"Xie, sabay ka uwi? Tara!" yaya ng kaklase kong si Bianca.
"Ay di na Biancs. Hihintayin ko pa si Ate. Ge, una ka na. Ingat."
"Ge, bye Xie!" at tumakbo na siya palabas ng classroom.
Obvious naman na uwian na. XD Ako nga pala si Xiela Damian. 3rd year student ng South Academy. Papunta ako ngayon sa library para puntahan ang Ate ko na 4th year student naman dito. Masyadong pa-VIP. Hirap maging bunso -.-
Pagkadating ko ng library, natanaw ko agad si Ate na busy na sa pag-aayos ng gamit niya.
"Ate Kee!" tawag ko sa kanya sabay kaway.
"Sssshhh. Silence please."
"Ay sorry" sabay peace sign ko sa librarian. OA. Uwian na nga -.-
"Tara na bilis. May gagawin pa ako" sabi ko kay ate nang makalapit na siya sakin.
"Sus. Kunwari pa to, magpe-peysbuk ka lang naman. Tss."
"Aish. Dali na. Gutom na ako."
"Eto na nga, atat neto."
Minsan lang kame magkasabay umuuwi ni Ate. Nagtext kasi yan kanina na wala daw siya kasabay pauwi.
Bago pa man kami makalabas ng school, sa di kalayuan may nakita akong mga studyanteng naglalaro ng basketball. Kung di ako nagkakamali, ka batch yan ni Ate.
"Keera!"
napalingon ako sa tumawag kay Ate, si Ate naman, dire-diretso lang sa paglalakad.
"Psst hoy Ate may tumatawag sayo."
"Ha? Ay, o Shan bakit? Xie, sandali lang ah." Pinuntahan naman niya agad yung Shan na tumawag sa kanya. Binalik ko ulit yung tingin ko sa mga naglalaro ng basketball.
"Bakit may mga lalaking pawis na pawis na nga gwapo pa rin, yung iba pawis na nga, trying hard na mag mukhang gwapo kahit kadiri na. Eww." sabi ko sa isip lang.
Pinapanood ko lang sila na naglalaro habang hinihintay si Ate. Napansin ko naman na isa sa mga naglalaro ay nakatingin pala sakin. Di ko makita nang maiigi yung mukha niya dahil medyo malayo.
Lumingon naman ako left and right. Baka sa iba siya nakatingin. Pero wala ng ibang tao bukod sakin.
Paglingon ko ulit, dini-drible na niya yung bola, may nakabantay sa harap niya at mukhang atat na maagaw sa kanya yung bola, tumakbo siya pa punta sa ring at mukhang petiks lang sa kanya ang mga kalaban na nakaharang. Medyo malayo pa siya sa ring pero tinapon niya na ang bola...
"WHOA" 3 points *0* ASTIG!!
"Xie, tara na." napalingon ako kay ate. At naglakad na papuntang gate.
Magkaka stiffneck na ata ako kakalingon dahil nilingon ko ulit yung lalaking naka 3points at siya ring nakatingin ATA sakin.
And i caught him again, staring at me.
"WEIRD." i said.
----------
Nakapag-update din sa wakas! XD Hi wattpad, imissyouuu ❤
-Jae
BINABASA MO ANG
I exist..
Roman d'amourI'm so tired, that i just wanna give up on everything...Hi crush, i exist.