CHAPTER 4

9 0 0
                                    

Harrison's POV



Grabe yung pamumula ni Ethan kanina, di ko rin sya magets minsan eh. Di malaman kung may gusto ba talaga sya kay Kyleigh o wala pero no offense ah? Maganda naman si Kyleigh pero para sakin si Erra lang talaga loves ko.



"Hoy! Pinapatawag ka ni Sr. Damyo sa office nya, dalian mo nandun si Erra." Sabi ni Logan sakin kaya ako eto nagmamadaling pumunta sa office ni Sr. Damyo.


"Err-este Sr! Tawag nyo raw po ako?" Tanong ko sakanya, shet. Di ko mapigilang di tumingin sa mahal ko!


"Oo, kasi sabi nila Maxene na ikaw ang isa sa napili nilang assistant. Papayag ka ba? Si Claudette ang ia-assist mo." Balik nyang salita sakin.


"Sr. Ahhhh, pwede bang si ano? Si ano na lang po?" Shet bakit ako nahihiya? Sasabihin ko lang naman na si Erra na lang partner ko di ko pa magawa? Anyare sakin?


"Sino? Si Erra, ikaw bahala. Kayo magusap. Off you go, thanks sa infos Erra." Sagot ni Sr ng walang preno.



Lumabas kami ng sabay, takte parang gusto kong matigil yung oras at mapatagal tong nangyayari ngayon samin.



Pinagbuksan ko sya ng pinto. "Salamat Harri" Habang nakangiti. Harri? Sya lang ang tumawag sakin nun, tae kinikilig ako!


"Ah- Err- Erra! Pwede ba na ikaw na lang pertner ko? Ah-okay lang naman kung ayaw mo, di naman ako mamimilit." Pangunguna ko, para sigurado baka kasi mainis sya eh.


"Oo naman, bakit naman hindi diba?" Sagot nya ulit sakin ng nakangiti. Takte naiinlove nanaman ako ng husto sa babaeng to! Pag ako di nakatiis hahalikan ko to eh!


"Ahhhmm, Son nagmiryenda ka na ba?" Tanong nya sakin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko, 'yang mga matang yan... Sana paggising ko tuwing umaga mga mata, ngiti at mismong sya ang bubungad sakin.


"Ahhhmm, sige una na ko ah? Kakain lang." Shet! Bakit ba kasi ko nagde-daydream? Ayan tuloy nagtampo.


"TEKA ERRA! KAIN TAYO TREAT KITA!" Paghahabol ko sakanya, ang bilis nyang nakaalis sa tabi ko o baka naman talagang mabagal lang ako?



Hayst! Kaya ko 'to! Aaminin ko sa kanya yung totoo kong nararamdaman ng harap-harapan at sisiguraduhin kong mahihimatay sya sa kilig.*wink*

Girl, who is your real boy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon