Chapter 2

23 1 0
                                    

That stare...

"Feels like there are butterflies in my stomach.."


"Ano sabi mo? Nakalulon ka ng butterfly?"


Bigla akong natauhan nang magsalita si Bianca at hindi ko ito gaanong narinig.


"Ha? A-ano, wala.." nauutal kong sagot sa kanya.

"Ok. Ikaw nagsabi. WALA edi WALA. Tara kain na tayo." emphasizing WALA.

"Wala nga. Eto talaga." binuksan ko na ang baonan ko at nagsimula nang kumain. Nasa canteen kame ngayon ni Bianca at nagta-tanghalian.


Ba't parang ayaw matanggal sa isip ko yung mga titig niya? To think na, medyo malayo yung court sa kainatatayuan ko kahapon. Yung mga titig na...

So near yet so far.

Ay hinde. Gutom lang to. Ikain mo nalang yan Xiela >__________<


"To subtract b from a is to find c such that a=b+c blah blah blah..."


Math ang last subject at wala akong naiintindihan. Wala akong pake kay A o kay B at mas lalo wala akong pake kay C -__________-

Sinusulat ko yung mga examples sa board na kasalukuyang tinuturo sa amin ng aming guro. Kating-kati na akong umuwi. Aish.

Bigla akong napalingon sa pinto ng classroom dahil na rin sa ingay ng mga estudyante. At hindi ko akalain ang pagtama ng mga titig ko sa kanya...


Sa kanya ulit. Si guy-in-the-court.


I gulped. I don't even know why.

Bakit ba may kakaiba sa titig niya? His eyes with lots of emotions? I don't know, and i don't think so. Like duh. I don't even know his name.


Nilingon ko si Bianca na kanina pa ata ako kinakalabit.


"Ano?" tanong ko.


"Uwian na. OK KA LANG BA TALAGA?" kunot-noo niyang tanong sa akin


Lumingon ako ulit sa may pintuan, pero mukha yatang naka-alis na siya.


"May hinahanap ka ba Xie?" napatingin din si Bianca sa may pintuan.


"Ah eh, wala, wala. Hehe" inayos ko na mga gamit ko at inilagay sa bag ko. "Tara na Biancs."


"Andaya. May tinatago ka sakin eh."

"Tss." hinila ko na lamang si Bianca papalabas ng classroom…

Nauna nang umuwi si Ate Kee, kaya mag-isa akong uuwi ngayon.


"Kwento ka na dali." atat na atat si Bianca na malaman kung bakit medyo weird daw ako ngayong araw.


WEIRD. yeah

"Ano kasi, uhmm ka-"


"RAMOS nine." sabi ni Bianca out of the blue.


"Ha?" sinundan ko naman kung saan nakatingin si Bianca.


Si guy-in-the-court nakasuot ng jersey at RAMOS 09 ang nakalagay sa likod.

Napatingin ako ulit kay Bianca.


"Crush mo?" ewan ko. Biglang lumabas sa bibig ko eh.


"Crush agad? Bago ko lang kasi siya napansin sa practice ng varsity. Bagong player ata."


"Bianca!"


Nakita namin si Garry. Classmate namin na kasali sa varsity. Nakalimutan ko nga palang sabihin na member ng cheering squad dati etong si Bianca pero nag back-out ang gaga. Di ko alam bakit. Na stress ata XD


"Pengeng tubig." hingal na hingal si Garry. Basang-basa siya sa pawis.


"Tubig ka jan? Wala. Tsaka pauwi na kami. Kaya byebye na." tinarayan lang ni Bianca si Garry. Natawa tuloy ako.


Paalis na kame sa may court pero di ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para hanapin ko siya.


Hila-hila ako ni Bianca. Mukha tuloy akong bata.


"Bilis Xie." hinahanap ko pa rin siya kaya di ko masyado nilingon si Bianca na nasa harap ko at hila-hila pa rin ako.


*BOOGSH*

At dahil sa katangahan ko rin, di ko napansin na may taong nakabangga sa akin kaya napabitaw ako kay Bianca.

"Sorry." sandali kong natitigan ng malapitan ang mga mata niya dahil nagmamadali ata siya. Si RAMOS.


Leche ano ba to. Di ba nagsasawa mga mata ko sa titig niya? Tsk.

-------

Eto na muna XD

-Jae

I exist..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon