Claudette's POV
"No, but thanks" sabi ni Kyleigh kay Leo na may gusto sa kanya at naglakad na palayo.
Well, nag aya lang naman si Leo ng date with Kyleigh. He's always giving her chocolates every day. This man proves the saying "try and try until you die" hahahaha. Halos araw-araw niyang niyaya si Kyleigh magdate pero ni isang beses hindi ito pumayag. Ganda diba?
Well, Kyleigh is one of my best friends. Apat kaming magkakaibigan at naglalakad kami ngayon papunta sa room namin.
Habang naglalakad kami, someone caught my attention. Isang tao na nagtutulog sa labas ng classroom ng nakatayo. What the f? Wala ba siyang matulugan sa bahay nila kaya dito siya natutulog?
Nang malapit na kami sa kanya, nakaisip ako ng isang napakagandang plano dahil naka taas ang isa niyang paa na nakadikit sa pader (gets niyo?) So binangga ko yung tuhod niya para naman malaman niya na wala siya sa bahay nila para matulog.
"Shit!" Sigaw niya habang pinipigilan ko ang tawa ko ng makalampas kami sa kanya.
"Ouch!" Tumalikod naman ako para makita kung sino ang nambato sa akin ng notebook. Masakit ha, may strings pa talaga ang binato. Nakita ko naman yung iba na gulat ang itsura habang yung lalaking binangga ko ay masamang nakatingin sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Kala mo naman sobrang gwapo.
"Kapal*smirk*" sabi nung lalaki at tumalikod na akmang papasok na ng classrooom nila. Aba, anong makapal?
Kinuha ko agad yung notebook na binato niya sakin at binato sa kanya. Napangiti naman ako ng matamaan siya sa batok.
Aalis na sana ako pero na alala ko, kasama ko pala yung mga kaibigan ko. Aba hindi manlang ako tinulungan sa ugok na yun.
"We're not done yet, Claud" sabi niya habang nakatalikod parin ako sa kanya.
Napasmirk nalang ako sa sinabi niya, as if naman na takot ako sa kanya. Hinarap ko siya at nandon parin siya habang hawak ang batok niya.
"Who are you to call me in my nickname? We're not close, even in your dream." Sabi ko sakanya habang nakataas ang kanang kilay ko.
"Okay, miss taray." Sabi niya at ngumisi sabay alis.
Che! Wala akong pake sa kanya. Nagcr muna kami bago pumunta sa classroom, nakakastress naman talaga siya.
"Claud, sino si cute guy?" Cute? Like really?
"Cute? Who find him cute except you Erra? As if namang cute yung ugok na yun" Sabi ko sakanya ng sarcastic, nakakainit talaga ng ulo yung lalaking yun.
"Hey, wag ka ngang magalit dyan kasimple simple ng bagay eh pinapakomplikado mo Claud. Erra is just asking you then you talked like that, may problem ka ba dun sa guy?" Kyleigh.
"Wala naman pero sa inyo meron huhuhu" Sabi ko habang naka sad face.
"Ano namang problema samin girl?" Maxene asked.
"Di nyo ko tinulungan dun sa strikeland na yun, huhuhu." Sabi ko. Strikeland means hampaslupa for us.
"Sorry" Erra said.
"No. Sorry Erra if I said those things to you, nakakainit kasi ng ulo eh tapo nadamay pa kita kaya I'm sorry" Bawi ko sa kanya, I'm not bad after all talagang nakakainit lang yun ng ulo. Lalo na yung pagmumukha nya.
"Hay, enough on dramas. I hate dramas girls, let's go na nga!" Sabi ni Maxene kaya ayun lumabas na kami ng cr at habang nakaakbay ako kay Erra eh nagtungo sa classroom namin.
BINABASA MO ANG
Girl, who is your real boy?
RomanceSino nga ba ang pipiliin ng puso mo? Yung taong matagal mo ng mahal, yung taong napapamahal ka na o yung taong di mo alam na mahal mo na pala? Who will you choose? Tatlong lalaki sa iisang babae. "Haba ng hair!" "Oo nga, tatlong guys pinag-aagawan k...