na galing sakin.

"Hehehe. Pero Xie, pfffffffft! Ang corny mo dun sa 'Go Ashen' HAHAHAHA Go sexylove nalang HAHAHAHAHA"

Hinayaan ko siyang mabaliw kakatawa bahala siya.

Natapos ang game na puro sigawan ang maririnig sa gym. Intense ng game. Thumbs up! Feeling ko tuloy namamaos ako dahil din sa kakasigaw kanina. Mismong students lang din ng South Academy ang kalaban. Kumbaga hinati lang sa dalawang team ang varsity. Isa sa mga activity ng club nila yung game kanina.

Saktong palabas ng gym nakasalubong namin si Ashen kasama ang ibang players.

May bitbit akong mineral water na nakakalahati pa ang laman. Binili ko to bago nagsimula ang game dahil alam kong matutuyo ang lalamunan ko. I cheered so hard for Ashen :p

Tinulak ako ni Bianca nang makalapit si Ashen sa amin kaya nabitawan ko ang hawak kong bote ng tubig.

And the next scene just made me feel like i can't move.

Mabilis na pinulot ni Ashen yung bote at saka ininuman. Binalik niya din sakin pagkatapos.

"Uhaw na ako eh. Hehe"

Who wouldn't missed this kind of moment?

Palalampasin ko ba naman ang indirect kiss?

Yeah. Mainstream. But who cares?

I wouldn't miss it for the world :')

----------------------

Vote x Comment. Hi guys! :)

-Jae

I exist..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon