06

56 12 3
                                    

5th April, 2023
Wednesday, 9:54 PM

Just You

Hi again, April.

Pasensya ka na kung gagawin kitang diary, ha? Mas mainam na 'to dahil hindi ko na kailangan bumili ng notebook at mas lalong pangit ang sulat ko kaya paniguradong hindi lang din natin maintindihan ang isa't isa sakaling basahin kita.

So here is my story for tonight. Earlier, I was trying to write like how I did when I was still 14. Grabe... Sobrang refreshing pala niyon. Para akong bumalik sa panahon na wala pa kong nararanasan pasakit at hindi nahihirapan magtiwala sa mga taong nakapaligid sa akin.

Naalala ko pa noon, parati akong nakangiti kahit sobrang init ng panahon. Lahat ng dumadaan, binabati at nginingitan ko. Ngayon, hindi ko na sila magawang tumingin sa mga tao.

Takot, kaba, at higit sa lahat ay panginginig dala ng mga iniisip kong baka hinuhusgahan nila ako. Ultimo sa paraan ng pananamit ko ngayon na noon ay hindi ko naman pinoproblema, hindi na ako mapakali. Tumatatak sa isip ko na... pinagtatawanan kaya nila ako?

Ang hirap pala ng ganito... Parang ayaw ko na... Ayaw ko na magmahal at magtiwala ulit... Nakakabawas pala ng confidence. Iisipin mo kasi kung anong mali sa 'yo kahit alam mo rin namang ginawa mo ang lahat ng makakaya mo sa bawat bagay.

Inalagaan ko siya... Sinuportahan... Minahal sa paraan na kaya ko... Pero heto ako, nagdurusa dahil sa kagagawan ko. Siguro... Kung nakinig lang ako sa kassbihan na huwag munang humanap ng makakasama hangga't hindi natutupad ang kagustuhan... Dahil nakakabaliw... magmahal.

Parang isang addiction na kapag nasubukan mo na, hindi mo magagawang bitawan hangga't hindi ka napapagod... Hangga't hindi mo nakukua ang nais mong maramdaman... Magpapadala sa bugso alangalang sa pagmamahal na hinahanap...

Pero kakayanin ko naman ang mag-isa, 'di ba?

Kakayanin... Kakayanin para sa sarili ko...

Daisy in the MeadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon