1st May, 2023
Sunday
Dale Harper
damienlecardo
12:51 PM
Dahlia:
Dale.
Can we talk?
Dale:
Hi! This is Danaya for the meantime! Dale's youngest sister!
Are you the Dahlia he was talking about?
I mean April.
He told me to not call you that way pala.
Dahlia:
Why did he tell you so?
Dale:
I'm not sure about the reason why.
But he told me that I shouldn't call you Dahlia yet.
Dahlia:
Ah.
Where is he?
Are you truly not Dale?
Dale:
He's in the hospital.
He decided to go there.
Just yesterday...without us.
Dahlia:
Hindi ba puwedeng makausap ko muna siya?
Kahit sandali lang sana.
May importante lang akong sasabihin.
Dale:
Sorry po, Ate Sissy.
Sinabihan din po kasi siya ng doctor niya na kailangan mapahinga kaya hindi muna siya puwede ma-contact until operation was done.
Pero mayroon siyang ibinilin na letter sa akin. Nasa ilalim ng floormat ng front door mo po.
Nandoon daw lahat ng dapat personal niyang sasabihin sayo. Kaso hindi mo naman daw siya pinapansin. Kaya ayon ang naisip niyang solusyon.
Dahlia:
Thank you for the information, Danaya!
It means a lot to me!
Dale:
Kung ano man maging resulta ng mga desisyon niya, hindi ko hinihiling na pagbigyan mo ang kahilingan niya, pero sana mabigyan mo ng tsansa ang pagkakataon. Iyon ay sakaling nagkaroon siya ng isang pursyentong puwang sa buhay mo kahit sa maikling panahon ng pagkakakilala niyo ni Kuya.
Kasi alam mo po, kahit ngayon lang kayo nagkausap, matagal ka na niyang hianahangaan sa malayo.
Gustong-gusto ka niyang lapitan, pero hindi niya magawa. At dahil iyon sa kondisyon na mayroon siya. Natatakot siya na baka itulak mo lang siya. Gaya ng naranasan niya noon.
Dahlia:
I don't know what to say.
And I'm not sure if I am going to believe you.
Ang hirap maniwala sa ngayon.
Dale:
Kung nahihirapan kang maniwala, Ate, mas mabuti kung ikaw na lamang mismo ang sumilip sa front door mo kung saan niya inilagay ang letter.
Babalik naman siya.
Pangako niya 'yan.
Dahil hindi niya rin kami puwedeng iwan.
Siya na lang kasi ang mayroon kami.
