Kabanata 1: Daniel Zack Santos

27 2 1
                                    

Ako si Daniel Zack Santos, Pero maari niyo akong tawaging Niel. Ang dugyot ng intro ko, dejok.

Ngayon ay naglalakad ako sa labas ng aming campus, habang hawak - hawak ang aking gitara.

Oo, isa akong guitarist. Astig ko no!

Malala ka na Daniel.

Anyways, yun na nga. Naglalakad ako sa labas ng campus, paulit-ulit? joke.

Kakatapos lang ng aming banda, mag practice para sa susunod na school event. Nakapag-paalam na ako sa mga ka band mates ko, dahil may gagawin pa ako.

Medjo malayo na ang nalakad ko, wala na kasi akong pera. Ang layo layo ng bahay ko, hays nakakapagod talaga maging pogi, I mean mahirap.

Habang naglalakad ako, may nakita ako isang babae. Nakatayo siya sa taas ng railings ng tulay, habang ang kanyang mga kamay ay naka taas sa mag kabilaan.

Mukhang kasing edad ko lang at nasa high school pa.

Naisip ko baka mag papakamatay na ata tong babae.

Wala akong magawa, siyempre hindi ko naman alam ang pinag dadaanan niya. Baka ako pa ang maging dahilan kung bakit, nagluluksa siya ngayon pag pinigilan ko siya sa pag talon.

Hinayaan ko nalang yung babae at naglakad sa likod nito.

Pagkalagpas ko sa kaniya ay agad siyang tumalon sa ilog.

Aba! nag pakamatay nga, ang isang to!

Hindi ko man siya kilala, alalang alala naman ako sa kaniya, kaya agad agad ako tumakbo sa dulo nang tulay at sumisid sa ilog

Naku, malalagot ako kay nanay nito! basa uniform ko, kasi naman tong babaita na to!

Lumangoy ako sa tubig at hinanap yung babae.

Nakita ko siya, masayang masayang lumalangoy sa ilog.

Sarap namang sampalin nitong babaeng to! Akala ko nag pakamatay, nabasa pa tuloy uniporme ko!

Nakita ko siyang tumatawa, baliw ata ang isang to!

Maka ahon na nga, at baka ma patay pa ako ni nanay.

"Hoy!" Narinig ko ang isang malakas na boses na sumigaw.
Tumigin ako sa aking likod at nakita yung babae, naka ngiti ng malaki.

"Ba't ka nandito? Nag alala ka sakin no?! Manyak ka ata eh!" Tumawa siya ng malakas habang ipinikit ang kaniyang mata.

Dapat pala hinayaan ko nalang to mamatay! sakit sa tenga ng mga accusations niya, wow english.

tinignan ko ang kaniyang uniporme at nakita ang simbolo ng aming school.

Ibig sabihin, doon rin siya nag aaral?

"Saan ka nakatingin, manyak ka!" Agad agad niyang tinakpan ang kaniyang dibdib.

Nag init ang aking mukha at tumalikod ako sa hiya.

"Hindi ah! makapag sabi ka ng manyak, kala mo ang ganda mo!" Ang sagot ko sa kaniya.

Dali dali kong kinuha ang bag at gitara ko, sabay sa paglalakad ng mabilis.

"Oy, wait lang! saglit, joke lang naman!" Ang sigaw niya sa akin.

Bigla ko naramdaman ang isang kamay na naka patong sa aking balikat.

"Nag gigitara ka?" Ang tanong niya saakin habang naka smile.

"Wait, taga Harvok High ka rin?!" Ang isa niya pang tanong.

Grabe ang isang to, ingay ingay. Pero maganda din naman siya kapag naka ngiti. Saglit, wag ka mag papauto tol, ikaw si niel, dapat ikaw ang hinahabol ng mga chicks!

"Oo, nag gigitara ako at oo rin taga Harvok high ako. Meron pa ba? Ay, hindi rin pala ako manyak, excuse me! Sa gwapo at gentleman kong to. Pinalaki ako ng mama ko na magalang lalaki!" Sagot ko sa kaniya, habang nakahawak ng mahigpit sa aking bag.

Siya naman ay tumatawa ng malakas. Basa ang kaniyang buhok at ang laki ng kaniyang ngiti. Napangiti rin ako ng saglit.

"Hahaha! Hindi ka naman ma biro. In fairness, Ang laki ng confidence mo!" Sabi niya saakin. Anong confidence? Ma gwapo naman talaga ako!

"Ouch, sakit non ah! Malalang malala ka na." Sabi ko sa kaniya habang tumatawa

"Anong malala? Hindi ako baliw no!" Sagot niya saakin, hinampas niya ng mahina ang aking braso.

"Marunong rin ako mag gitara!" Pinagmamalaki niyang sinabi.

Edi ikaw na, hindi ko naman tinanong. Mas magaling pa rin ako. Ako kaya ang champion sa amin pag dating sa pag gigitara!

"Pake ko" Sabi ko na may halong biro. Tinignan ko naman siya, medjo nag lungkot ang mga mata niya. Mga matang nakita ko kanina, bago siya tumalon sa tulay.

"Oy, joke lang. Gusto mo hiramin gitara ko?" Pagkasabi ko sa kaniya bigla kong naalala na late na! magagalit talaga si mama, pero ayaw ko naman iwan ang isang to, baka mag kalat ang chismis sa school. The great guitarist Zack Santos is rude to a lady. Siyempre ayaw ko non no!

"Talaga? Sige!" Nag liwanag ang kaniyang mga mata. Nag lakad kami malapit sa isang bench para umupo at ipahiram ang aking gitara.

Agad niya naman itong kinuha At tumugtog.

Mundo by IV Of Spade

Fan pala to ng banda na yun!

"Fan ka ba ng band na yan?" Ang tanong ko sa kaniya, habang siya naman ay naka focus sa pag tutugtog ng gitara.

"Mhm, bet ko yung lead singer nila." Sagot niya sa akin, nakatingin pa rin sa strings ng gitara.

"Si unique?" Sabi ko, habang tinitignan ang kaniyang mukha.

"Hindi, si zild." Bigla siyang huminto sa pag tutugtog at tinignan ako.

Nag mula ang aking mga pisngi, kaya Napa iwas ako ng tingin.

"Ahh, siya... Idol ko rin siya eh. Favorite ko yung kanta niyang dekada 70." Ang aking sinabi habang nakatingin naman sa langit at pinagmamasdan ang araw na palubog na.

"Talaga?! May taste ka pala sa music." Agad siyang tumawa at ibinigay sa akin ang gitara ko.

"Ano akala mo sakin?" Tanong ko, nakataas ang isang kilay.
"Wala, akala ko ano.." Ngumiti siya saakin at hindi tinuloy ang kaniyang sasabihin. Agad siyang tumakbo papalayo at tinignan ako.

"See you tomorrow!" Sabi niya habang naka peace sign at naka smile.

Napangiti rin ako at binulong sa aking sarili "See you."

Ay, nga pala! si mama! Yari ako

Wait, yung pangalan niya rin!

Ano ba yan! Malala na siguro ang pagiging ulyanin ko.

Maka-uwi na nga, may next time pa naman, tsaka same school kami, kaya ok lang. Ask ko na lang siya bukas.

Simple Where stories live. Discover now