PROLOGUE

18 1 0
                                    

"May tumututol ba sa kasalang ito?" sabi ng pari sa harap namin ni Nigel. Nako, sana meron. Pleaseee! Tiningnan ko ang tatlo kong bestfriends, sana maisip nila yung naiisip ko ngayon kaso mukhang hindi rin nila gagawin ang tumutol dahil takot din sila kay dad.

Bigla naman nakuha ni Erra ang atensyon ko, isa sa mga best friends ko, na napatingin sa likod at napangiti sa akin. Hindi ko naiwasang hindi sundan ang tinitingnan niya na ikinasaya ng kaluluwa ko ang nakita at narinig ko.

"ITIGIL ANG KASAL!" sigaw ni Edmond na hingal na hingal pa dahil tumakbo pa siguro para itigil ang kasal.

Nginitian ko siya para magpasalamat at tatakbo na sana ako papunta sa kanya kaso sa kalagitnaan ng pagtakbo ko ay may lumitaw na magandang lalaki sa likuran niya. Ayyyy, mali isa palang halimaw na nakawala sa gubat na pinasukan ng hangin at nakakain ng sampung sako ng pride.

Napatigil ako ng makita ko siya. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ko o magagalit. Nagulat nalang ako ng hilain ako ng mga kaibigan ko palabas ng simbahan at tumakbo. Di ba nila alam na mahirap tumakbo ng nakaheels? Shocks! Ang sakit na ng paa ko.

Nang makasakay kami sa isang sasakyan ay agad kong tinanggal ang sapatos ko at tiningnan ng masama ang mga kaibigan ko. Nagpeace sign lang sila, kahit kailan talaga. Pero naramdaman ko nalang na may humawak sa paa ko na para bang sinusuri. Agad ko naman tinanggal ang kamay niya.

"Ano bang ginagawa mo dito Joshua?!" Sabi ko sa kanya. Ewan ko pero naiinins parin ako sa kanya pero sa totoo lang may part parin sakin na natutuwa na nandito siya.

Girl, who is your real boy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon