"Sorry..."
Halos paulit-ulit kong naaalala yang SORRY niya. Letche nakakatunaw.OA na kung OA.
"Naks ganda ng araw natin ah!"
Bati ni Bianca sa akin at tsaka tumabi sa inuupan ko. Nasa classroom kami ngayon at recess time.
"Ha? Bakit?"
"Aba malamang ibang klase yung ngiti mo Xie." TAE NAMBARA PA -_________-
"Pshh"
"Style mo bulok alam ko crush mo yung Ramos. Pa smile-smile ka pa ha. Nagdadalaga"
"Ewan ko sayo. Di ko yun crush no."
Katulad ng iba, nagde-deny din ako. Kung alam niyo lang bunganga ng Bianca na yan. Napaka. Lalabas na sana ako ng room bigla naman sumigaw si Bianca...
"Kapag yun dumaan jan sa hallway, meant to be kayo nun Xie. Hihi"
"BAHALA KA NA NGA BIANCS!"
Nasa pintuan na ko ng room ng mapansin kong papasok si Garry kaya tumabi ako.
Dire-diretso naman na pumunta si Garry sa upuan niya at may kukunin ata. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa huminto siya sa may pintuan ng room kung nasaan rin ako.Mukhang may inaabangan naman siya.
"Hinihintay mo?"
"Ah. Si Ashen."
"Ashen?"
"Ayan na pala siya!"
Tinignan ko naman kung sinong Ashen na tinutukoy ni Garry.
Napasilip ako sa hallway mula sa pintuan ng room namin. Andaming students na dumadaan, wag na nga lang lol
Pumasok na ulit ako ng room kaso yung bunganga ni Bianca talaga eh.
"AY XIE TAMA AKO BWAHAHAHAHA LINGON DALI!"
Syempre napalingon din ako.
Nakita kong nag-uusap sila ni Garry. Nagkasalubong yung mga mata namin. Medyo napatitig ako sa kanya at ang malas napansin niya yon. Nakita kong nag smile siya akin AY JUSKO TTOTT KAIYAK YUNG SMILE NIYA KASI EH TAE. TAE. TAE. Tumalikod ako agad baka ano pang lumabas sa bibig ko. ADFCXWWIHCCPZAQR!
"HAHAHAHAHAHA! Wala ka talaga Xie! Huli na kita! HAHAHAHA! Yaan mo patulong tayo kay Garry para ilakad ka niya jan. Yiiiiee."
"Tumahimik ka nga. Sarap saksakan ng cartolina bunganga mo eh."
"So totoo? HAHAHAHAHAHA"
"HINDI."
"Deny pa more! HAHAHAHAHA"
"Bwi-"
"Ay wait! wait! waittttt!"
Bastos na bata oo.
"Anong wait ka jan"
"Tanga Xie. Si Garry kinakausap ko. Dali na."
Bigla niya naman ako hinila papalapit kina Garry at kay err... Ashen.
SASABUNUTAN KITA MAMAYA BIANCA. ITIGIL MO BINABALAK MO. BITAWAN MO AKO PUTA KA TTOTT
Nang makalapit na kami sa kanila kinausap agad ni Bianca si Garry. Mag fake smile tayo sa harap ni crush. Letcheng Bianca oo.
"Ay ano garry..."
Yan lang sinabi ni Bianca kay Garry tapos nagpabalik-balik siya ng tingin sakin tsaka kay Ashen. Tapos kay Garry.
ANONG KLASENG NILALANG KA BIANCA? TTOTT
"AHHHHHH. Hehehehe. Ok. Ok."
Yan naman sagot ni Garry kay Bianca. Aba ang galing na gets niya si Bianca. ANO YUNNNN?
"Ah oo nga pala. Eto pala si Ashen yung bago sa varsity. Ash, mga classmates ko nga pala..."
Tinuro niya si Bianca.
"Si Bianca..."
"Hi."
Nag wave lang si Ashen kay Bianca. Tss. Mukhang masungit.
"Tapos eto naman si Xiela."
"Aray."
Itulak ba naman ako papalapit kay Ashen ABA ISA KA PA GARRY RESBAKAN KITA MAMAYA -______-
"Uhm. Hello."
"Uh, Hello."
Inabot niya kamay niya and i did the same thing.
JUSKO MERALCO.
--
YO I'M BACK. HAHA :)
BINABASA MO ANG
I exist..
RomanceI'm so tired, that i just wanna give up on everything...Hi crush, i exist.